Kabanata 1

14.9K 383 20
                                    

Kabanata:1

"Hi ate,uhmm. . .alam ba kung nasaan 'yung section d dito?" tumaas ang kilay ng babae sa akin halatang masungit siya dahil sa pagtaas niya ng kilay.

"Oh?bakit mo hinahanap 'yung classroom ng mga siraulong 'yon?" nagsalubong ang kilay niya.huminga ako ng malalim para mawala ang inis ko sa kaharap ko.

"Transferee ako ate,doon daw ang classroom ko sabi ng principal." halos malaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko.

"Sigurado kaba dyan?anong kasalanan mo bakit napunta ka doon?naku problema ito,gusto mo bang kausapan ko ang epal na principal natin ha?" frustrated niyang sabi.

Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko.mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi niya,parang ewan.Wala naman akong nagawang masama sa dati kong school,malay ko ba sa teacher namin at dinala ako dito.

"Wala ate,ano kaba?mukha ba akong nakikipag basag ulo." tignan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"S-sige halika ihahatid kita,basta sabihin mo sa akin kung may problema.Kakausapin natin ang principal." inayos ko ang salamin ko na pabilog at tumango.

Bawat classroom na nadadaanan namin ay napapatingin,hindi ko tuloy maiwasang mailang.Hindi naman ako nerd,medjo malabo lang ang mata ko kaka cellphone ko daw sabi ni kuya.

Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa grade 11 section d.Luma ang pintura at na-aanay narin ang pinto,bakit parang stock room naman ito.

"Dito nalang miss,ako pala si Valerie." ngumiti siya at inabot ang kamay niya.Pinunasan ko muna ang kamay ko sa may palda ko,baka kasi madumi yung kamay ko.

"Ayesha ang pangalan ko ate,yesha nalang." ngumiti ako at tinanggap ang kamah niya.

"Sige ganda,aalis na'ko." kumaway pa ito habang papalayo sa akin.

Huminga ako ng malalim bago kumatok,baka kasi nag klaklase na sila.mas lalong namawis ang kamay ko dahil kaba,parang merong hindi magandang mangyayari.

Nang wala pang bumakas ay ako na mismo ang pumihit sa pinto.Napa-awang ang bibig ko ng bumuhos sa akin ang kulag pulang likido at ang sa alam ko ay jobus na.Natatakpan na din ng kulay pulang likido ang salamin ko.

Natulos ako sa kinakatayuan ko dahil sa nangyari.halat ng tao sa loob ay halatang nagulat din,para silang nakakita ng multo.

"H-hoy gago,bakit babae?akala ko lalaki" singhal ng isang lalaki habang ang paa niya ay nakapatong sa mesa.

"Tanginamo Clyde,bakit niyo ba kasi nilagyan ng ganyan?" usal ng isa sakanila.Napa-amang parin ako,basang basa ang buong katawaan ko,wala akong extrang damit.

"Ano miss,tutulala kanalang ba dyan?tsk.stupid,you can sit." sabi ng isang lalaki na siyang tinawag nilang clyde  kanina.Napalunok ako at umiwas ng tingin,hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hinawi ko bangs ko na nakaharang sa may salamin ko.pinunasan ko din 'yung salamin ko gamit ang kulay puti kong panyo.

"Unexpected talaga na babae ang bago nating classmate." narinig kong sabi ng isa sakanila habang papunta ako sa upuan ko.Nasa third row ang may bakanteng upuan at malapit ito sa may bintana.

Nagsalubong ang kilay ko ng maamoy ko ang amoy ng sigarilyo.napatingin ako sa may bintana at maraming pinagsipsipan ng sigarilyo dito.

Saktong uupo na sana ako sa upuan ng biglang may maghagis sa akin ng tuwalya.

"Gamitin mo 'yan,para kang basang sisiw" nginitian ko siya pero inirapan lang ako.

Kinuha ko ang tuwalya at sinuri ito.baka may inilagay sila,mahirap na,nang makita kong walang nakalagay sy pinag punas ko na ito.

Una kong pinunasan ang salamin ko,bawal ko daw itong alisin sabi nila mama kaya hindi ko inaalis.

Sinunod ko namang punasan ang mukha ko pababa sa leeg ko.Pinunasan ko rin ang buhok ko at sa may bandang dibdib.

"Tangina ang ganda ng view." naestatwa ako sa kina-uupuan ko ng makita kong lahat sila ay nakatingin sa akin.

"B-bakit?" umiwas sila ng tingin.narinig ko pa ang ilang mura nila at tawa na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Bakit ang puti ng leeg mo miss?anong nilalagay mo dyan?" nilingon ko ang nagtanong.maputi naman siya—lahat sila maputi.

"Ha?bakit?

"Ang bango mo pa,samantalang kami amoy pawis." nagsi-angalan ang mga classmate naming lalaki dahil sa sinabi niya.

"Gago ka,ikaw lang mabago ako noh." singhal ng isa.

"Kapal ng ampog mo Felixto." usal naman ng isa sakanila.

Ilang minuto ng nakalipas simula nung pumasok ako dito pero wala manlang akong nakita na pumasok na babae o kaya isang teacher.

"Huwag ka ng maghintay ng teacher." nilingon ko ang nagsalita sa tabi ko at nakita ko si Clyde na seryoso ang mukha.

"Bakit?"

"This is worst section miss,kaya kung ayaw mong mapahamak ka lumipat kana ng section habang maaga pa."




















¢•¢•¢•¢•¢•¢•¢•
I'm sorry if hindi ko naabot ‘yung expectations niyo dito sa stories ko, I'll do my best po.Thank you!

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon