Chapter 16: Feelings

1M 17.5K 1.1K
                                    

A/N: Thank you sa mga nagbigay ng feedbacks nila sa past chapter and sa mga supporters ng story na toh. Really, thank you :)))


Hope you can continue giving your feedbacks :))


So here it is guys, enjoy <3


===========================


(Violet's P.O.V)

 

Get back in his life.


Get married in the church.


And be his wife again.


Kaya ko ba? Kaya ko ba ulit bumalik sa kanya kung hanggang ngayon, andun pa rin yung sakit na nilikha niya sa puso ko?


Kung sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko yung babaeng minsang nagpakatanga sa kanya?


Minsan na akong nagpakababa para sa kanya and I know kaya ko ulit magpakababa sa ikalawang pagkakataon para sa anak ko.


Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko at alam kong seryoso si Kyle sa mga sinasabi niya.


If only he's doing this out of love for me, siguro sasaya pa ako at hindi ako mag-aalinlangang pumayag. But the fact that he's doing this for his selfish reasons, ang sakit lang.


"So, what do you say baby?", Kyle asked.


Sinamaan ko naman siya ng tingin. Gusto mo talagang makipaglaro Kyle? Sige, pagbibigyan kita. Let's play your game again. But this time, I won't lose. Hinding-hindi ako ang magiging kawawa sa huli. I'm not the same girl from before na sinaktan mo lang.


"Fine, pumapayag na ako.", I answered agreeing to him.

 

Napangisi naman ito at bigla na lang akong hinapit sa bewang palapit sa kanya.


"But do we really need to get married in the church? Sabi mo nga, we're still married dahil hindi mo pinasa yung annulment papers natin di ba? Why waste money?", kunot-noo namang tanong ko sa kanya.

 

He smirked. "Because I want the world to know that you're married to me and that YOU'RE MINE."


Civil wedding lang kasi ang kasal namin noon at kokonti lang ang may alam tungkol dun. Yung pamilya lang namin ang nakakaalam at maging yung mga malalapit na kaibigan namin.


"Fine, whatever. It's your money that would be wasted anyway.", sabi ko na lang.

 

Ngumisi lang ito bilang kasagutan. Tss. Yabang.


"Let's make this official then, shall we baby?" And before I can ask what he meant by it...

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon