Chapter 12

10 0 0
                                    

Pag gising ko kinabukasan, naramdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko dahil nga napanaginipan ko nanaman 'yung boses na nagsasabing wala sa mga kamay ko kung mananatili ako rito.

Nabulabog ako nang may narinig akong nag kwe-kwentuhan sa labas. Nakita ko si nanay Teresa at Cresencia na masayang nag kwe-kwentuhan. Naka upo sila sa mesa habang naghihiwa ng mga putahe na hindi ko alam kung para saan. Tapos naman na ang Fiesta diba? Bakit parang may part 2 ang handaan?

"Cresencia, napalakas ata ang boses natin at nagising si Hiraya." Puna ni nanay Teresa.

"Hindi naman po hehe," sabi ko na lang.

"Bakit po parang maghahanda po ulit kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ah, kaarawan kasi ni Elias ngayon kaya ipaghahanda namin siya." Natulala ako saglit. Birthday ni Elias ngayon?! Hala, wala akong gift sa kanya, hindi ko naman kasi alam na birthday niya. Ano na lang ang gagawin ko?

"A-ah, pwede po bang ako na lang ang magluto niyan? Iyon na lang po ang gagawin ko para kay Elias." Nakangiti kong sabi kahit na hindi ako sure sa lulutuin nila.

"Sige, tutal napanood mo naman yata ako kahapon na magluto ng Pancit, Pancit muli ang ihahain ko ngayon." Sagot ni nanay Teresa.

Tumulong ako sa paghihiwa kaya lang, tinawanan nila ang paghihiwa ko dahil hindi nga ito pantay-pantay. Pinaubaya ko na sa kanila ang paghihiwa at ako na lang talaga ang magluluto. Ano ba 'yan, talino lang sa acads ang meron ako, wala man lang akong talent kahit sa paghihiwa.

Maya-maya ay natapos na sina Cresencia at nanay Teresa sa paghihiwa at hinanda na nila ang mga putahe para sa iba pang lulutuin. Nahihiya akong manghingi ng tulong kay nanay Teresa na magpaluto kaya naman nangahas ako na ako lang mag-isa.

Nagpunta ako sa kitchen at saka inalala 'yung mga procedures na ginawa ni nanay Teresa sa pagluto niya kahapon. Buti na lang at medyo fast learner ako kaya naman sariwa pa sa isip ko ang mga procedures kung papaano magluto ng Pancit. Natatakot lang ako nang kaunti dahil baka may ma skip akong step at mag-iba ang lasa ng Pancit. Hays, bahala na. Kung pwede lang magpa Grab baka nagpa Grab na lang ako.

Kabado kong niluto ang Pancit at sina nanay Teresa naman at Cresencia at naghanda ng Tinola at Puto. Grabe, nagagawa pa nilang tumawa at mag chikahan habang nagluluto samantalang ako, medyo na pra-praning na rito. Mukha namang nagawa ko nang maayos ang Pancit so medyo kumalma na ako.

"Oh andito na si Elias at Mariano!" Rinig kong sabi ni Nanay Teresa at hindi nanaman ako makatingin kay Elias. Para bang nagiging kulay kamatis ang mga pisngi ko sa tuwing naririnig ko ang pangalang Elias. Hays, bahala na.

Nagbihis lang si Elias ng pambahay at saka naupo sa mesa. Sinabi rin ni nanay Teresa na maupo na ako. Si Elias ay nagpunta sa kusina para kumuha ng mga utensils. Kami nina Mariano at Cresencia ang naiwan sa mesa.

Napalunok ako nang umupo sa tabi ko si Elias. Hindi ko alam pero all of a sudden, hindi ako makagalaw, parang nahihiya akong gumalaw. Nakakainis, ano ba namang feelings 'to. Inihanda na nina Cresencia at nanay Teresa ang mga putahe at pinagtataka kong hindi nila nilagay ang Pancit na niluto ko.

Napansin ko na pinipigilan ni Elias at Cresencia ang tawa nila. Gosh, na a-out of place ako ah, what's so funny?

Biglang bumulong sa akin si Elias, "Hiraya, re-remedyuhan daw ni ina ang niluto mo. Tila hindi mo napansin na may tubig pa sa ilalim." aniya dahilan para mahiya ako.

Nagkunwari na lang ako na ayos lang sa akin ang narinig ko at kumuha na lang ako ng puto at agad ko 'yun sinubo.

"Pancit na may sabay," Bulong ni Elias na nang-aasar. Agad ko siyang tinignan nang masama at nag-iwas naman siya ng tingin pero pinipigilan niya pa rin ang tawa niya.

Bakit ba?! First time kong magluto nang ako lang. Besides, masarap naman ata 'yung Pancit na niluto ko kahit may tubig pa sa ilalim ah! Kung hindi lang din niya magugustuhan ang luto ko, edi sana, kay Binibining Ligaya siya magpaluto! Nakakainis naman si Elias!

Napansin niya yatang kumunot ang noo ko kaya bumulong siya muli, "Huwag kang mag-alala, Hiraya. Tuturuan kitang magluto ng Pancit. At tuturuan din kitang mahalin ako." bulong niya. Shemz,! Ang cheesy!

"Yumuko ka at namumula na ang mukha mo, tila ikaw ay kinilig sa sinabi ko." Gosh! Si Elias naman! Nakakainis! Natatawa ako na hindi maintindihan kaya naman yumuko na lang talaga ako. Ako, kikiligin sa kanya?! Hindi 'no, never!

Pagkatapos naming kumain ay pinagbalot ni nanay Teresa si Mariano ng mga pagkain. Naisipan naming ihatid si Mariano.

Narating namin ang bahay na mas maliit pa sa bahay nina nanay Teresa. Agad na umagaw ng pansin ko ay ang matandang nakahiga at tila hindi na nakakatayo.

"Ah, siya nga pala si nanay Rosa, ang nanay ni Mariano." Sabi ni Cresencia. Agad na dumiretso si Mariano sa nanay niya.

"Ina, may dala akong pagkain mula kayna Elias, kain ka na." Sabi ni Mariano. Naiiyak ako sa hindi malamang dahilan dahil nakikita ko na mapagmahal pala itong si Mariano sa nanay niya.

Pagkatapos na pakainin ni Mariano ang nanay niya ay lumapit siya sa akin. "Siya ang aking ina, Hiraya. Hindi na siya nakakatayo. Hindi ko alam ang sakit niya at hindi ko siya mapatingin sa doctor dahil wala naman kaming pera." Pag kwe-kwento ni Mariano sa akin.

Maya-maya ay tumulo ang mga luha ni Mariano, "Mahal ko si ina at handa akong gawin ang lahat para gumaling siya." Aniya. Yayakapin ko sana si Mariano para I-comfort siya kaya lang, naalala ko na hindi iyon normal sa panahon na ito.

Umuwi na kami pagkatapos ko pang malaman kung sino si nanay Rosa. Tahimik na ang paligid at kakaunti na lang ang tao sa labas kaya naman nagmadali na kami na umuwi.

Pagkauwi ay naghanda na kami para matulog. Nauna na sina nanay Teresa at Cresencia sa loob na matulog dahil tapos na sila sa paghuhugas ng mga kagamitang ginamit kanina para sa birthday ni Elias.

Pupunta na sana ako sa kwarto para matulog nang biglang may sabihin si Elias, "Hiraya," tawag niya.

"B-bakit?" SHEMZ NAMAN, ISANG SALITA NA LANG, NAUTAL PA!

"Mahal kita," aniya at hindi ko alam ang sasabihin kay nagpasalamat na lang ako.

Buong gabi ay hindi ako makatulog dahil sa mga pinagsasasabi ni Elias at nang makatulog naman ako, napanaginipan ko nanaman ang babaeng palaging nagsasalita pero blangko lang na itim ang nasa panaginip ko. Kumbaga, boses lang ang napapanaginipan ko. Natakot ako nang sabihin naman niya ang mga salitang...

"Kapag may namatay na malapit sa'yo rito, makakabalik ka sa panahon mo makalipas ang limang araw."

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now