Chapter 3

13 0 0
                                    

Napasigaw ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare, "Ikaw si Rizal?!"

Na estatwa ako sa kinatatayuan ko nang mapagtantong si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda! Hindi ko aakalaing makikita ko siya rito! At ang isa pang bagay na ikinagulat ko ay, magkaibigan sila ni Elias!

Tinignan nila ako nang may pagtataka, "Kilala mo si Rizal?" Tanong sa akin ni Elias. Sa tingin ko ay hanggang Ngayon ay banas pa rin siya sa pagmumukha ko. Gusto ko tuloy na itanong sa kanya kung pinaglihi ba siya sa sama ng loob?

"Ah, hindi joke lang." Awkward kong sabi sabay peace sign.

"Jok? Ano nanaman 'yang pinagsasasabi mo?" Inis na tanong ni Elias. Para bang irritable siya sa buo kong pagkatao.

"Wala." Sabi ko na lang sabay irap sa kanya. Sa tingin ko ay palagi na lang kaming magkakainisan dito.

"Dumito ka na lamang at may pupuntahan kami ni Rizal. Kapag may nawalan rito, ikaw lang ang masisisi ko." Sabi ulit ng pinaglihi sa sama ng loob na si Elias.

Nginisian ko siya, "Sa ganda kong 'to, mukha pa 'tong magnanakaw?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Wala sa mukha ang pagiging magnanakaw." Seryosong sabi niya sabay alis kasama si Rizal. Mukha siyang ewan, panira palagi eh.

Napabuntong-hininga na lang ako nang ma-realize na wala akong magagawa Ngayon. Umalis si nanay Teresa kanina para raw magtinda sa palengke. Wala pang cellphone ngayon kaya naman alam kong ma bo-bored ako nang sobra. Hanggang kalian ba ako rito? Isa pa, bakit ako nandito? Siguro, alam ng kalawakan na ang lungkot ng buhay ko kaya dinala ako rito.

Sino namang magpapasaya sa akin rito?

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa bigla akong may naisip.

'Oh no! Baka kaya ako ibinalik sa past ay dahil dadagdag ako sa mga naging girlfriends ni Rizal! Ayaw ko! Please lang, sana hindi ma-inlove si Rizal sa beauty ko! Siguro ay dapat iyon na ang huli naming pagkikita! Matalino siya pero mahihiya ako nang sobra kung dadagdag ako sa listahan ng mga naging girlfriends niya! Lord, papangitin mo po sana ako sa tuwing magkikita kami. Huhubels.'

Sinampal ko ang sarili ko matapos ma realize ang mga pinag-iisip ko. Napaka assuming ko naman ata. Pero, may possibility nga na mahulog ang isang Dr. Jose Rizal sa ganda ko.

Dahil wala akong magawa, naisip kong maglakad-lakad na lang muna. Hindi na ako nagdesisyon na magpakalayo dahil baka hindi na ako makabalik.

Sa paglalakad ko, naisip ko talaga na mas maganda nga rito dahil kahit maaraw, hindi naman masakit sa balat. Marami-raming puno kaya hindi na halos kailangan ng payong dahil mayroon namang masisilungan. Napaka mahinhin ng mga babae at kapag tumatawa sila ay mahina lang din. May mga bata akong nakikitang naglalaro at game na game. Hindi katulad sa panahon ko, puro gadgets ang inaatupag ng mga bata. Kahit nga ako eh, parang hindi ko naranasang makipaglaro sa labasan. Naiinggit tuloy ako sa mga batang naglalaro at gusto kong makipaglaro sa kanila.

Napanganga ako nang makita ang isang parang kalesa pero ang daming pwedeng sumakay. Dalawa ang kabayo nito at para itong jeep pero ang upuan ay pa horizontal. Ang alam ko lang ay kalesa na dalawa ang pwedeng sumakay at hindi tulad nito na madami ang pwedeng sumakay. Gusto sana itong picturan kaso naalala ko na wala nga palang phone sa panahong ito. Nakakaloka na ah.

Pagkadaan nito sa harapan ko ay nagdesisyon na akong umuwi. Baka kasi kapag dumiretso ako ay mawala naman ako. Dahil sa takot kong mawala, kitang-kita ko pa ang kubo nina nanay Teresa mula rito.

Pagkauwi ay isang babae ang bumungad sa akin. Morena siya, payat, at maganda. Sa tingin ko ay magkasing edad lang kami. Simple lang ang suot niya.

"Ikaw ba 'yung babaeng inuwi ni kuya kahapon?" Tanong niya sa akin. Mahinhin ang boses niya, halatang mabait hindi katulad ng kuya niya.

Awkward akong ngumiti, "Ah oo hehe." Sabi ko at dahil sa hiya ko ay napahimas pa ako sa batok ko.

Ngumiti siya sa akin, "Hindi mo na pala ako naabutan kanina dahil umalis na ako noong tulog ka pa. Ako nga pala si Cresencia, kapatid ako ni kuya Elias, 'yung lalaking nag-uwi sa'yo kagabi." Aniya. Buti at hindi talaga siya katulad ng kuya niyang parang pinaglihi sa sama ng loob.

"Ako naman si Hiraya." Sabi ko sabay lahad ng kamay para makapag shake hands sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya at parang morena version siya nung artista na si Francine Diaz.

"Kumain ka na ba? Halika at may dala akong ulam, binigay sa akin ni Binibining Leonor, ang aking amo." Napangiti ako sa kabaitan niya at sinabayan ko na nga siyang kumain dahil nagugutom na ako. Ikwinento niyang palihim lang daw siyang binigyan ng ulam noong Leonor dahil masungit daw ang nanay nung Leonor na 'yun.

Ang daldal naman pala nitong si Cresencia. Pagkatapos kumain ay nagboluntaryo na akong maghugas ng pinagkainan pero hindi siya pumayag kaya naman siya na lang ang naghugas ng pinagkainan namin.

"Hiraya, sa tingin ko ay baguhan ka lamang rito. Huwag kang mag-alala dahil isasama kita sa mga ginagalaan namin lalo na sa Plaza." Aniya. Napangiti naman ako dahil sa pagiging mabait sa akin. Medyo kahawig niya talaga si Francine Diaz, kaya lang, mas maganda pa rin ako.

Tapos na raw siya sa trabaho niya kaya naman ay maigagala niya na ako. Dahil walang mall, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naglakad-lakad kami at ayos lang sa akin kung hindi kami sumakay dahil hindi pa naman pagod ang paa ko.

Maya-maya ay nakarating na kami sa tinatawag nilang Plaza, ito siguro ang pasyalan noon. May simbahan na malapit at maraming nagtitinda nang kung ano-ano. Mas marami ang tao rito kaysa sa lugar kung saan nakatayo ang bahay nina nanay Teresa.

"Anong gusto mong bilhin? Ako na ang bahala." Mabait na aniya. Mukha siyang tatakbo ng pagiging konsehal o kung ano dahil binabati niya ang kung sino ang madaanan namin. May mga iba't-ibang tinda tulad ng bracelet, kwintas, buko, at iba pa.

Ang ganda pala dito ano. Kung panaginip lang talaga ito, sana ay hindi na ako magising. Ito na ata ang paborito kong panaginip. Pero hindi eh, ramdam na ramdam ko talaga ito, hindi ako nasa panaginip.

Malalaman mo na agad kung mayaman o mahirap ang isang tao rito eh, may mga naka suot nang maganda na baro't-saya at may mga naka suot naman nang simple lang. Sana kasi ay nakikinig ako sa history teacher ko para hindi ako nashu-shunga ngayon. May mga nakikita akong mga Spanish na mga tao at mukhang mga seryoso sila. Gusto ko sanang maging tsismosa kaso wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila dahil hindi ko marunong mag Spanish, Spanish bread lang kasi ang alam ko.

Naglakad kami ni Cresencia papunta sa bilihan ng bracelet, bibilhin niya raw iyon dahil matagal niya na raw 'yun gusto. Naiinggit tuloy ako kay Cresencia dahil siya may pera tapos ako, nganga. Gusto ko mang bumili nang kung ano-ano ay hindi ko naman magawa dahil nakakahiya namang magpabili sa kanya.

Ayaw ko na talagang bumalik sa present, puro research doon, tapos dito ay chill lang ako. Ano kaya ang trabaho ni Cresencia at baka pwede akong mamasukan doon. Sana lang ay wala siyang masyadong ginagawa sa trabaho niya.

"Cresencia, anong ginagawa mo rito?" Isang pamilyar na tinig ang narinig namin ni Cresencia habang namimili ito ng bracelet. Hays. Si Elias the great nanaman. Para bang kung nasaan ako ay nandoon din siya.

Tinignan ko siya at may kasama siyang lalaki na naka suot din ng gwardia civil. Moreno ito at maganda ang hubog ng katawan. Mukhang magkasing edad lang sila ni Elias.

"Bumili lang ng pulseras, kuya. Isinama ko na rin pala itong si Hiraya, mukhang mabait eh." Nakangiting sagot ni Cresencia kay Elias the great. Tinignan niya ako na para bang isa akong sama ng loob.

Maya-maya ay nagsalita ang lalaking kasama ni Elias, "Ako nga pala si Mariano, kaibigan ako ni Elias at isa ako sa mga nag-uwi sa inyo kagabi. Ikaw, ano ang pangalan mo, magandang binibini?" Napangiti naman ako dahil tinawag niya akong magandang binibini.

"Ako naman si Hiraya, isa akong magandang binibini hehe." Sabi ko sabay pa cute sa kanya dahil medyo cute nga siya. Ang cute rin ng pangalan niya, Mariano,

Siniko niya si Elias at may sinabi siya, "Elias, ako lang ba ngunit para sa akin ay hawig niya si Feli---" hindi na naituloy ni Mariano ang sasabihin niya nang bigla siyang sapakin ni Elias sa hindi ko lamalang dahilan. Ano raw? Kahawig ko sino?

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now