Special Chapter 2

740K 10.7K 914
                                    

A/N: Wala e, namiss ko ang KyLet! Haha. Sinong naka miss sa KyLet? Taas ang paa! xD

 

Enjoy reading!

Dedicated to all the readers of TPBQ!

 

==========================

 

(Violet’s P.O.V)

 

Mabibigat naman ang ginawa kong hakbang palapit sa kinaroroonan ng secretary ni Kyle dito sa DLC. “Where’s Kyle?”, tanong ko naman dito nang malapitan ko na talaga siya.

“Nasa conference room po, ma’am Violet.”, she answered nervously

I can’t blame her. Nakakatakot talaga ang aura ko ngayon dahil naiinis ako. Naiinis ako kay Kyle dahil kanina pa ako nag request sa kanya ng mga pagkain pero hindi pa rin niya dinadala sa akin sa bahay kaya naman napagpasyahan kong puntahan siya rito sa office niya. Buti na lang saktong nandito ngayon sa Manila sina mommy at daddy kaya sila muna ang nag-aalaga kay Kysler sa mansion. Ang baby Kaylee ko naman, nasa school.

But back to Kyle, alam niyang buntis ako pero pinaghihintay pa niya ako. Hindi ba niya alam na nakakapag-init ulo sa mga buntis pag hindi kaagad naibibigay sa kanila yung mga pagkain na gusto nilang kainin?!

Pagkarating ko naman sa may conference room ay inis kong binuksan yung glass door. “KYLE DALE ANDERSON!”, malakas na tawag ko naman sa pangalan niya na ikinagulat niya at ng iba pang mga naririrto sa conference room. Kahit yung nagsasalita sa may harapan e napatigil dahil sa akin.

“B–Baby? What are you doing here?”, nagtatakang tanong naman ni Kyle na tumayo mula sa kinauupuan niya saka lumapit sa akin

“ASAN NA YUNG STRAWBERRIES KO NA GALING BAGUIO AT YUNG DRIED MANGGOS KO NA GALING CEBU?!”, tanong ko naman sa kanya sa mataas na boses

“B–Baby… di ba sabi ko dadalhin ko mamaya sa’yo? Pinapakuha ko pa kasi sa mga tauhan ko at hindi pa dumarating yung mga gusto mo.”, pag-eexplain naman ni Kyle sa akin na mas nagpa-init pa lalo sa ulo ko dahil hanggang ngayon e wala pa rin pala yung mga pagkaing pinaglilihian ko.

“So ganun? Hahayaan mong magutom kami ni baby?”, taas kilay namang tanong ko sa kanya. “Alam mo bang kanina pa ako hintay ng hintay sa bahay nung mga pagkaing pinapakuha ko sa’yo ha?! Gustong-gusto ko ng kainin yung mga pagkain na pinapakuha ko sa’yo pero hanggang ngayon wala pa rin pala! Sa tingin mo magandang ginugutom mo ang buntis ha? Maganda ba?!”, tanong ko naman sa kanya saka tumingin sa mga businessman na kasama ni Kyle rito ngayon sa conference room na nakatingin lang sa amin. “DI BA HINDI?!”, tanong ko naman sa kanila na ikinagulat nilang lahat. Pero agad din silang  sumang-ayon lahat lalo na ng sinamaan ko sila ng tingin dahil hindi sila sumasagot.

“Baby… please dun ka muna sa office ko ha? May importante kasi kaming pinag-uusapan ngayon.”, mahinahong paki-usap naman sa akin ni Kyle

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon