Chapter 13

11 0 0
                                    

Ngayon ay December 24, 1880. Papunta kami ni Elias sa simbahan para sa simbang gabi. Ilang buwan na rin ako sa panahong ito at nasasanay na rin ako sa panahong ito. Alam na nina nanay Teresa at Cresencia na nanliligaw sa akin si Elias at kilig na kilig naman sila. Hinayaan muna kami nila nanay na kaming dalawa lang ni Elias ngayong huling simbang gabi. Alam ko na sa sarili kong gusto ko siya kaya lang, ayaw ko pa muna siyang sagutin.

Hays, bakit ko ba siya nagustuhan eh hindi naman siya 'yung type ko sa lalaki? Ang type ko sa lalaki is 'yung marunong mag Call of Duty tapos nahulog ako sa isang lalaki na ang alam lang ata na laro ay palosebo. Diretso lang siyang nakatingin sa dinadaanan, parang hindi niya siguro napapansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. Mukhang malalim din ang iniisip niya, hindi ko nga masisid eh.

Pagkarating namin sa simbahan ay medyo late na kami kaya naman sa hulihan na lang kami naupo. Napapangiti ako dahil talagang focus siya sa pakikinig sa pari. Nakakatuwang isipin na may lalaki pala talagang maka Diyos. Dahil din sa pagpunta ko sa taon na ito ay nakapag simba ako. Noon kasi, nagsisimba lang kami kapag Pasko o 'di kaya ay Fiesta.

Tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang biglang mag Ama namin dahil bigla niya ring hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko ay nagmumukha na akong kamatis sa pula ng pisnge ko. Nakakahiya!

Paglabas namin ng simbahan ay niyaya niya akong kumain.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Hmm, kahit ano na lang."

Pinaupo niya ako sa bench habang hinihintay ko siyang bumili ng pagkain. Sana, natunugan niyang Puto Bumbong ang gusto ko.

Napabuntong hininga na lang ako at saka nilanghap ang preskong simoy ng hangin. Binibigyan talaga ako ni Tadhana ng rason na gustuhin na dito na lang ako. Hindi perpekto ang buhay dito pero sasabihin kong mas masaya dito kumpara sa present. Hays, sana nga ay nandito rin si mommy para maramdaman niya na mas maganda dito.

Tumulo nanaman ang luha ko nang maalala ko si mommy. Nakakainis dahil may sumakto pang batang babae na nagpapabuhat sa nanay niya. Naalala ko tuloy nung bata ako, kahit pagod na si mommy, bubuhatin niya pa rin ako.

"Umiiyak ka ba?" Bahagya akong nagulat dahil biglang dumating si Elias na may dalang...Bibingka. Bakit Bibingka?! Gusto ko ng puto bumbong!

"A-ah ito raw ang bilhin ko para sa'yo sabi nung nagtitinda." Binigay niya sa akin ang Bibingka at agad ko namang kinain 'yun.

Maya-maya ay bigla siyang nagsalita, "Ang tagal na kitang kilala ngunit hindi ko pa rin alam ang iyong apelyido. Ano ba ang apelyido mo?" Tanong niya. Hindi ko masabi na Cruz ang apelyido ko dahil sure akong magtatanong pa siya nang napakaraming tanong kung sino talaga ako. Hays, baka hindi ko maganpanan ang pagiging Hiraya at bumalik ako bilang Hillary! Oh no!

"Ah hindi ko na maalala," walang kwentang sagot ko.

"Kung gayon, gamitin mo na lamang ang apelyido ko," aniya sabay tawa nang bahagya. Enebe, Elias.

"Para ka nang kamatis, namumula na 'yang mukha mo," Pansin niya pa dahilan para mas lalo akong mahiya. Hays, iba ka talaga Elias.

Maya-maya ay may naisip akong itanong sa kanya, "Bakit mo pala ako nagustuhan?" Tanong ko.

"Hmm simple lang, ikaw kasi 'yung tipo ng binibini na hindi kailangan magpanggap. Palagi kang totoo sa sarili mo," aniya.

"Ako naman ang magtatanong," aniya at kinabahan ako.

"Ano ang hiniling mo kanina sa Diyos noong nasa simbahan tayo?" Tanong niya. Hindi ko masabi sa kanya ang hiling ko.

'Hiniling kong hindi na makabalik sa panahon ko,'

"Ah, hiniling ko na sana ay masarap ang ulam natin mamaya hehe." Pagsisinungaling ko, "Ikaw, anong hiniling mo?"

"Hiniling ko na sana, sagutin mo na ako kapag handa ka na," Aniya at napangiti naman ako sa kanya. Buti nga siya, totoo eh. Hindi ko na yata mabilang kung ilang buwan na niyang hinihintay ang oo ko.

Naisipan namin na maglakad-lakad muna at pagmasdan ang mga decorations na nilagay ng mga taga dito. Nakakatuwa dahil kung sino-sino ang binabati nitong si Elias, para ba siyang tatakbo sa isang posisyon sa politics at kilala niya ang halos lahat ng mga taga dito.

Naisipan kong gawan ng kanta itong si Elias kaya lang, naalala kong wala nga pala silang Gitara. Medyo nakaka bored din dito ha.

Narating na namin ang isang ilog at napansin ko na walang masyadong tao roon kaya huminto ako. Naguluhan si Elias nang makitang naka hinto ako. Nararamdaman ko ngayon na sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko.

"Bakit, may problema ba?" Tanong ni Elias at nanatili akong tahimik. Tinignan ko siya nang mabuti at napangiti ako.

"Hiraya, ako'y kinakabahan sa'yo may pro---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla kong hinila ang damit niya at sabay na pinagdampi ang mga labi namin. Sa mga oras na ito, wala akong ibang naiisip kung hindi si Elias. Hindi ko alam ngunit parang tila may kuryente nanamang dumaloy sa buo kong katawan. Nakakakilig kasi ang lambot-lambot ng labi niya.

Bumitiw na ako at nakakatuwa dahil hindi ako maka tingin sa kanya nang diretso.

"H-Hiraya" tila hindi niya maituloy ang kung ano man ang sasabihin niya.

"Elias, mahal kita." Tangi kong sinabi dahilan para mabitiwan niya ang dala niyang mga pasalubong para kayna Cresencia at nanay Teresa.

"Tayo na..." nahihiya kong sabi at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Parang hindi na yata ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Lalapit sana siya ulit upang humalik nang bigla kaming may narinig na putok ng bala

Nasa kabilang dulo ng tulay nagmula ang ingay ng putok ng bala kaya naman ay tumakbo kami ni Elias papunta roon. May mga tao na agad na nagkukumpulan kaya hindi namin makita kung sino ang binaril at nang umusog ang mga tao, nanlumo ang buo kong katawan nang makitang nakahandusay si...Cresencia at ang pumatay sa kanya ay si...Mariano?!

'Pinatay ni Mariano si Cresencia?!'

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now