Chapter 4: Bar 2

1.1M 22K 1K
                                    

<VIOLET> 

Pagpasok ko naman sa bar ay nakatingin lahat sa akin ang mga lalaki.

Psh. Men. -______-

Agad ko naman hinanap si Hazel na agad kong nilapitan nung nakita ko na.

“Haze.”, tawag ko naman sa kanya

“KYAAAHHHH!!! VI!!!! NA-MISS KITA!!!!!” Agad naman niya akong niyakap. Hyper talaga niya kahit kailan. Pero na miss ko ang pagiging hyper niya. Hehe.

“Na-miss din kita.”

 

“Woah, you look so gorgeous Vi.”, Hazel

“Ano? Natitibo ka na ba sa akin? Iiwan mo na ba si Lucas para sa akin?”, pabiro ko namang tanong. Lucas Gabriel Greene is a well-known businessman at ito ang asawa ng best friend ko. Best friend ito ni Kyle pati si Brian Parker na asawa naman ni Lauren ay best friend ni Kyle.

“Kapal. Hahaha. Maganda ka man, lalaki pa rin ang type ko bruha. Tara sayaw tayo?”, Hazel

“Sige una ka na, I’ll just drink for a while.”

 

Tumango naman ito at ngumiti sa akin bago dumiretso sa dance floor. Agad ko namang hinarap ang bartender at umorder ng margarita. Napapangiti naman ako habang pinapanuod si Hazel na sumasayaw ngayon sa dance floor. Todo bigay e. Haha. Siguro stressed toh ngayon. Stress reliever kasi niya ang pagbabar kahit noong college pa kami.

“Hi miss sexy.”

 

Napatingin naman ako sa isang lalaki na naka-upo na ngayon pala sa tabi ko. “Hi.” I answered back and showed him that I’m not interested to talk to him pero sadyang makulit itong lalaking toh.

“You alone? Want some company babe?”

 

Babe-hin mo mukha mo! Mukha ba akong interesado?! Gusto ko mang sabihin iyon pero di ko na lang siya pinansin. WHAT THE!

Naramdaman ko kasi ang kamay niya sa bewang ko.

“Let go of me.”

 

“I will but let’s dance first sweetie.” Nakangisi namang sabi niya. Magproprotesta pa sana ako pero bigla na lang niya akong hinila at pagdating namin sa dance floor ay hinapit niya ako sa bewang ko at nilapit sa kanya ng sobra. I don’t want to make a scene pag sinigawan ko siya kaya pinagtutulak ko siya pero lalaki pa rin siya at mas malakas pa rin siya sa akin. Nangilabot naman ako nang bigla itong bumulong sa akin. “You look so hot babe.” And the worst, he even bite my earlobe. At dun na rin talaga ako pumalag.

The Billionaire's QueenWhere stories live. Discover now