Chapter 11

11 1 0
                                    

Maya-maya ay nagsimula na ang saya ng Fiesta. Maraming mga tao ang nasa labas at maraming tindang kung ano-ano. Kumain muna kami sa loob para magkaroon kami ng energy. Kaharap ko si Elias sa lamesa at sobrang awkward pa rin, mabuti at hindi iyon napapansin nina Nanay Teresa at Cresencia.

Pagkatapos naming kumain at nagpasya kaming lumabas. May dalawang kawayan na ubod nang taas at isang parang lagayan ng baboy, parang alam ko na ang larong ito. Natanaw ko nang nanonood sina Don Alfredo, Donya Atanacia, at Binibining Ligaya.

Sa unang laro na tinatawag nilang Palosebo, ang magkalaban ay si Elias at Mariano. Naririnig ko ang mga cheer nilang lahat. Kahit hindi pa sila nagsisimula, ang ingay na agad. Maya-maya ay umalis na sina Donya Atanacia at Donya Alfredo habang nagpag-iwan naman si Binibining Ligaya.

Bumulong bigla sa akin si Cresencia, "Alam mo 'yang si Binibining Ligaya, nais niyang mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas eh, kaya lang, puro mga lalaki lang ang mga pwede doon kaya naman nag-aral na lamang siya sa ibang unibersidad. Napaka sipag niyan talaga, napaka talion niyan sa Haynayan, Kapnayan, Sipnayan, at sa iba pang aralin. Hindi nakakapag taka na siya ay nagugustuhan ng mga ginoo rito." Hindi ko alam pero naiinis ako sa kwento ni Cresencia. Na nosebleed lang ako sa Sipnayan na sinasabi nitong si Cresencia.

Maya-maya ay nagsimula na sina Elias at Mariano na umakyat sa kawayan. Nakita ko si Binibining Ligaya na nakatingin kay Elias at pumapalakpak. Walang mga babaeng nag chi-cheer at puro mga lalaki lang, siguro ay para manatili ang pagiging mahinhin nila.

"GO ELIAS! WOOHH!" Sigaw ko at agad na napatingin sa akin si Cresencia sa ginawa ko.

"Hiraya, anong ginagawa at sinisigaw mo?" Shemz! Hindi nga pala nila naintindihan ang salitang 'go' kasi English ito.

"A-ah wala hehe." Nanahimik na lang ako dahil baka ano pa ang masabi ko. Nakakainis naman.

Maya-maya ay nakita kong natalo ni Mariano si Elias. Nasilayan ko si Cresencia na natutuwa dahil panalo ang crush niya. Hays, ang harot nitong si Cresencia.

Uuwi na sana ako nang yayain ako ni Cresencia na mag Ikot-Ikot muna dahil daw may mga bagong paninda. Naka ipon naman ako kaya nakabili ako ng bagong damit. Dahil Fiesta, ngayon ko lang nakita ang iba pang mga taga dito.

Isang lalaki ang nakakuha sa atensyon ko. Sa porma niya, mukha siyang mayaman at ang gwapo niya. Matangkad siya at mukhang matalino.

Nakita ni Cresencia na nakatingin ako roon sa lalaking pinagtitinginan ng mga kababaihan, "Siya si ginoong Sebastian, ang pinsan ni Binibining Ligaya. Matalino siya at kumuha ng kursong Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas. Iyan ang una kong nagustuhan bago si Mariano kaya lang, mayaman siya, mahirap lang ako." Kwento ni Cresencia. Ganoon ba dito? Hindi pwede ang mayaman na makipag relasyon sa mahirap? Badtrip 'yun ah.

"Gusto mo siya?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Elias sa gilid ko at natawa naman si Cresencia.

"Tss. Hindi nga maganda 'yung katawan oh, hindi rin katangkadan." Sabi niya pa. Anong sinasabi nito? Bigla siyang umalis pagkatapos niyang sabihin 'yun.

Bigla kong naisip na tanungin si Cresencia, "Si Binibining Ligaya, gusto ba siya ng kuya mo?" Tanong ko .

Napaisip naman siya, "Sa pagkakaalam ko, hindi niya gusto si Binibining Ligaya."

"Dahil ba mayaman si Binibining Ligaya?" Tanong ko.

Sumagot naman siya, "Sa pagkakaalam ko, hindi ganoon si kuya. Kapag gusto niya ang isang tao, ipaglalaban niya talaga ito kahit ano o sino pa ang humadlang. Hindi niya ata talaga gusto si Binibining Ligaya. Kung ako nga sa kanya, gugustuhin ko na si Binibining Ligaya."

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now