Chapter 5: Baby

1.1M 20.5K 558
                                    

<VIOLET>

Tumigil naman yung taxi na sinakyan ko sa tapat ng isang malaking bahay at ilang minute muna ang pinalipas ko sa loob ng taxi bago ako tuluyang bumaba. Nandito ako ngayon sa Tagaytay at nasa tapat ako ng bahay namin. After all what happened last night, I really need to breathe a fresh air kaya naman naisipan ko ng umuwi muna dito sa Tagaytay.

Agad naman akong nag door bell at ilang minuto lang ay lumabas ang isang katulong.

“Ano pong kailangan nila?”, tanong naman nito. Mukhang bago lang siyang katulong dahil di niya ako kilala. I can’t blame them, mga 6 months na rin kasi akong di umuuwi dito sa Tagaytay dahil sa trabaho ko. Kaya sobra ang pagtatampo ng baby ko.

“Ahm…”

 

“Violet?”, napatigil naman ako sa pagsasalita at napatingin naman ako sa tumawag s pangalan ko.

“Yaya Mellie.”, siya ang mayordoma at dati naming yaya ni ate Valerie nung mga bata pa kami.

“Naku, papasukin mo na siya Pia.”, sabi naman niya at agad akong pinapasok nung katulong. Dali-dali naman akong lumapit kay yaya Mellie at yumakap sa kanya. “Na-miss kita yaya.”, nakangiting sabi ko naman. I’ve treated her like a second mom because she treated me like her own daughter.

“Naku, na-miss din kitang bata ka. Akala ko sa Sabado ka pa uuwi dito? Naku, pasok na tayo. Sigurado akong masosorpresa ang mommy at daddy mo. At siyempre, lalo na si Kaylee.” Ngumiti lang naman ako kay yaya Mellie. Dumiretso naman kami sa may garden kung saan naroroon sina mommy at si daddy na nakikipaglaro sa baby girl ko.

“Ma…” tawag ko naman kay mommy. Nakatalikod kasi ito kaya di niya kami nakita. Kitang-kita naman ang pagkagulat sa mata ni mommy nang lingunin niya ako.

“Anak…” Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at yumakap.

“Momma?” Napatingin naman ako sa maliit na boses na tumawag sa akin then I smiled at her. MY DAUGHTER. “MOMMA!” Agad ko naman siyang sinalo nang tumakbo siya palapit sa akin at tumalon. Nangingilid naman ang mga luha ko nang yakap yakap ko na ang anak ko. Gosh… I miss her so much.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon