Chapter 15

2 0 0
                                    

Ngayon ang huling araw ko sa panahon na ito. Noong isang araw, sa Plaza, nasaksihan ko kung paano patayin sina Gobernadorcillo Feliciano at Mariano. Hindi ako maka tingin halos nang patayin sila dahil nandidiri ako. Hindi ko alam na pati pala ang mga bagay na iyon ay masasaksihan ko sa panahong ito.

Kagigising ko pa lang pero luha agad ang lumabas sa mga mata ko. Huling araw ko na para mayakap si Elias. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang mababaliw ata ako dahil hindi ko alam kung papaano maipapakita kay Elias ang pagmamahal ko sa loob ng isang araw lang.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita kong naka abang sa akin si Elias sa mismong pintuan. Wala siyang sinabi sa akin at bigla niya na lang akong niyakap. Niyakap ko siya pabalik at hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak muli. Niyakap ko si Elias sa paraang hindi ko malilimutan kung ano ang pakiramdam nang mayakap niya.

"Kumain na tayo, at pumunta na tayo sa bundok malapit dito," aniya at um-oo na lang ako.

Habang magkatabi kami sa lamesa, nasa harapan naman namin si nanay Teresa. Tumahimik lalo si nanay Teresa nung inamin niya sa akin na siya ang dahilan kung bakit ako nandito. Walang kasalanan si nanay Teresa, sadyang naawa lang siya sa akin kaya naman dinala niya ako rito.

Bago kami umalis ni Elias ay niyakap ko siya nang mahigpit. Siya ang nagsilbi kong ina rito at marami akong natutuhan sa kanya. Hindi ko rin malilimutan noong tinuruan niya akong magluto ng pancit. Ngayon ko lang naunawaan 'yung nangyare noon na todo tanggi si nanay Teresa na paalisin ako ng bahay nila.

Pagkarating namin sa tuktok ng bundok ay naupo kami malapit sa isang puno at doon kami sumilong. Pagkaupo ay agad ko siyang tinitigan at kung may hihilingin man ako, 'yun ay sana dito na lang ako habang buhay. Ngunit hindi iyon ang gusto ni Tadhana para sa aming dalawa.

Nauuso sa social media sa panahon ko ang mga linyang, 'Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.' Ganoon din ba kami? Hindi, hindi ako naniniwala na hindi kami pinagtadhana. Marahil ay pinagtagpo at pinagtadhana nga kami ngunit sa maling panahon lang.

Maya-maya ay may inabot siya na notebook sa akin.

"Ginawa ko ang kwaderno na iyan na naglalaman ng Isang daan at dalawampu't-dalawang pahina, iyon ang bilang na narito ka. Pinuno ko ang kwadernong iyan ng mga tula at nawa'y mabasa mo iyan sa sandaling nandito ka." Aniya at agad ko siyang niyakap.

Napatingin ako sa kanyang mga mata at hinawakan ko ang kanyang pisngi. "May ipapangako ako sa'yo, mahal ko." Sabi ko sa kanya.

"Ano iyon?"

Ngumiti ako nang bahagya, "Kahit saang panahon ako mapunta, ikaw pa rin ang pipiliin ko." Bigla na lang may luhang pumatak sa kanyang mga mata at siya naman ang nagsalita.

"Hindi man ikaw ang nauna, ikaw naman ang huli." Nagulat ako nang ilapit niya sa akin ang mukha niya at tila hindi ko na maigalaw ang katawan ko nang magdampi ang aming mga labi. Hindi ko alam pero ito yata ang pinaka matagal niyang paghalik sa akin.

"Hindi ka si Felize at iba ka kay Felize ngunit nagustuhan pa rin kita. Akala ko noon, hindi na ako magmamahal pang muli, Hillary Cruz-Fernandez." Nagulat ako nang tawagin niya ako sa totoo kong pangalan.

"Teka, walang Fernandez ang apelyido ko." Sabi ko sa kanya.

"Apelyido ko 'yun, para sa akin, kasal na tayo." Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko aakalain na mapapasaya niya ako nang ganito kahit sa huling araw namin.

Binuksan ko ang notebook na ibinigay niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko sa tuwa dahil sa huling page nito ay nakaukit ang mukha ko. Hindi ko alam na may talento pala si Elias sa pag do-drawing.

"Ang ganda mo palang gumuhit," puri ko sa kanya.

"Hindi naman, sadyang maganda lang ang aking iginuhit." Napangiti niya nanaman ako nang sobra at mas maganda nga ito nang sa gayon ay malimutan ko na ito na ang huli kong araw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now