HITMAN

8 1 0
                                    

Madilim-dilim pa at malakas ang ulan pero kasalukuyang tinatahak ni Abner ang highway patungo sa isang malaking siyudad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Madilim-dilim pa at malakas ang ulan pero kasalukuyang tinatahak ni Abner ang highway patungo sa isang malaking siyudad. Doon niya kikitain ang kliyente na nangangakong magbibigay ng malaking halaga ng salapi. Masama at iligal man ang pinapagawa nito ay wala siyang pakialam basta ba maibigay nito ang napag-usapang halaga.

Pagkarating sa meeting place ay nagtungo siya sa abandonadong bodega. Doon ay nilapitan siya ni Lando, ang nagsisilbing middleman sa mga transaksiyon. Iniabot nito ang sobre na naglalaman ng isang daang libong piso.

"Mamaya, dapat mapapatumba mo na si Harry," kaswal na panuto nito sa kanya. "Siguraduhin mo na malinis ang trabaho."

"Oo," tugon naman niya sa instruksyon ng kausap. "Kilala niyo akong kumilos. Hindi ako pumapalpak at walang nadadawit sa mga ginagawa ko."

"Kaya nga ikaw palagi ang nirerekomenda ko," nakangising sinabi naman nito. "Sige na, maghihintay na lang ako sa balita bukas."

Ang target ay ang butihing binata na nagsiwalat ng korupsiyon sa lugar. Nais itong patahimikin ng ilang mga namumuno roon sapagkat kontra siya sa ginagawa nitong mga katiwalian. Nagsisilbi siya ngayon na konsehal pero dahil hindi niya maatim ang mga nangyayari sa loob, pinupuna niya ang mga nakatatandang pulitiko. Dahil sa marami na siyang nalalaman, napagkaisahan ng mga ito na ipapaslang na lang siya.

Kahit na mabuting tao man ang ipapa-ass@ssinate sa kanya, hindi pa rin niya tinanggihan sapagkat ang tanging nasa isip niya ay ang makuha ang pera at maipagamot ang panganay na may sakit sa puso.

"Kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa di@blo," naisip ni Abner habang patungo na sa lokasyon ng target. "Parusahan man ako nang paulit-ulit, gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko!"

Dumagundong mula sa alapaap ang nakabibinging kulog na tila ba pahiwatig na saksi ito sa isang sumpa na siya mismo ang nagbitiw. Nagsimula nang bumuhos ang ulan pero nagtuloy-tuloy lang siya sa pagbiyahe.

Masama man ang panahon at Sabado de Gloria, napagdesisyunan pa rin ng magkasintahang sina Harry at Kylie na magtungo sa probinsiya at dalawin ang lola sa motherside ng dalaga. Nais din nilang ibalita ang engagement nila at planong magpakasal na sa susunod n buwan.

"Na-miss ko na si Lola," sinambit ni Kylie sa nobyo na kasalukuyang nagmamaneho sa kahabaan ng tulay ng Sta. Inez. "Nalulungkot nga rin ako dahil nabaldado na siya at baka hindi man makapunta sa kasal natin."

"Huwag kang mag-alala, gagawan natin ng paraan. Kung gusto niya, kahit na mag-hire pa ako ng private nurse basta ba makadalo siya sa kasiyahan."

Napangiti na si Kylie sapagkat ramdam niya na kahit anong problema ay may solusyon ang kasintahan. Sa tatlong taon nilang magkarelasyon, lahat ng bagay ay magaan para sa kanya. Sa kaloob-looban niya ay alam niyang napaksuwerte niyang makatagpo ng mabuting lalaki na nasa katauhan ni Harry.

Habang nasa gitna ng masayang kuwentuhan ay kaagad na napansin ng binata ang sumusunod na lalaking nakamotorsiklo. Nabahala na siya kaya binilisan na niya ang pagmamaneho at nag-overtake sa kaharap na truck sa pamamag-asang maililigaw ang kaduda-dudang estranghero.

Paranormal One-shot StoriesWhere stories live. Discover now