SHORT HORROR STORIES
Seven real-life experiences, mananakot muna si Author Wiz. 😱
1. ANINO
Noong high school pa ako, may kakaibang paranormal experience akong naranasan sa fourth floor ng building ng school.
Lunch time noon kaya bumaba 'yun mga kaklase namin para pumunta sa canteen. Dahil sa mabilis kaming kumain, nag-ayaan din kaming mag-toothbrush kaagad.
Mahaba ang pila sa lower floors kaya nagpasya kaming umakyat sa fourth floor. Maraming kuwento noon pa na nakakatakot daw talaga roon kapag mangilan-ngilan ang tao kasi maraming nagpaparamdam, katulad ng nakalutang na madre at nagpi-piano sa music room pero wala naman tao. Dahil sa hindi naman kami naniniwala, nagpunta pa rin kami sa CR para magsepilyo.
Habang pinapabula ko 'yun toothpaste, may naaninag ako na parang aninong itim. 'Yun tipong parang may dumaan sa side ng eyes mo, pero paglingon e wala naman. Hindi ako mapagpansin sa mga ganyan kaya in-ignore ko lang.
Then, noong nagmumumog na kami ng friend ko, bigla siyang nagtanong sa akin kung may napansin daw ba akong pumasok. Ang sagot ko naman e "oo". Tinanong niya kung lumabas na raw ba o may narinig akong nag-flush. Ang sabi ko, "wala". Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na may kakaiba na palang nagyayari.
Out of curiousity, binuksan isa-isa ng friend ko 'yun cubicles. Pagkatapos, kinulit niya ako ulit kung wala pa raw ba talagang lumalabas. Ang sabi ko ulit, "wala".
Kaya ayun, natakot na siya. Ang sabi niya, multo raw. Doon pa lang ako natauhan at tinablan ng kaunting takot.
Ang nakakatawa, iniwan ako ng friend ko sa CR at pumanaog sa stairs. Ganyan talaga ang friendship, nagkakalimutan kapag may peligro na! Ako naman e kalmado lang na bumaba kasi ayaw kong mahulog ng hagdanan. Siya e mas mabilis pa sa multong nawala sa paningin ko, hahaha!
-Wiz Ligera-
2. WHISPER
I recorded the exact time na nagising ako, July 1, 2022, about 12:45am. Nasa hospital kami, dahil mag-a-undergo ng isa pang operation procedure ang nanay ko.
We were sleeping, then, nagising ako. Pero I had a sleep paralysis, na parang gising ang mind mo pero hindi mo magalaw ang katawan. Sa maniwala man o hindi, nakikita ko ang lahat, my mother and sister sleeping, and the whole room. Aware ako sa nangyayari, kumbaga. Dahil nangyayari na ito before, I knew that the best thing to do is calm down and force myself to wake up. So I did, pinilit kong buksan talukap ng eyes ko muna. But while doing so, I heard a whisper and it was creepy. I'm sure it's not a dream, until now nangingilabot ako.
It was very clear, pabulong na mabagal, parang mahangin yun boses. It started as pabulong na paulit-ulit na hindi ko maintindihan. Then, naging clear na.
It said, "Hindi ko pa kayang mawala!".
So, I thought that someone ang namatay dito or nag-aagaw buhay na.Hindi ko alam ang gagawin noon, hindi ako expert sa ganito na mga paramdam.
And mas natakot ako kasi baka attempt iyon na saniban ako while mahina ang state ko kaya the more na finorced ko na magising. I prayed habang nilalabanan na makatulog ulit. Kapag kasi nakatulog ako, ewan ko ano mangyayari na. So nagising naman ako, whew!Sa sobrang takot ko, ginising ko pati ate at nanay ko para masiguradong wala sa kanila ang ginugulo ng kung ano o sino man na nagparamdam sa akin. Hindi nila alam why, basta ginising ko sila. Hindi ko muna nakwento kasi baka pati sila matakot.
Alam niyo ba ang dinasal ko to wake up? 'Yun "Our Father". I felt na nagalit 'yun nanggugulo sa akin, ramdam ko na hinatak pa ako sa braso Hindi nga ako tumingin sa itaas, kasi kabado na akong may makita na nakakatakot. Pilit niya akong hinihila, pero hindi ko pinansin, tuloy-tuloy ko yun "Our Father" and then "Jesus, save me" hanggang sa magising na ang buong katawan ko at nakagalaw na.
BINABASA MO ANG
Paranormal One-shot Stories
ParanormalA compilation of my one-shot stories, mostly with paranormal theme. Also published in my Facebook Page, Author Wiz.