Chapter 10

10 0 0
                                    

"Oo, magmamahal ako ulit kung ikaw ang magiging dahilan."

Halos manigas ang buong katawan ko nang marinig ang mga salitang sinabi ni Elias. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Tila ba nanikit 'yung mga labi ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Naka tingin lang siya nang diretso sa akin at parang iniintay na may sabihin ako.

"H-halika na, baka may makakita pa sa atin dito. B-baka isipin nila na magkasintahan tayo." Nakakainis! Nauutal na ako. Hindi na ako makapag salita nang maayos dahil sa sinabi niya sa akin.

Tumalikod ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin. Bumalik ako kayna Cresencia na tanaw lang dito. Bakit niya sinabing gusto niya ako? Paano si Felize? Matagal nang patay si Felize pero sigurado akong gusto niya pa rin 'yun. Bakit kumirot ang puso ko nang tinalikuran ko siya? Hindi ko naman siya gusto diba?

Bumalik ako kay Cresencia na masayang lumalangoy, hindi ko na tinangka pang lingunin si Elias. Nahihiya ako nang sobra sa hindi malamang dahilan. Totoo kaya iyon o gusto niya lang tignan kung lalayuan ko siya? Nakakainis, may babagabag nanaman sa akin.

Nag swimming ako ulit na parang walang nangyare.

"Saan kayo nagpunta ni kuya?" Tanong ni Cresencia. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-ah nagpasama lang akong uminom ng buko." Palusot ko pa at agad namang naniwala si Cresencia sa akin. Nakita ko sa peripheral view ko na naka upo lang si Elias sa isang upuang gawa sa kahoy at tila naka tingin siya sa akin. Hindi ko siya matignan nang diretso.

Anong mayroon sa akin? Ano naman ang dahilan niya para magustuhan ako? Sana nga ay biro lang iyon. Mas madali kong matatanggap na biro lang 'yun dahil hindi ko alam kung papaano mai-ha-handle kung totoo nga talaga iyon.

Nagpatuloy ako sa paglusaw at nagpanggap na parang walang nangyare kanina.

"Tila may bumabagabag sa iyong isipin." Pansin ni Cresencia sa akin.

"W-wala, walang bumabagabag sa akin." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Maya-maya ay nag-aya na silang umuwi at hindi pa rin ako makalingon kay Elias. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko ngayon. Hindi ako makakilos nang maayos. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata ni Elias. Ito ba ang plano niya? Ang plano niya ba ay magkunwaring may gusto sa akin para iwasan ko siya? Pwes, kung iyon ang plano niya, sa tingin ko ay panalo na nga siya.

Pagkauwi ay naabutan namin si nanay Teresa na parang may inihahandang mga putahe, mas marami ito sa usual namin na dami ng pagkain. Ano kayang meron?

"Hala ina, fiesta nga pala bukas, halina at tutulungan kita riyan." Ani Cresencia. Sa huli, tatlo kaming tumulong kay nanay Cresencia. Maagang umuwi si Mariano dahil aasikasuhin pa raw niya ang nanay niya kaya naman tatlo lang kaming tumulong kay nanay Teresa.

Pagkatapos namin mag prepare ng handa para bukas, agad na kaming natulog. Muli, napanaginipan ko nanaman ang boses na nagsasabi sa akin na...

"Wala sa iyong mga kamay kung mananatili ka rito."

Kinabukasan ay nagising ako na binabagabag ng panaginip ko. Kung ganoon, paano ko malalaman kung mananatili ako dito o hindi? Wala akong mapagsabihan tungkol doon dahil alam kong wala namang makakaintindi sa akin. Ang dami nang masyadong bumabagabag sa isip ko. Una ay 'yung pag-amin ni Elias tapos ito naman ang pangalawa.

Napansin ko na wala na si Cresencia sa tabi ko. Agad akong bumangon at napansin ko rin na maingay sa labasan. Nakita ko na mas maraming tinda kaysa sa nakasanayan namin na sa Plaza at sa Palengke lang mas maraming tinda. May mga bandiritas din, Fiesta nga pala ngayon.

Nakita ko si Cresencia at si Elias na tumutulong kay nanay Teresa at nakakahiya naman kung hindi ako tutulong. Naghahanda sila ng Pancit at ng Puto bilang handa. Mabuti na lang at maaga-aga akong nagising kaya naman nagkaroon ako ng chance na magpaturo kay nanay Teresa kung papaano ang magluto ng Pancit.

Pagkatapos naming makapag luto ay nag decide akong maupo sa harapan ni Cresencia na kasalukuyang kumakain ng mainit-init pang Puto. Gusto kong kunin ang chance na ito para mas makilala siya at para mas magkaroon ako ng kaalaman tungkol sa nakaraan.

"Siya nga pala, bakit hindi ka pumapasok sa eskwela?" Tanong ko kay Cresencia, nag-iingat ako sa mga itinatanong ko dahil baka paghinalaan niya na hindi ako galing dito sa past pero sure naman ako na hindi niya ako pag-iisipan nang ganoon.

"Hmm, nais ko kasing kumuha ng kurso na Medisina. Kaya lang, wala kaming pera para doon. Hindi rin ako tulad ng iba, mas mabagal akong matuto kaysa sa mga kaklase ko. At saka, mas gusto ko na lang mag trabaho para matulungan si ina." Sagot niya.

"Ano pala ang paborito mong sub---este inaaral noon." Shemz, anong tagalog ng subject?

"Paborito kong inaaral ang sipnayan dahil madali lang iyon para sa akin, doon ako talagang magaling." Sagot niya. What is Sipnayan? My gosh!

"Paborito kong parte ng Sipnayan ay ang mga bahagimbilang, mahilig kasi talaga ako sa mga numero." Ahh, feeling ko ay Math ang sipnayan pero ano naman ang bahagim---ah basta kung ano man 'yun.

Nagtuloy-tuloy na ang kwentuhan namin ni Cresencia at natigil lang ito nang may marinig kaming ingay mula sa labas.

"Sina Don Alfredo at Donya Atanacia!" Sigaw ng mga tao sa labas. Lumabas ako para tignan kung sino ang tinutukoy nila. Dalawang mukhang mag-asawa ang naka sakay sa isang kalesa. Ang lalaki ay balbas sarado at mukhang may ibang lahi at isang babae na maganda ang kutis. Sila ata sina Don Alfredo at Donya Atanacia.

Maya-maya ay bumulong sa akin si Cresencia, "Sila sina Don Alfredo at Donya Atanacia, sila ang pinaka mayaman dito." Sabi ni Cresencia.

Maya-maya ay sumunod naman ang isang kalesa pa na iisa lang ang sakay. Isang babaeng tila ka edad lang namin ni Cresencia. Maganda siya at makinis ang balat, para siyang artista sa ganda. Nagsalita muli si Cresencia, "Siya si Binibining Ligaya, ang nag-iisang anak nina Don Alfredo at Donya Atanacia." Ani Cresencia.

"Ang ganda niya." Sabi ko.

Sumang-ayon naman sa akin si Cresencia, "Oo nga eh. Alam mo ba, may gusto 'yan kay kuya." Agad akong napa tingin kay Cresencia at nagulat naman siya.

"Oh, may mali ba sa sinabi ko dahilan para tignan mo ako nang masama?" Tanong niya

Agad naman akong ngumiti, "Wala hehe."

Sa hindi malamang dahilan ay napasulyap ako kay Elias at nakita ko siyang nakatingin kay Binibining Ligaya.

Maganda si Binibining Ligaya pero mas maganda naman ako sa kanya. Period, no erase, pod lock, tapon susi.

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now