Chapter 14

3 0 0
                                    

Halos hindi ako makagalaw dahil sa nakikita ko ngayon. Anong nangyayare?! Tama ba 'tong nakikita ko?! Maya-maya ay biglang tumakas si Mariano at naiwan kaming naka tingin lang kay Cresencia.

Napaluhod si Elias at napayakap kay Cresencia. Wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang maiyak. Hindi ako makapaniwalang ang babae na tumulong sa akin at nagsilbi kong kapatid ay wala na. Duguan ang katawan niya at kahit takot ako sa dugo ay nilapitan ko siya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yakapin din si Cresencia.

"C-Cresencia, g-gising na." Umiiyak na sabi ni Elias. "C-Cresencia, andito na si k-kuya." Wala akong magawa kung hindi pagmasdan ang patay na katawan ni Cresencia. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Maya-maya ay dumating na rin si Nanay Teresa na umiiyak, "Cresencia, Diyos ko po! Cresencia!" Mas naiiyak ako sa lakas ng pag-iyak ni nanay Teresa. Maya-maya ay tumayo si Elias.

"NASAAN SI MARIANO?!" Galit na sigaw ni Elias. "ANONG GINAWA NG KAPATID KO PARA PATAYIN NIYA NANG GANITO?! MAMAMATAY TAO! HANAPIN NIYO SI MARIANO!" Sigaw ni Elias sa mga lalaking tila mga kapulisan. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano tatanggapin na wala na si Cresencia.

Nawalan ako ng malay nang maalala ko na may limang araw na lamang ako rito. Hindi ba at sabi ng nasa panaginip ko na hindi na ako makakapag tagal dito kung may mamamatay?

---------------

Nagising ako sa kwarto nina Cresencia, hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito. Pagka bangon ko ay agad akong naiyak nang maalala ang nangyare kay Cresencia. Pagkalabas ko ay na realize kong gabi na at nakita ko nang naka burol na si Cresencia. Nasa harap na upuan si nanay Teresa at umiiyak, si Elias naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta.

Lumapit ako kay nanay Teresa, "Nasaan po si Elias?"

"Kinakausap ni Mariano sa may silid malapit sa palengke," Aniya.

Agad kong pinuntahan ang lugar na sinabi ni nanay Teresa at laking pagkakataka ko kung bakit magkasama sila ni Elias.

May mga gwardia sibil sa labas at ayaw nila akong papasukin. May pinuntahan muna sila sa loob at saka ako pinapasok.

"Kilala raw ni Elias ang binibing iyan, hayaan mo siyang pumasok sa loob." Bulong nung bloated na gwardia civil.

Pagpasok ko ay nakita kong madilim ang kwarto at may isang ilaw lamang na nasa gitna ng lamesa. Nasa kabila si Elias at nasa kabila naman si Mariano na kasalukuyang umiiyak.

"Nagawa ko lang naman ito dahil inutusan ako ni Gobernadorcillo Feliciano na patayin si Cresencia dahil sa pagpapahiyang ginawa mo sa kanya noon sa palengke. S-sinabi ko na hindi ko siya kayang sundin ngunit pinagtangkaan niya ang buhay ng aking ina." Umiiyak na sabi ni Mariano.

Agad akong lumapit sa kanya at malakas na sinampal siya sa kanyang mukha. Sana malaman niya sa sampal na iyon kung gaano kasama ang loob ko. Hindi ko matanggap na siya mismo ang papatay kay Cresencia.

"Duwag ka, Mariano! Traydor!" Umiiyak na sabi ko sa kanya dahil parang kapatid ko na si Cresencia. Sasampalin ko pa sana siya kaya lang ay pinigilan na ako ni Elias.

"Tandaan mo ito, Mariano. Mula ngayon, hindi na kita kilala." Sabi ni Elias sabay hawak sa kamay ko papalabas.

Umuwi kami ni Elias na ni isa sa amin ay hindi kumikibo. Ang tanging naririnig ko lang ay hikbi ni Elias. Nadudurog ang puso ko sa mga nangyayare. Akala ko ay magiging masaya na ako dahil sinagot ko na si Elias pero hindi ko naman alam na ganito kasakit ang magiging kapalit.

Pagkarating namin sa tulay ay huminto si Elias sa paglalakad at saka niya pinagmasdan ang payapang agos ng tubig dahil sa ilog. Napalakas ang iyak niya at napatingin siya sa kalangitan. Hinimas ko ang likuran niya para ipakita ang comfort ko. Napaiyak na lang din ako.

Maya-maya ay humarap siya sa akin at tinignan ako sa aking mga mata. Sobrang pula ng mga mata niya na kasalukuyang puno ng luha.

"Bakit hindi mo sinabi agad na hindi ka taga rito?" Umiiyak na aniya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na sabi ko.

Napayuko siya at nagpunas ng luha, "H-hindi ka taga rito sa panahon na ito." Nanlamig ang katawan ko dahil alam ni Elias na hindi ako taga rito. Napa-iyak ako lalo at hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung papaano magpapaliwanag dahil hindi ko rin naman alam kung bakit ako nandito.

"S-sinonng nagsabi niyan sa'yo?" Tanong ko.

"Ako," agad akong napatingin sa babaeng nagsalita at ang nagsalita ay si...nanay Teresa.

Paano? Paano nalaman ni nanay Teresa ang tungkol sa kung sino ako?

Bumuntong-hininga si nanay Teresa, "Ako 'yung babae na nasa panaginip mo. Ako rin ang nagdala saiyo rito. Hindi ako normal na tao, may kakayahan akong magpunta sa kahit saang panahon ko gustong magpunta. Nagpunta ako sa taon kung nasaan ka at nasubaybayan ko ang buhay mo. Nakita kita na hindi masaya roon kaya ang naisip kong paraan ay pasayahin ka sa paraan ng pagdala sa iyo rito. Ngunit hindi ko naman aakalain na mas mapapasama pala ang lagay mo rito. Patawad." Lumuluhang sabi ni nanay Teresa.

Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya, "Wala po kayong kasalanan, nanay. Dapat nga po ay magpasalamat ako sa inyo dahil sa ginawa ninyo eh." Umiiyak na sabi ko rin kay nanay Teresa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mapapasalamatan dahil sa ginawa niya. Kung hindi dahil kay nanay Teresa, hindi ko makikilala si Elias at hindi ko mararamdaman ang pakiramdam ng minamahal.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay nanay Teresa at yumakap naman ako kay Elias, "Elias, patawad kung hindi ko kaagad sinabi." Niyakap niya ako nang mahigpit.

Kung tatanungin ako kung may pinagsisisihan man ako, ang sagot ko ay wala. Wala akong pinagsisisihan dahil ang mga naging desisyon ko sa buhay ang nagbigay sa akin ng saya at aral na dadalhin ko habang buhay.

"Mahal kita," Bulong sa akin ni Elias.

--------------

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa ingay mula sa labas ng kwarto. Sumilip ako at may nakita akong limang lalaki na tila sundalo. Kasalukuyan nilang kausap si Elias at nanay Teresa kaya naman lumapit din ako.

Nagsalita ang isa sa kanila, "Dahil napatunayan na may sala si Mariano Trinidad at Gobernadorcillo Feliciano Jimenez, ipinapautos ng kataas-taasang hukuman na parusahan ang dalawa sa paraan ng garrote. Bukas, alas tres, sa plaza magaganap ang pagpaparusa sa dalawa. Nakikiramay kami sa inyo." Wika ng lalaki. Inalok siya ni Elias at nanay Teresa ng tinapay ngunit tumanggi sila dahil may importante pa raw silang kailangan puntahan.

Tinignan ko ang puntod ni Cresencia, napaka ganda niya talaga. Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Siya ang nagsilbi kong kapatid sa panahon na ito na walang awang pinatay. Wala siyang kasalanan sa mga nangyare at lalong wala ring kasalanan si Elias. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga tao.

Maya-maya ay hinila ni Elias ang kamay ko at dinala ako sa likuran ng bahay nila kung saan may malaking puno ng mangga. May dalawang upuan doon at doon kami naupo.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at bigla na lang siyang tahimik na umiyak, "Apat na araw na lang ang mayroon ka rito, maari pa ba natin 'yun sulitin?" Naiyak ako nang maalala ang tungkol doon.

"M-maari bang ang mga nalalabi kong araw ay ialay natin para kay Cresencia at ang pang huli ay sa'yo?" Umiiyak siyang sumang-ayon sa gusto ko.

"Sa Biyernes, may alam akong bundok na maari nating puntahan, doon ko nais na huli kang makasama." Aniya sabay yakap sa akin nang mahigpit.

'Tadhana, Huwag mo na akong alisin dito,'

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now