MIRABELLA

28 1 16
                                    

Title: MIRABELLAGenre: Paranormal (One-shot only)Author: Wiz Ligera

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Title: MIRABELLA
Genre: Paranormal (One-shot only)
Author: Wiz Ligera

Ipinanganak na mayaman at napagbibigyan sa lahat ng luho si Rogelio. Dahil kaisa-isang anak din, hindi nito natikmang maghirap at lahat ng hilingin ay napagbibigyan. Mapa-materyal o babae man, walang kahirap-hirap na nakukuha niya gamit ang pera at kapangyarihan ng mga magulang.

Bali-balita sa bayan na kapag may nagustuhan siyang babae, madali lang niya itong naibabahay at kapag pinagsawaan na, papauwiin ulit sa pamilya at babayaran na lang nang malaking halaga upang hindi na siya guluhin pa.

Marangya man ang pamumuhay at masasabing napakaswerteng tao, hindi maipagkakaila ang sama ng pag-uugali nito. Para sa kanya, ang mga tauhan sa hacienda ay utus-utusan lamang. Kapag may hindi siya nagustuhan sa mga ito o kahit mababaw na pagkakamali lang, walang awa niyang sinisesante kahit alam pa niya na kailangan nito ng trabaho. Katatapos lamang ng giyera sa Pilipinas noong masakop ng mga Hapon, kaya marami sa mga Pilipino ang tunay na naghihirap. Masama man ang pakikitungo ni Rogelio, pinagtitiyaan pa rin siyang maging amo ng mga trabahador dahil kahit papaano, may kinikita sila at naipapakain pa sa mga pamilya.

Isang hapon, pumunta muna siya sa bahay ng kaibigan dahil nagtatampo siya sa nanay na hindi pumayag na magkaroon ng bagong kotse. Kakabili palang kasi niya noong nakaraang buwan kaya pinapakiusapan na maghintay muna pagkatapos ng anihan. Dahil sanay na pinagbibigyan, naghinanakit na siya kaagad sa magulang.

"Dito muna ako, magpapalamig ng ulo!" pagrereklamo niya kay Martin. Kababata niya ito at kaparehong pinagpala sa kayamanan, pero malayong-malayo sa pag-uugali niya. 'Di hamak na mas mabait ito at kinagigiliwan ng mga tao kumpara sa kanya. Lihim man na kinaiinggitan, pakunwari pa rin niya itong kinakaibigan dahil ito lang ang halos kaestado niya sa buhay at naisasama sa mga byahe sa labas ng bansa.

"Bakit? Anong nangyari?" pag-aalala nito.

"E kasi si Mama, ayaw akong ibili ng bagong kotse. Maliit na bagay lang, hindi ako mapagbigyan! Kesyo hintayin ko raw ang anihan at bago pa ang sasakyan ko!" pasinghal na inilahad niya.

"Bago pa naman talaga ang kotse mo," pagpapaalala ni Martin sa kaibigan. "Kakabili lang niyon, 'di ba? Atsaka katatapos lang ng giyera kaya dapat magtipid din tayo. Alam mo naman na medyo humina rin ang negosyo kaya kaunting tiyaga lang mun-"

"Isa ka pa!" pambubulyaw niya rito dahil pakiramdam niya ay kinakampihan pa ang nanay kaysa sa kanya. "Palagi ka rin kontra sa mga gusto ko! Kaibigan ba talaga kita?"

"Oo, kaibigan nga kita kaya pinagsasabihan kita," malumanay na pagpapaliwanag pa rin niya kahit na medyo naiinis na rin sa baluktot na katwiran ni Rogelio. "Sana, imbis na magalit ka sa nanay mo, maintindihan mo rin na hindi lahat ng gusto mo, pwede."

"Ewan ko," nayayamot pa rin na sinambit niya. "Doon muna ako sa hardin niyo, magpapahangin kasi pati dito, umiinit ang ulo ko!'

Dali-dali niyang iniwan ang kasama at nagtungo sa likod ng bahay. Kahit anong pagpapaliwanag ni Martin upang mawala na ang pagtatampo sa ina ay ayaw pa rin niyang tanggapin na may punto nga naman sila.

Paranormal One-shot StoriesWhere stories live. Discover now