Chapter 7: The Game

1.1M 21.2K 1.1K
                                    

CHAPTER 7

 

<KYLE>

 

“What the hell do you want Brian?”, inis ko namang tanong kay Brian na nakangisi ngayong nakatingin sa akin

“Woah, mukhang sama ng mood mo pare. Pasensya na, di mo naman kasi sinabi. Akala ko kasi sabi ng secretary mo may babaeng mukhang papatay na sa’yo yun pala…iba ang nangyayari.”, Brian

“Shut up man.”

 

“Okay okay. Anyway man, talab ba yung plano mo? Babalik na ba si Violet sa’yo?”, Brian

“I wish so pero ayaw talaga niya.”

 

“Well, can’t blame her man. You’ve hurt her.”, sinamaan ko naman ng tingin si Brian na tinaas lang ang dalawang kamay. “Just saying man.”

 

“So what’s your next plan?”, Brian

“Kung hindi ko pa rin siya makuha gamit ang company nila, then I’ll use the people around her.”

 

“*smirk* That desperate to have her back are we? Pero pare, baka naman dahil sa mga ginagawa mo e mas lalo kang kamuhian ni Violet.”, Brian

“Then I’ll make her love me again after I have her.”

 

“Confident?”, Brian

“She did love me once Brian.”

“And you did break her heart.” Ibinato ko naman sa kanya yung ballpen na nahawakan ko pero nailagan lang ng gago.

I know I break her heart before at iyon ang pinagsisihan ko ng sobra kaya nga hinanap ko siya noon pagkatapos niyang mawala. I went to the States to look for her dahil doon daw ito pumunta sabi ni Valerie. I’ve searched for her for almost four years in different countries pero wala. Pero yun pala, nandito lang siya sa bansa all those years.

At ngayon ngang nahanap ko na siya, hindi ko na siya pakakawalan pa.

<VIOLET>

 

Nai-untog ko naman ang ulo ko sa desk ko pagdating ko sa office ko.

Stupid stupid stupid Violet!

Damn! Ba’t ko hinayaang mangyari yun?! Ang tanga ko talaga. Napatingin naman ako sa pintuan ng office ko nang bumukas yun.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon