PADRE PABLO

34 1 26
                                    

Title: PADRE PABLO
Author: Wiz Ligera
Genre: Pananormal/Horror (Two parts only)

-PART 1-

Noong dekada otsenta, may sikat na paring naging kura paroko ng San Nicolas. Ang pangalan niya ay Pablo at kilala siya dahil sa angking katapangan na kahit mismong diablo pa ang makaharap, pagtatawanan pa niya. Mula sa mga sinasaniban ng masasamamg espiritu hanggang sa mga aswang na pumapaslang ng mga inosente, lahat ay hinaharap niya at walang kahirap-hirap na tinatalo.

Minsan ay hinamon siya ng isang gobernador ng lalawigan na nagdududa sa kakayahan niya at inaakala pa na niloloko lamang ang mga tao upang makakolekta ng mas maraming donasyon para sa Simbahan. Sinabihan siya na manatili ng isang linggo sa lumang bahay na pinamumugaran hindi lang ng mga ordinaryong multo, pati mas malalakas na espiritu na poltergeist. Inutusan siya na palayasin na ang mga masasamang elemento dahil binabalak nilang i-convert ang lugar na paaralan. Walang pagkontrang sumunod naman siya at nagpahatid pa sa tinutukoy na haunted house. Bali-balita na nagbaon pa siya ng mga chitchirya dahil baka mainip daw siya habang nasa loob ng mansyon.

Mas takot pa ang opisyal at driver nang iwanan na siyang mag-isa sa abandonadong gusali. Hindi pa man nakakaapak sa may bungad ng tarangkahan, kumaripas na sila ng takbo patungo sa magarang sasakyan nang sabihin ni Padre Pablo na may nakikita na siyang babaeng nakaitim at nakasilip pa raw ito sa may bintana.

Lumipas ang pitong araw at inakala nila na sumuko na ang pari nang dahil sa sindak. Laking-gulat nila nang matagpuan nila siya na pasipol-sipol pang nag-iihaw ng mais. Napakamot na lang ng ulo ang mag-amo dahil sa kakatwang kilos ng pari na tila ba walang kinakatakutan, kahit si Kamatayan pa.

"Alam ko na darating kayo kaya nagghanda na ako ng mamimiryenda niyo," maligayang pagbati pa nito. "Gusto niyo ba ng kape?"

Nang mag-alangang lumapit ang opisyal at driver, lumapit na ang pari at inakbayan sila.

"Wala ng mga multo sa loob, nakatawid na sila..." paniniguro na niya kaya nakahinga na nang maluwag ang dalawa.

"Pero..." pahabol naman niya na ikinasindak ng gobernador kaya nagtatakbo siya pabalik sa Mercedez-Benz at iniwan pa ang kaawa-awang driver sa piling ng kakatwang pari. "Marami pa rin multo sa labas. Nandito nga ang yumaong misis mo. Pinapasbi pala niya, "Hay*p ka! Pinakasalan mo pa talaga ang kabit mo! Bakit mo raw siya ipinagpalit sa isang balyena?""

Marami pa ang istorya at mga misteryong bumabalot sa pagkatao ni Padre Pablo. Pati sa ibang bansa ay napapatawag pa siya upang gawin ang ritwal ng exorcism kapag hindi na kinakaya ng mga pari roon. Isang salita lang ng "Layas!", kaagad na umaalis ang masasamang espiritu at napapabalik niya sa impiyernong pinanggalingan nila.

Ako rin ay napuno na ng kuryosidad kung paano niya nagagawa iyon ng walang kahirap-hirap. Naisip ko pa na marahil, isa siyang superhero o alien na nagkukunwaring pari.

Isang araw, binigyan kami ng proyekto ng aming English Teacher na gumawa ng research patungkol sa mga bagay na may kinalaman sa paranormal. Nang dahil sa nanganganib ang grado ko na bumagsak sa subject na Ingles, nagnais ako na makagawa ng kakaibang project. Habang nagmumuni-muni sa aking silid, naisipan kong maglakas-loob na sumulat at humingi ng permiso kay Padre Pablo na ma-interview siya.

"Paniguradong ma-i-impress si Madam!" pangungumbinsi ko pa sa sarili "Walang makakagawa niyon kungdi ako!"

Kinaumagahan ng Sabado, ninenerbiyos na lumapit ako sa opisina kung saan nananatili ang pari kapag walang misa o mga katatakutang inaasikaso. Magalang ako na bumati sa isang madre at inabot ang liham na nagsasaad ng intensyon kong makapanayam ang tanyag na pari.

"Good morning po, Sister Angela," pagbati ko sa butihing madre na nagsisilbi rin sa Parokya ng San Nicolas. "Maaari po bang mag-request ng appointment kay Father?"

Paranormal One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon