CASSANDRA (Part 1)

6 1 0
                                    

"Jan-Jan!" may malawak na ngiting pagtawag ni Cassandra sa kababatang si Alejandro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jan-Jan!" may malawak na ngiting pagtawag ni Cassandra sa kababatang si Alejandro.

"Uy!" pagpapansin niya nang hindi man lingunin ng kaibigan. Batid niya na nagtatampo ito sapagkat hindi siya nakasipot sa bahay nito kahapon. Ang usapan ay magtutungo siya roon upang sabay nilang gawin ang school project na miniature house. Ngayon pa naman ang deadline kaya si Alejandro ang mag-isang tumapos niyon at wala man lang siyang naging kontribusyon.

Ganoon pa man ang naging atraso niya ay pinasa pa rin nito ang proyekto at isinama ang pangalan niya. Nailigtas man na mapagalitan ng guro at bumagsak sa klase, ramdam naman niya ang inis nito kaya kanina pa siya hindi pinapansin.

"Sandali lang naman e!" Hinarangan na niya ang dinaraanan nito upang huminto na at kausapin siya.

"Ano ba kasi ang gusto mo?" may pagkayamot na tinanong na ng dose anyos na binatilyo. "Naayos na ang project, 'di ba?

"Galit ka ba?" namimilog ang mga matang pag-uusisa naman sa kanya ng dalagita.

"Hindi, Cassie! Ang saya-saya ko nga!" may pagkasarkastikong tugon na niya sapagkat wala pa siyang tulog sa kakatapos ng proyekto. "At huwag mo nga akong matawag-tawag na 'Jan-Jan'! Ayaw ko ang palayaw na 'yan!"

"Sige, Jan-Jan," pagpayag naman nito. "'Di na kita tatawaging 'Jan-Jan'. Potpot na lang katulad ng tawag ng lolo mo!"

"Argh! Huwag mo lalo akong tatawagin na 'Potpot'! Parang ang bahong pakinggan!"

"Ang cute kaya! Potpooottt!"

"A basta, huwag mo akong tatawagin na 'Potpot'!"

Nakaawang ang mga labi na tinitigan lang siya ni Cassie. Sa itsura nito ay mukhang lumilipad na naman ang isip at hindi siya naunawaan kung ano nga ba talaga ang pinupunto niya.

"Diyan ka na nga!" naiinis na nasambit na lang niya. "Bukas na lang tayo mag-usap kasi mainit ang ulo ko!"

"Sandali lang kasi, huwag ka nang magalit." Bago makahakbang ay hinatak naman siya nito at sapilitang pinaupo sa bench. "Ikaw naman, maliit lang na bagay, magkakatampuhan pa tayo!"

"Ang usapan kasi, ikaw ang magdadala ng mga gamit at pagkatapos ako naman ang gagawa," pagpapaalala na ni Alejandro sa naging kasunduan. "Hapon na, naghihintay ako sa iyo pero ni anino mo, wala! Alam mo ba na muntik na tayong hindi nakapagpasa kay Ma'am Lily dahil sa kapabayaan mo?"

"I'm sorry," maluha-luhang paghingi na ng paumanhin ni Cassandra. "Si Mama kasi, isinama ako sa hacienda doon sa kabilang bayan. Ayaw kong magpunta kaya lang naroon daw ang ilang nga pulitiko at mga kamag-anak namin kaya nakakahiya naman kung hindi ako dadalo. Hindi na ako nakapagsabi kasi biglaan..."

Taong 1965, sikat ang pamilya ni Cassandra Guadalupe Morales bilang isa sa mga pinakamayaman sa buong bansa dahil sa pag-aari nilang naglalakihang lupain.

Paranormal One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon