Chapter 4

13 0 0
                                    

Nakauwi na kami at galit pa rin si Elias kay Mariano sa hindi malamang dahilan. Tahimik lang si Cresencia at si nanay Teresa. Na a-out of place na tuloy ako dahil ako lang ang walang alam kung bakit sinuntok nitong ni Elias si Mariano.

Nagkakape kami ngayon sa lamesa at sobrang awkward dahil walang nagsasalita o kumikibo. Base sa nakikita ko, masakit ang kamay ni Elias, siguro ay matigas ang mukha ni Mariano. Tsaka, mukha naman silang magkaibigan ah, bakit sila nag-aaway? Hays. Si Elias the great talaga oh.

May sariling kwarto si Elias at pumunta na siya doon agad. May gagawin pa raw si nanay Teresa kaya naman kami na ni Cresencia ang pumasok sa isa pang kwarto para mamahinga. Pagpasok ay agad kaming nahiga ni Cresencia pero hindi ako mapakali dahil nga sa nangyare kanina kaya naman ay tinanong ko na siya.

"Cresencia, hindi naman sa tsismosa ako pero bakit sinapak ni Elias si Mariano?" Tanong ko kay Cresencia at Napabuntong-hininga na lang siya.

"Pagpaumanhin mo Hiraya ngunit wala ako sa pwesto para mag kwento sa'yo kung bakit nagkaganoon si kuya. Hindi ko rin naman masabi na siya na lamang ang tanungin mo dahil tiyak na magagalit siya sa'yo kung tatanungin mo pa siya. Mabuti pa Siguro kung mamahinga na lamang muna tayo ngayon." Paliwanag niya. Wala naman akong nagawa kundi ang um-oo na lang. Sino kaya si Feli---hays. Hindi ko naman narinig ang buong pangalan kaya pangalanan ko na lang siyang si letter 'F'.

"Cresencia," tawag ko, "pwede ba akong mamasukan sa pinag tra-trabahuhan mo? Gusto ko rin kasing mag trabaho eh." Sabi ko sa kanya at agad naman siyang napangiti.

"Sige, tutal ay naghahanap din naman sila ng taga linis eh." Masayang sagot niya na ikinagulat ko naman.

"Taga linis?! Magiging taga linis ako?!" Napatakip agad ako sa bibig ko nang ma realize kong napalakas ang boses ko. Agad niya naman akong tinignan nang may pagtataka. Hays. Ano nanaman ba 'tong nagawa ko?

"Oo, taga linis ako roon. Ayaw mo ba?" Na offend ata siya sa sinabi ko. Gosh naman.

"A-ah hindi, na excite lang siguro ako. Sige, sasama ako sa'yo bukas sa trabaho. Masaya ang maglinis eh hehe." Awkward kong sabi dahil never pa sa buhay kong naranasan kong maglinis ng bahay namin dahil sina yaya naman ang naglilinis doon.

Na realize ko na, ang swerte ko pala. Palagi akong may taga linis kaya hindi ko na kailangan pang mapagod pa. Mayroon din akong taga luto. Kapag aalis ako papuntang school, ang tanging kailangan ko na lang gawin ay kunin ang pagkain ko dahil hindi ko naman na kailangan pang lutuin 'yun para sa akin. Siguro, isa pa sa mga dahilan kung bakit ako nilagay dito ay dahil gusto ni tadhana na matuto akong maging grateful.

Maya-maya ay nakita ko nang tulog si Cresencia, sayang naman at chi-chikahin ko pa naman siya.

Kinabukasan ay ginising agad ako ni Cresencia. Siguro ay 6am niya ako ginising, hula ko lang, wala kasing orasan dito eh. Magagalit sana ako sa kanya dahil ang aga niya akong ginising pero naalala ko nga pala na papasok kami sa trabaho.

Mukhang papasok din sa trabaho si Elias dahil naka uniform na siya. Nag kape muna kami at tinapay. Habang kami ay kumakain, si nanay Teresa naman ay abala sa pag-aayos ng mga gulay na ititinda niya.

Maya-maya habang nagkakape kami ay pumasok bigla si Mariano. Napa tingin na lang ako sa kape ko dahil alam ko kung gaano ito magiging awkward. Kami ni Cresencia ay tahimik lang. Halos limang segundo ata kami nabingi sa katahimikan. Maya-maya ay nagsalita na rin si Mariano.

"Elias, maari ba tayong mag-usap?" Tanong ni Mariano na naka uniporme rin.

"Nag-uusap na tayo ngayon." Malamig na aniya habang humihigop ng kape.

Bumuntong-hininga muna si Mariano bago siya tuluyang nagsalita, "Elias, pagpaumanhin mo ang matabil kong dila. Hindi ko dapat sinabi 'yun. Paumanhin muli." Aniya. Agad naman siyang tinignan ni Elias at Nginitian, ngiting nagsasabi na pinapatawad niya na si Mariano.

Nalaman kong nagtra-trabaho rin si Elias at Mariano sa pinapasukan ni Cresencia kaya naman nainis agad ako. Ibig sabihin kasi noon ay magkasabay kami palagi nina Mariano at Elias. Hays, sawa na ako sa pagmumukha ni Elias. Mukha siyang buhay na sama ng loob.

Sa pagpasok namin sa trabaho ay sumakay kami roon sa kalesa na tinutukoy ko kahapon. 'Yung kalesa na parang jeep pero ang mga upuan ay paharap tapos dalawa ang kabayo. Ngayon ko lang nalaman na Caretela pala ang tawag sa ganoong uri ng kalesa. Si Mariano ang nagbayad ng pamasahe naming lahat dahil parte 'yun ng pag so-sorry niya kay Elias.

Ibinaba kami ng driver or tinatawag na kutsero sa isang mansion. Namangha ako sa dami ng halaman at may mga guardia pa sa gate! Ang yaman pala talaga ng magiging amo namin. Pumasok na kami sa loob at ipinakilala ako ni Cresencia sa parang pinaka head ng mga yaya. Ang pangalan ng head dito ng mga kasambahay ay Remedios. Hindi ko alam ang itatawag sa kanya kaya Madam Remedios na lang. Base sa pang hu-husga ko, siya ay nasa 40 years old na. Mataba siya at may balat siyang mukhang ipot sa bandang noo.

Sinabi niya na sa garden daw ako i-a-assign. Ang gagawin ko raw ay mag putol-putol ng mga sobrang dahon. Hays, basta, kung ano na lang maputol. Wala naman akong alam sa paghahalaman eh. Mabuti na lang talaga at may iba na raw namasukan bilang taga linis kaya naman dito na lang ako nilagay. Isa ko pang pinagpapasalamat ay dito sa garden naglilinis-linis kaya chi-chikahin ko siya habang nagpuputol ako nang kung ano-ano.

Nakita ko sa kalayuan si Rizal at tila may inabot siya kay Elias na letter. Agad na umalis nang mabilis si Rizal. Bakit kaya hindi na lang siya pumasok? Maya-maya ay may batang sa tingin ko ay 13 years old ang lumabas mula sa main door ng mansion at sa kanya inabot ni Elias ang letter na inabot ni Rizal.

"Psst," rinig kong tawag sa akin ni Cresencia, "Huwag mong ipagkakalat pero siya ang kasintahan ni Rizal," pabulong na aniya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"Ilang taon na siya at si rizal?" pabulong ko ring sabi.

"Si Rizal ay labing siyam at siya naman ay labing tatlo." Inabot pa ng 5 seconds bago ko na process ang number na sinabi ni Cresencia dahil naka Filipino nga ito. Pero mas nanlaki ang mata ko dahil 13 'yung bata tapos si Rizal ay 19?!

"Siya si Binibining Leonor Rivera." Dagdag ni Cresencia bago siya bumalik sa paglilinis ng mga dahong nahulog mula sa puno.

'13 at 19?! Oh my gosh! That's illegal! Pero at least, safe na ako kay Rizal at hindi niya na ako jojowain dahil may jowa na siya. Pero, hindi talaga ako maka move on sa part na 13 lang si Binibining Leanor! Apaka chickboy mo Dr. Jose Rizal huhubels!'

Matapos ang isang oras, naupo ako nang bongga at napansin kong tanaw ko mula rito si Mariano. Hays, ang gwapo niya talaga. Pwede bang siya na lang ang maging Donny Pangilinan ng buhay ko? Apaka cute eh.

Natigil ang pagtitig ko kay Mariano nang mapansin ko namang nakatingin si Elias sa akin. Masama ang tingin niya sa akin at talagang hindi niya talaga iniiwas ang mata niya kahit magka eye-to-eye na kami! Napansin niya siguro na nakatitig ako kay Mariano. Hays, 'wag niya naman akong isumbong please lang!

Mukha talaga siyang sama ng loob. Bawal bang magkagusto kay Mariano? Hays, baliw talaga 'tong si Elias the great.

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now