Chapter 9

8 0 0
                                    

Papunta kami ngayon sa lugar ng mga Rivera para mag trabaho at hindi ko pa rin malimutan ang panaginip ko. Pero ayaw ko munang isipin 'yun, baka panaginip lang talaga 'yun.

Pagdating sa bahay ng mga Rivera ay nakilala ko pa Lalo ang ibang mga kasambahay at si Leonor Rivera. Napaka ganda niya para sa akin at napaka mahinhin niya. Sa likuran kami ng bahay nila nag kwe-kwentuhan para hindi kami makita ng nanay at tatay ni Leonor na chumichika lang kami, ngayon lang naman 'to hehe.

"Binibining Leonor, kumusta ang relasyon niyo ni Rizal?" Tanong ko sa kanya. Tinanong niya ako kanina kung paano ko nalaman at sinabi ko lang na nakita ko kasi siyang kasulatan ni Rizal. Sana all may ka pen pal. Charot

"Hindi maayos. Ang aming relasyon ay hindi malaya tulad sa iba sapagkat hindi sang-ayon ang aking mga magulang sa relasyon naming dalawa. Ang lahat ng kayang ibigay sa akin ni Rizal ay nasa akin na, walang kwentang dahilan para hindi kami magkatuluyan. Nais ng aking ina na sa iba ako ikasal, isang bagay na hindi ko kakayanin." Nalungkot ako para kay Leonor dahil wala siyang kapangyarihan para ipaglaban ang pagmamahalan ni Rizal. Bakit kaya ganoon ano? May mga bagay na ayos naman, ayaw lang ng tadhana.

Sana, kung iibig man ako, sana ay hindi 'to pigilan ng tadhana. Grabe naman pala rito. Kapag mayaman ka, kailangan ay mayaman din ang mapapangasawa mo. Nakakalungkot dahil alam kong walang patutunguhan ang relasyon nila. Mamamatay si Rizal at magkakaroon pa ng ibang kasintahan.

Pagkatapos kong makipag kwentuhan kay Leonor Rivera, bumalik na ako sa pag tra-trabaho. Suot-suot ko ngayon ang painetang ibinigay sa akin kahapon ni Elias. Pinuri nga ako ni Leonor dahil ang ganda ko raw kapag suot ito eh. Nakakakilig naman.

Pagkatapos ko sa pag ta-trabaho ay bumulong sa akin si Cresencia. "Maligo tayo sa ilog, sa likod ng abandunadong kubo." Pagyayaya niya. At dahil na miss ko ang pag swi-swimming, agad akong pumayag sa gusto niya.

As usual, bumuntot nanaman sa amin sina Elias at Mariano. Siguro kaya kami umaalis-alis ay dahil gusto nitong si Cresencia na makasama palagi si Mariano, pumaparaan ah. Pagpunta namin ay umalis muna si Mariano para bumili ng makakakain, siya na talaga ngayon ang taga bili namin ng pagkain.

Tago ang kubo na ito kaya walang mga Marites na mag sasabing mag jojowa kami. Ganoon daw kasi rito, kapag nakita kang may kasamang lalaki, iisipin nila na ay jowa mo 'yun.

Malinis ang tubig ng ilog dito hindi katulad sa panahon ko na amoy kanal. Napaka linaw ng tubig at para lang siyang malaking swimming pool. Sa kalayuan, nakikita kong may mga kababaihang naglalaba. May mga naliligo ring mga bata sa hindi kalayuan. Gusto ko nang magtampisaw kasi iniintay pa namin si Mariano.

Pagbalik ni Mariano, may dala-dala na siyang tuyo at kanin. Ang dahon ng saging ang magsisilbi naming plato ngayon. May mahabang lamesa na Kinuha sina Elias at Mariano at naka tayo kaming kakain. Tuyo ulit ang ulam at aaralin ko nang mag himay ngayon ng isda.

Pagkatapos ipagdasal ni Elias ang pagkain ay agad na kumunot ang noo ko dahil Kinuha niya ang tuyo ko. Dadalawa na nga lang tapos kukunin pa! Kawawa naman ako at isa na lang ang ulam ko!

"Hoy Elias, akin 'yan!" Sabi ko sa kanya. Ipaglalaban ko ang tuyo ko!

"Alam ko," Malamig na aniya dahilan para mas lalo akong mainis. Alam niya naman pala na ako ang may-ari ng tuyo eh, bakit niya kukunin?!

"Alam mo pala eh edi akin n---" magsasalita pa sana ako kaya lang, natahimik na ako nang ibalik niya sa akin ang tuyo na nakahimay na. Aahh ganoon ba? Pasensya na judgemental ako eh.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming maligo sa ilog. Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin ni Elias ang damit niya pang itaas. Shems! Ang mga mata ko huhuhu. May abs shems!

Nilublob ko kaagad ang sarili ko nang mapagtanto ang mga naiisip ko. Ano ba 'yan, Hillary! Napapalunok ako dahil sa nakita ko dahil may abs talaga! Nakakainis dahil napapangiti ako! Self, umayos ka naman, hindi ka mababang uri ng babae para ma turn on sa abs!

"Bakit ka nakangiti riyan?"

"Ay anak ng tipaklo---Este...Elias...hehe." Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya at hindi ko alam kung saan titingin. Hanggang balikat lang ako ni Elias at sobrang na a-awkwardan lang ako.

"Halika, may ipapakita ako sa'yo." Aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Anong ipapakita mo sa akin?!" Nagpapanic kong sabi na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.

Hinawakan niya ang aking kamay at tila ba may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan dahilan para hindi ako makaimik. Maya-maya ay ipinakita niya sa akin ang puno ng buko.

"Amin 'yan, hahayaan kitang kumuha kung gusto mo." Sabi niya bigla sa akin. Para bang abot ko 'yun eh 'yung height ko nga mas maiksi pa sa pasensya ko. 5'2 lang ako tapos ang taas-taas nung punong iyon. Bigla niyang binitiwan ang kamay ko at saka inakyat ang puno ng kubo para kumuha ng kubo siyempre, alangan namang Mangga.

Kumuha siya ng dalawa at pareho iyon binuksan. Binigay niya ang isa sa akin tsaka siya uminom ng Buko. Sayang, wala talagang straw.

"Huwag mo akong paka titigan. Huwag kang mag-alala, hindi na kita mabubugahan ngayon ng Buko." Hindi ko na namalayan na naka titig na pala ako sa kanya. Nakakahiya naman jusmiyo. Inunom ko na ang buko at mas masarap 'to kung malamig kaya lang, wala namang refrigerator sa panahong ito. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito at hindi ko alam kung bakit kaming dalawa lang ang magkasama. Base sa peripheral view ko, nakatingin lang siya sa ilog habang uminom ng buko, parang malalim ang iniisip niya.

"Naalala mo pa ba 'yung tanong mo sa akin noon? Iyong naging dahilan kung bakit kita nabugahan ng buko." Tanong niya habang ang mga mata ay naka tingin pa rin sa ilog.

"O-oo." Nahihiyang sagot ko.

"Maari mo bang itanong muli sa akin iyon ngayon?" Aniya at napa kunot nanaman ang noo ko dahil hindi ko alam ang trip ng isang ito.

"Sige, ang tanong ko noon sa'yo ay sa tingin mo ba ay magmamahal ka ulit?" Sabi ko.

Bigla siyang humarap sa akin. Ibinaba niya ang buko at saka ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Yumuko siya para tapatan ang height ko, "Oo, magmamahal ako ulit kung ikaw ang magiging dahilan."

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now