Chapter 8

11 0 0
                                    

Umaga ngayon at nag-aagahan kaming lahat. Naka usap na ni nanay Teresa at ni Cresencia si Elias tungkol sa nangyare kahapon sa harap ng palengke.

Ako, masama ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbuga ng buko sa mukha ko kahapon. Magkaharap kami ngayon sa lamesa at kita kong tinatago niya ang pagtawa niya sa pagtakip sa mukha ng kunwaring binabasang dyaryo. Badtrip siya!

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa trabaho namin. Pagpunta namin doon ay agad naming nakita si Rizal at pinag titinginan siya ng ilang mga kababaihan. Simple lang siyang pumorma pero maayos siyang tignan. Hindi rin siya gaanong ka-gwapuhan para sa akin at ang liit niya talaga.

"May gusto ka kay Rizal?" Rinig kong tanong sa akin ni Elias habang siya ay naka tingin din kay Rizal. Naka kunot ang noo ko nang tignan ko siya. Hindi ko siya sinagot dahil nagtatampo pa rin ako sa ginawa niyang pagbuga sa akin ng buko kahapon.

Pumasok na kaming lahat sa trabaho at ayos naman ang naging araw ko. Muli ko nanamang nakita si Rizal na nag-abot ng letter kay Elias na ibinigay naman ni Elias kay Leonor Rivera. Grabe talaga si Rizal, 'no? Mahilig siya sa atabs (bata) ah.

Maya-maya ay inaya nanaman ako ni Cresencia sa Plaza. Hays, palagi na lang kaming gumagala kaya wala tuloy akong maipon. Bad trip talaga itong si Cresencia eh. As usual, kasama nanaman sina Mariano at Elias. Nakakainis nga at sumama pa si Elias eh, paano kung balikan pa siya ni crazy Feliciano? Hays, wala rin siyang pakialam sa sarili eh.

Pagkadating namin sa Plaza ay naabutan agad namin ang mga nagtitinda nang kung ano-ano. Medyo nabawasan ang galit ko kay Elias nang may narinig akong tumutugtog. May lalaki sa gitna ng Plaza na may hawak na gitara. May kinakanta siyang Filipino song pero hindi ko alam 'yun dahil sobrang luma na ng kanta.

Na miss ko bigla ang Gitara ko sa bahay. Kumakanta rin kasi ako minsan at ang Gitara ang nagsisilbi kong bestfriend. Kapag kasi naiinis ako or nalulungkot, tumutugtog lang ako at ang musika ang nagsisilbi kong pahinga. Sayang nga eh at walang Gitara sina Elias, hihiramin ko sana.

Maya-maya ay naupo kami sa tabi at naisipan naming kumain ng suman na may sauce. Hindi pa ako nakakakain ng suman at first time kong mag try nito. Napag-alaman ko ring latik pala ang tawag sa sauce ng suman na ito.

Bumulong ako kay Cresencia pagkatapos kong kumain, "Pwede ko bang hiramin 'yung gitara nung mamang iyon? Gusto ko kasing kumanta." Sabi ko kay Cresencia dahil miss na miss ko na talaga ang pagtugtog.

Iniwan namin sina Elias at Mariano at wala silang kaalam-alam kung bakit kami umalis ni Cresencia. Sakto dahil tapos nang kumanta ang lalaki nang lumapit kami.

"Mang Mario, nais daw hiramin ng Binibining nasa tabi ko ang gitara mo. Pwede po bang pahiram at tila nais niyang kumanta." Hindi ko alam na kakilala pala ni Cresencia ang manong na ito. Agad namang napangiti 'yung manong.

"Bakit naman hindi? Oh heto." Sabi nung manong. Agad akong napangiti nang todo dahil ang tagal-tagal ko nang hindi tumutugtog ng gitara.

Agad akong nag strum ng strings. Buti na lang at naaalala ko pa ang chords ng isa sa mga paborito kong mga kanta kaya naman iyon ang kinanta ko. Maya-maya ay naramdaman ko kaagad ang musika. Musika ang yumayakap sa akin kapag walang nandyan para sa akin.

At, nagsimula na nga akong kumanta

Kaya namang makayanan kahit pa na nahihirapan

Kahit lungkot, dumaraan 'pag natuyo na ang luha

Parang nahipan ang 'yong kandila

Init ay wala

Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan?

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now