Chapter 7

9 0 0
                                    

Dahil sa galit ay nagpatuloy sa pagsasalita si Elias, "Alam kong hindi kumalat ang tungkol kay Felize dahil sa malaking salaping ibinigay mo sa mga taong nakakita ng ginawa mong krimen! Mamamatay tao ka, Feliciano! Noon, sinabi mong ang ama ni Felize ang nagnakaw ng malaking salapi sa mga Rivera! Noon pa lamang ay sinungaling ka na! Ipinanganak kang demonyo kaya mamamatay ka ring demonyo!" Dahil sa sinabi ni Elias ay tinignan siya nang masama ni Feliciano. Kung pwede lang mamatay sa titig, baka nailibing na 'tong si Elias.

Umalis na ang gobernadorcillo na may dalang sama ng loob at mas narinig ko na ang mga bulungan ngayon ng mga tao. Agad na lumapit si nanay Teresa kay Elias para yakapin ito. Umiiyak si nanay Teresa sa pag-aalala kay Elias. Pagkabitaw ng yakap ni nanay Teresa kay Elias ay agad itong umalis dala-dala ang aking kamay.

Narating namin ang abandunadong kubo na pinuntahan namin noon at nung humarap siya sa akin, nakita kong masama ang tingin niya sa akin. Napamasahe siya sa kanyang noo, "Bakit mo ginawa 'yun?" Aniya sabay bumuntong-hininga.

Hindi ako naka sagot agad, "Siguro...para...protektahan ka? Ewan?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ko nga ba ginawa 'yun?

"Hindi mo dapat 'yun ginawa dahil hindi ko naman kailangan ng pro-protekta sa akin." Seryosong aniya. "Kaya ko ang sarili ko, Hiraya." Dagdag niya pa.

"Alam ko, alam kong kaya mo pero gusto kong protektahan ka kahit na hindi mo ako kailangan." Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ang mga salitang ito ngayon.

"At bakit?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kalawakan, "Dahil ikaw ang tumulong sa akin. Kung hindi ikaw ang dumampot sa akin nung mga panahong iyon, sa tingin ko ay namatay na ako sa gutom. At saka, wala naman na sa akin kung mamamatay ako nang maaga eh." Sagot ko sa kanya.

Maya-maya ay niyaya niya ako sa loob ng kubo, kanina kasi'y nasa labas kami. Bumili siya saglit ng makakain at hindi ko alam kung bakit ayaw niyang piliing umuwi na lang.

Pagbalik niya ay umupo kami sa upuang gawa sa kawayan. May ilog sa likod ng kubo kaya naman ay doon kami pumuwesto.

Habang awkward kaming umiinom ng buko ay naisipan ko siyang tanungin, "Anong nangyare kanina? Bakit parang galit na galit sa'yo 'yung gobernadorcillo?" Tanong ko. Alam kong dapat hindi ko 'yun tinanong pero tinanong ko na lang.

Napabuntong hininga siya, "Siya si gobernadorcillo Feliciano. Isa siyang sinungaling."

Awkward ko namang tinanong ang..."Sino nga pala si Felize? Anong kinalaman niya roon sa gobernadorcillo?" Tanong ko.

Matagal siya bago nakasagot,"Si Felize...siya ang kasintahan ko noon. Ang ama niya ay nag tra-trabaho sa mga Rivera at pinagbintangan ito ni Feliciano na nagnakaw ng malaking salapi kahit na alam kong siya naman ang may salarin noon. At dahil doon, si Felize ang pinatay niya dahil ganoon siyang uri ng mamamatay tao. Hindi ka niya papatayin, ang mahal mo sa buhay ang papatayin niya. Sipsip siya sa mga Rivera dahil mayayaman ang mga ito." Ramdam kong nasasaktan siya base sa tono ng pagsasalita niya.

"Mahal na mahal ko si Felize at wala akong nagawa noon para protektahan siya. Madaling araw naganap ang patayan kaya walang masyadong tao ang nakaalam. Dinakip si Felize sa bahay nila at saka pinagpapapatay sa lugar kung nasaan ako kanina muntikan nang patayin. Si Felize ang tipo ng babaeng gusto ko, mahinhin, palangiti, at may pangarap sa buhay. At dahil kay Feliciano, nawala ang pag-iibigan namin." Nakita ko na lang na umiiyak na si Elias habang nag kwe-kwento. Awang-awa ako sa kanya dahil sa ginawa sa kanya ni Crazy Feliciano.

#FelicianoBuang

"Pasensya na Elias dahil nagtanong pa ako sa'yo." Tanging nasabi ko. Awang-awa ako sa kanya dahil ito ang unang beses na hindi niya ako sinungitan. Ito rin ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Ramdam ko sa sarili ko na nagmahal siya talaga. Sabi niya kanina, limang taon na raw ang nakalilipas. Ganoon pala talaga magmahal ano, kahit na matagal na, masakit pa rin. Siguro kahit ilang taon ang lumipas, mananatili kay Elias ang ganitong pain at confident akong sabihin na walang ibang babaeng makakapag replace kay Felize.

Sana, gumaling na ang puso ni Elias. Sana ganoon lang kadali ang makalimot. Hindi ko naman siya ma-comfort nang todo dahil ever since noon ay wala akong first love. Hindi kasi talaga ako maharot. Eme lang.

Pero ayun nga, nakakaawa siya ngayon tignan. Baka maging high tide pa ang ilog na view namin sa dami niyang luha.

"Elias, pasensya na pero hindi ko alam ang sasabihin sa'yo dahil hindi ko naman alam ang nararamdaman mo dahil hindi pa naman ako umiibig nang ganyan kalala. Sana, maging pala ngiti ka na dahil malulungkot lang si Felize kapag nalamang palagi kang nakasimangot. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo at magiging ayos sa akin kung sa akin ka iiyak." Sabi ko sa kanya. Buti nga at na pra-practice ko nang mag Filipino nang diretso.

"Salamat, Hiraya." Seryosong aniya habang umiiyak pa rin.

Nagulat ako dahil ito ang unang beses na nag pasalamat siya sa akin. Alam kong masungit siya at nakakagulat na nagpasalamat siya sa akin. Hindi ko alam kung magkaibigan na ba kami. At saka, bakit niya sinabi sa akin ang tungkol kay Felize? Hindi ba at sinabi ni Cresencia na parang ayaw ni Elias ng ganitong usapan. Kung ganoon, bakit niya 'to sinabi sa akin ngayon?

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat," pa humble ko pa.

Napansin ko habang umiiyak si Elias na ang cute niya pala. Para siyang si Rudolf 'yung deer na pula ang ilong. Ang cute niyang umiiyak talaga.

"Bakit mo ako tinitignan binibini, anong mayroon sa mukha ko?" Curios niyang tanong. Hindi ko alam na naka tingin na pala siya sa akin.

"Kagwapu---luha, luha ang nasa mata mo." Walang kwenta kong sagot.

'Shemay, self, hindi ba at si Mariano lang dapat ang gwapo? Anong ginagawa mo, Hillary Cruz?'

"Elias, may nais pala akong itanong sa iyo." Sabi ko bigla.

"Ano 'yun?"

"Alam kong masakit 'yung nangyare sa inyo ni Felize kaya naman gusto lang itanong sa iyo kung...magmamahal ka ba ulit?" Dahil sa gulat, naibuga niya sa mukha ko ang iniinom niyang buko.

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now