Chapter 31: Anderson Family

863K 14K 841
                                    

A/N: Hi readers :))


So here's another UPDATE for all of you. ENJOY :)) Till the next UD again.


Don't forget to VOTE and COMMENT :)) Follow me if you want to :)


==========================


(Violet's P.O.V)


"Okay guys, we're finish for today. Let's just continue everything tomorrow.", sabi ko naman sa lahat ng members ng team ko. 9:00 P.M na rin at kailangan ko na ring umuwi. These past few days, palagi kaming overtime dahil 2 days na lang ay mare-release na yung mga products.


"Sige po ma'am Violet, ma'am Celine, una na po kami.", pagpapaalam naman nila.


"Okay, take care guys.", Celine


Sabay naman kami ni Celine na pumunta sa office ko para kunin yung gamit naming dalawa. Sabay na rin kaming lumabas ng building. Nasa may parking lot na kami nang tumunog ang phone ko. Si Lucas ang tumatawag.


"Hello Lucas.", bungad ko naman sa kanya.


["Hey Violet, dito ka sa bar ni Chester dumiretso. Kyle's here and he's drunk."], sabi naman niya sa kabilang linya.


"What?!", gulat namang sambit ko. Ba't naman naglasing ang isang yun?!


["Mukhang may problema e."]


"Okay I'll be there. Bye.", sabi ko naman bago tinapos ang tawag.


"Everything okay?", tanong naman sa akin ni Celine nang binalik ko ang phone ko sa bag ko.


I sighed. "Nasa bar si Kyle and he's drunk.", sagot ko naman sa kanya.


"What? Ba't naman nagpakalasing ang isang yun?", kunot-noo namang tanong ni Celine.


"I don't know. Pero kailangan ko ng sunduin. Sige, kita na lang tayo ulit bukas."


"Okay, you take care.", Celine


"You too.", sabi ko naman sa kanya bago sumakay sa sasakyan na sundo ko. Tinawagan ko kasi kanina si Kyle na magpadala na lang ng sundo rito para kasama siya ni Kaylee sa bahay.


"Mang Greg, sa Avalanche Bar tayo."


"Yes ma'am."


Tumawag naman ako sa bahay para kumustahin si Kaylee. Ayon kay Manang Lourdes, tulog na raw ito. Pinatulog daw muna ni Kyle bago umalis.


Pagdating namin sa bar ay agad akong pumasok. Sa VIP section ako dumiretso at doon ay nakita ko si Kyle at kasama niya sina Brian at Lucas.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon