LOLA

17 2 0
                                    

"Lola!" masayang pagtawag ni Claire habang mabilis na kumakatok sa pintuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Lola!" masayang pagtawag ni Claire habang mabilis na kumakatok sa pintuan.

"Bilisan mo po!" pangungulit niya pa kasabay nang paghagikgik.

"Sandali!" tugon ng matandang babae na nasa edad na animnapu't dalawa mula sa kusina. "Alam mo naman na may rayuma na ako, mabagal nang kumilos!"

"Naku, kapag narinig mo po ang magandang balita, mawawala ang rayuma mo!" paniniguro ng dalagita na batid na labis na ikatutuwa ng lola ang magandang balita.

Kahit na masakit ang kasu-kasuan sa bandang likuran, sinikap ni Yolanda na maglakad nang mabilis upang salubungin ang apo. Pagbukas ng pintuan ay malawak na ngiti ang bumungad at isang mahigpit na yakap ang natanggap mula kay Claire.

"Good news! Wala na tayong problema sa tuition fee ko sa next school year!" excited na pagbabalita nito. May pagmamalaking ipinakita nito ang papeles na hindi naman maintindihan ng matandang babae.

"Ano 'yan? Certificate of award ba 'yan?" nakakunot ang noo na pagtatanong niya dahil wala siyang kaalam-alam sa pagbabasa. Nagmula kasi siya sa mahirap na pamilya kaya noong kabataan pa, hindi siya pinalad na paaralin ng nga magulang.

"Parang ganoon na nga po! Certificate ito ng scholarship! At, hindi lang po 'yun!" pagpapasabik pa lalo ni Claire sa lola na napatakip na lang ng bibig dahil sa sobrang tuwa. Para kasi sa kanya, kung hindi man siya nakapag-aral, sisikapin naman niya na makapagtapos ang dalagita upang hindi matulad sa kanya na "no read, no write".

"May monthly allowance pa ako! Kaya makakatulong na rin ako sa mga gastusin sa bahay at pagbili ng mga gamot mo!"

"Ipinagmamalaki kita!" napabulalas ni Yolanda. Maligayang-maligaya siya para sa kapamilya na nakikitaan niya ng potensyal na umasenso sa buhay. Ayaw niyang matulad ito sa kanya na lumaking mahirap at kinukutya ng mga tao dahil nga sa kakulangan sa edukasyon. "Unti-unti mo nang matutupad ang pangarap mo na maging nurse!"

"Opo. Pagkatapos, mag-a-apply ako bilang nurse sa Australia, New Zealand o kaya naman sa Canada! Siyempre, isasama kita, Lola! Walang iwanan!"

"Hindi ko yata kayang manatili roon," pag-amin niya kasabay ng pagkamot ng ulo na puno na ng puting buhok. "Wala akong alam sa English."

"A basta, akong bahala sa iyo! Doon, giginhawa na ang buhay natin!"

"Salamat," maluha-luhang sinambit ni Yolanda sa pinakamamahal na apo. "Basta turuan mo akong mag-English, ha!"

"I love you po!" paglalambing nito sa kanya kasabay ng mainit na pagyakap. "Don't worry! Aalalayan kita roon, katulad ng ginawa mong paggabay sa akin."

Dinig mula sa maliit na bahay ang maligayang kuwentuhan ng maglola. Sa katunayan, hindi naman sila tunay na magkadugo pero ang samahan nila ay higit pa sa tunay na magkamag-anak. Magkasundong-magkasundo sila sa halos lahat ng bagay at parang anino na nila ang bawat isa kaya hindi nila matitiis na magkalayo.

Paranormal One-shot StoriesWhere stories live. Discover now