MISSED CALL

19 3 4
                                    

Title: MISSED CALLGenre: Paranormal/Family Drama (One-shot story only)Author: Wiz Ligera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Title: MISSED CALL
Genre: Paranormal/Family Drama (One-shot story only)
Author: Wiz Ligera

Malalim na ang gabi nang makauwi si Raul mula sa trabaho. Dahil supervisor ng isang tanyag na kumpanya, mabigat ang mga tungkulin niya kaya karaniwan na sa kanya ang inuumaga ng uwi. [wiz ligera]

Subalit ngayon, tila ba iba na ang timpla ng kanyang katawan kaya nagpaalam muna siya sa manager na mag-a-absent kinabukasan. Hapong-hapo na ang kanyang kabuuan at kulang na lang ay igapang niya ang sarili upang makauwi. Muntikan pa siyang mabangga nang dahil sa sobrang antok kaya alam niya na nasagad na ang kapasidad niya upang magtrabaho pa.

Pagkabukas ng pintuan sa bahay ay kaagad na sumalubong ang kanyang misis na si Noreen. Imbis na batiin ay nilagpasan lang niya ito at hindi pinansin. Nag-aalalang sinundan siya nito sa silid upang makumusta.

"OK ka lang ba?" pagtatanong nito sa kanya.

Nanatili siyang tahimik habang nagbibihis. Maya't maya ay humiga na ito at ipinikit ang mga mata.

"Kumain ka na ba? Kahit sana gatas, uminom ka," pag-aalala ng kabiyak sa kanya.

Bahagyang nayamot si Raul sa pangungulit ng asawa kaya bumaling siya sa kaliwa ng higaan, kung saan hindi na niya makikita ang mukha ni Noreen. [wiz ligera]

"Raul, kausapin mo ako," pagsusumamo pa rin nito. "Sabihin mo sa akin ang problema o kung ano man ang nararamdaman mo."

Ilang sandali lang ay tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Mahigit tatlong taon na siyang nagkakaganito na bigla na lamang maiiyak at malulungkot. Nakailang punta na siya sa mga doktor at therapist pero kahit ano pa ang gamot at payo ang ibigay nila, hindi mawala-wala sa loob niya ang pighati.

Tumayo siya mula sa kinahihigan upang magpunta sa kusina. Muli ay sinundan siya ng misis na alalang-alala na sa kanya. Kumuha siya ng alak na maiinom mula sa refrigerator upang pansamantalang maging manhid sa lahat ng bagay na gumugulo sa kanyang isipan.

"Mahal, umiinom ka na naman?" pinagsabihan na siya ng esposa. "Halos gabi-gabi ka nang nagpapakalasing! Baka magkasakit ka na niyan!"

Umiling-iling lang siya at bumalik sa silid, dala ang inumin. Hindi na niya namalayan kung gaano karami ang nainom niya hanggang sa nalasing na at hindi na makabangon pa. Nangingilid ang mga luhang pumikit siya habang alalang-alala na pinagmamasdan lang siya ni Noreen sa isang tabi.

Kinaumagahan, nagising siya nang may marinig na kumakalampag sa labas ng silid. Napabalikwas pa siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pitong taong gulang na bata.

"Good morning, daddy ko! Baka pwedeng huwag ka munang pumasok. Dito ka muna sa bahay," pagbati ng kaisa-isang anak na si Liezel.

Gaya na ng nakagawian, hindi pa rin niya pinansin ang anak. Walang imik na nagtungo siya sa banyo at pagkatapos ay dumiretso na sa kusina. Malayo pa ay amoy na niya ang samyo ng brewed coffee at toasted bread. Isang matamis na ngiti ang muling bumati sa kanya. Maaga pa lamang ay naroon na si Noreen upang mapagsilbihan ang mister.

Paranormal One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon