Chapter 21: Party

1M 15.7K 458
                                    

A/N: Thank you all sa mga readers who are continuously supporting my story kahit na hindi madalas ang pag uupdate ko ngayon :)))


Please do continue VOTING and porting your COMMENTS :)


==========================


(Violet's P.O.V)

Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin ng tokador. I just applied a light make-up on my face and wore a gold earring as my only accessory. Yung hair ko naman, pinusod ko lang. Then I wore my high heeled shoes. Tumayo naman at lumipat sa full body length mirror. I'm wearing a white gown na hapit sa katawan ko.


Perfect.


Kung nagtataka kayo kung nasaan si Kyle, well lumabas. May pinuntahan saglit.


Inabot yung zipper ng gown ko sa likod para izipper sana pero nahihirapan ako. Tch, great. Sinubukan ko naman ulit pero fail again.


Tumunog naman ang message alert tone ng phone ko kaya nilapitan ko yung phone ko na nasa side table ng kama. Si Lauren ang nag text just informing me na nasa venue na sila. Yup, andito rin sila ni Hazel. Sumama sila sa mga asawa nila.


Tch. peste naman kasing zipper toh. Sinubukan ko ulit izipper pero kagaya kanina, wala pa rin. Nagulat naman ako nang bigla na lang may nag zipper nun. Napalingon naman ako only to find out na si Kyle pala yun.


"I...I didn't hear you come in."

"You look beautiful.", Kyle complimented me instead.

"Th-thanks...", I said while blushing.

"Let's go?", sabay abot naman niya sa akin ng kamay niya.

Nakatingin lang naman ako sa kamay niya. Huminga naman ako ng malalim then took his hand at magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto. Hanggang makarating kami sa venue ay magkahawak kamay pa rin kami.

"Bessy!"

Napatingin naman ako kina Hazel at Lauren na papalapit sa amin at kasunod nila ang mga asawa nila.


"Wow best friend, you look gorgeous.", Lauren said.

"Oo nga, head turner ka bessy. Lahat napapalingon pag nakikita ka.", Hazel

"Tss, kayo rin naman. Mga pa humble pa kayo, di bagay ha."

Kahit naman kasi may mga anak na itong dalawang best friend ko, aakalain mong wala dahil ang sexy pa din nila. Pero siyempre si Lauren, medyo umbok na yung tiyan niya dahil buntis nga but that didn't stop her from looking sexy in her red gown. Kahit buntis ito, blooming naman. Si Hazel naman, aakalain mong isang model sa kanyang green gown.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon