Chapter 44: Betrayed

780K 10.8K 752
                                    

A/N: Sorry my dear readers. Kinda busy kasi lapit na finals namin at marami kaming hinahabol na mga reporting, projects, at may thesis pa so hindi talaga ako nakakapag UD. Bawi-bawi na lang pag may free time ako. Anyways, thank you sa mga patuloy na sumusuporta sa story na toh at hindi bumibitaw. Hope you support the story till the end. LOVE YOU VERY MUCH!

 

Don’t forget to VOTE and please do post COMMENTS about the story. I really do love reading COMMENTS. And FOLLOW ME if you want to :)

 

Enjoy! Till next time.

 

====================

 

(Violet’s P.O.V)

 

Hindi naman kami masyadong nagtagal sa party kasi tumawag si manang Lourdes at sinabing nagising si Kaylee at umiiyak at hinahanap kami ni Kyle.

Pagkatapos ko namang patulugin ulit ang anak ko ay pumunta na ako sa kwarto namin ni Kyle. After kong mag shower ay hinanda ko na ang bathtub para kay Kyle.

Nagtoo-toothbrush naman ako nang mapansin ko sa salamin na parang sobrang lalim ng iniisip ni Kyle. After kong mag toothbrush ay nilapitan ko siya.

Marahang hinaplos ko naman ang pisngi niya at parang doon lang siya natauhan at napatingin sa akin.

“Are you okay? What’s wrong?”, may bahid ng pag-aalala namang tanong ko sa kanya

Hinawakan naman niya yung kamay ko at marahang pinisil. “Nothing’s wrong, baby.”

 

“Are you sure? Parang sobrang lalim kasi ng iniisip mo kahit nung nasa club pa tayo.”, sabi ko naman. Kanina pa kasi talaga siyang ganito kahit nung nasa club pa kami kanina.

 

“Don’t worry about it baby. Nagkaproblema lang kasi sa kompanya but it’s nothing serious.”, Kyle

Nakatingin lang naman ako sa mukha niya saka napahinga ng malalim.

“Ganun ba? Sige, I’ll just go dry my hair. Wag mo na lang masyadong isipin yung problemang yan, hmmm?”

Ngumiti lang naman sa akin si Kyle. I gave him a peck in the lips before I stood up and walked towards the bathroom door.

Pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nagsalita si Kyle. “Baby, you love me right?”

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Kyle. Nilingon ko naman siya at seryoso siyang nakatingin sa akin. At yung asul na mata niya, parang nagmamakaawang sagutin ko siya ng ‘oo’.

Napakunot-noo naman ako dahil sa tanong ni Kyle. Why is he asking me that? Pero kahit nalilito ay sinagot ko naman siya. “Of course, Kyle. I love you. I always had and I always will.”

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon