Chapter 5

13 0 0
                                    

Maya-maya ay nilapitan ako ni Elias matapos makipag titigan sa kanya.

"May gusto ka kay Mariano?" Seryosong tanong niya sa akin. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Hindi ko gusto si Mariano 'no, na gwa-gwapuhan lang ako sa kanya." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tinitigan niya lang ako nang limang Segundo tapos umalis na rin siya

'Elias buang'

Para talaga siyang may sakit sa utak na hindi maintidihan. Bumalik na muli siya sa pwesto niya.

"May gusto ka kay kuya Mariano?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa likuran lang pala si Cresencia. Napahawak ako sa puso ko dahil sa kaba.

"Nako isa ka pa Cresencia, wala akong gusto kay Mariano."

"Ahh." Bakas sa mukha niya parang malungkot siya.

"Gusto mo si Mariano?!" Agad niyang tinakpan ang bibig ko dahil napalakas nanaman ang boses ko. Dinala niya ako kung saan nag me-meryenda ang ibang mga kasambahay.

"Hiraya, hindi mo naman ipinag-alam sa akin na delikado pala ang bibig mo." Dismayado niyang sabi.

"Hehe sorry." Sabi ko sabay peace sign. Napahawak na lang ako sa noo ko nang ma realize na nag English nanaman ako, "Este paumanhin," pambawi ko.

Maya-maya ay umupo kami sa tabi at siniguro niya pa munang walang ibang tao. Tila ba ay may sasabihin siya sa aking dapat kami lang ang nakakaalam. 

"Huwag mo 'tong ipagkakalat ah,"  bulong niya sa akin, "may gusto ako kay Mariano. Ngunit tila gusto mo siya." Malungkot na aniya.

"Ako?! May gusto kay Mariano?! Wala akong gusto sa kanya at hindi ko siya magugustuhan. Aaminin ko, gwapo siya pero ko talaga siya gusto." Paliwanag ko pa.

Totoo naman, gwapo lang talaga si Mariano sa akin at hindi ko siya gusto. Nakaka attract nga naman kasi talaga ang moreno niyang kulay pero mamatay man, hindi ko siya gusto. At ngayong nalaman kong gusto siya ni Cresencia, hindi ko na iisipin pa na gustuhin siya.

"Mabuti naman hehe. Siya nga pala, may dula na magaganap mamaya sa Teatro, nais mo ba akong samahan? Halika at panoorin natin ang Alamat ng Sampaguita. Masaya iyon!" Sabi niya. Kita ko naman sa mga mata niya ang saya kaya naman sasama ako. Pamilyar sa akin ang salitang dula pero nalimutan ko na kung ano iyon.

Matapos ang oras namin sa pag tra-trabaho, oras na para ibigay sa amin ng head ng mga kasambahay ang sweldo namin. Akala ko ay kada buwan ibibigay ang sweldo namin, kada araw pala.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigyan niya ako ng limang piso.

Limang piso lang?!

Nag trabaho ako nang maigi kahit na hindi ako sigurado sa mga naputol ko tapos limang piso lang?! Anong kalokohan 'to?!

"Bakit naka kunot iyang mukha mo?" Tanong sa akin ni Cresencia.

"Tignan mo, limang piso lang ang sweldo ko?! Anong mabibili ko rito?!" Agad namang kumunot ang noo niya dala ng pagtataka.

"Bigas, ulam, meryenda, iyan ang mabibili mo sa limang pisong iyan." Sagot niya.

It took me a while to realize na nasa past nga pala ako at mataas na ang value ng limang piso. Nakakahiya naman!

"Halika na, umuwi muna tayo bago manood sa teatro." Aniya. Siguro ay pinalampas niya na lang ang kashungahan ko sa pag-aakalang maliit na halaga lang ang limang piso.

Hays, nakakakaba naman dahil hindi ko alam kung papaano ko ito gagastusin. Mag-iipon na lang din ako para hindi ako maging pabigat kayna nanay Teresa.

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now