Kabanata 22

5.9K 198 19
                                    

Kabanata 22

NAPAKUNOT ang noo ko nang biglang may kumatok sa may pintuan ng kwarto ko.Kinusot ko ang mata ko sabay baling sa alarm clock ko na nasa kaliwang bahagi ng kama,alas sais palang ng umaga.

Inis akong bumangon at sinuot ang salamin ko.Tumayo ako sa kama at pumunta sa pintuan para buksan 'yon,bumungad kaagad saakin ang mukha ni kuya Nyx na halatang kagigising lang din.

"Kuya naman,ang aga pa oh!" inis na singhal ko sakaniya.Kumamot lang siya sa batok niya sabay turo sa baba.

"Baba kana,may naghihintay saatin sa baba" inismiran ko siya ng iniwan niya na ako.Napapadyak ako papasok ng banyo dito sa loob ng kwarto ko,nag hilamos lang ako at nagsipilyo inayos ko din ang buhok ko.

Matapos kong mag-ayos ay bumaba narin ako.Nagsalubong ang kilay ko nang may marinig akong mga tawanan,kinamot ko ang noo ko dahil sa antok.Sabado ngayon at walang klase dapat nakatulog palang ako ngayon e,sino ba kasi 'tong bisita namin ng ganitong kaaga?

"Pababa na daw po siya" narinig kong sabi ni kuya pagpasok ko palang ng kusina namin.

Nakaupo si mama sa harap ng isang lalaking may katandaan,sa tabi naman neto si Kyle at Felixto.Ginagawa nang mga 'to dito ng ganitong kaagaa?

Tumikhim ako kaya naagaw ko ang atensyon nila. "Goodmorning po"

Umupo ako sa may tabi ni mama, nginitian ko si Kyle at Felixto gano'n din ang ginawa nila saakin.Samantalang ang lalaking may katandaan ay hindi maalis ang tingin saakin, awkward ko siyang nginitian kaya umiwas siya ng tingin.

"Good morning bebe Ayesha" napatawa si mama dahil sa sinabi ni Felixto.Inismidan ko si Felixto dahil sa pamamaran ng pagtawag niya saakin na siyang ikinatawa nila.

"Goodmorning Felixto pangit" kita ko kung paano napa ngiti ang lalaki siguro papa nila 'to.Sinamaan ako ng tingin ni Felixto pero ngumiti lang ako ng malaki dito.

"Si sir Gian,papa nila Kyle" pagpapakilala ni mama sa lalaki.Bumaling ako kay sir Gian at nginitian ito,kita ko ang pagningning ng mga mata pero tumikhim siya at umiwas muli ng tinfin.

"Ayesha Ferrer po" pagpapakilala ko.Nanonood lang sila kuya saamin na para bang inaabangan ang susunod na mangyayari.

"Such a beautiful name" kumamot ako sa batok at nahihiyang ngumiti dito.Tumawa lang siya ng mahina at bumaling sa dalawang anak na kumakain,wews.

Nilagyan ni kuya Nyx ng kanin at ulam ang pinggan na nasa harap ko.Masyadong marami ang inilagay niyang kanin sa pinggan ko kaya nanliit ang mata ko sakaniya,nasa katabi ko lang siya.

"Bakit ang dami?Ikaw mag uubos ha,kung hindi ko maubos" umiling siya habang may pagkain sa loob ng bibig niya.

Uminom siya ng tubig at inubos ang nasa loob ng bunganga niya. "Hindi,ubusin mo 'yan.Ang payat payat mo,para kang kawayan"

Napamaang ako at kumurap-kurap sa sinabi niya, narinig ko ang mahinang tawanan nila siyang kinapula ng dalawa kong pisngi ko.

"Kapal mo naman" tumawa siya at ginulo ang buhok ko.Hindi sinasadyang nadapo ang tingin ko kay Felixto at Kyle,nanlulumo ang mga mata nila habang nakatingin saamin ni kuya Nyx,ng makita nila akong nakatingin sakanila ay umiwas silang dalawa ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

Para silang naiinggit







NAKAALIS na sila Kyle,kadadating daw kasi ng papa nila kaya kailangan niyang magpahinga muna.Napadaan lang daw sila dito kasi kaibigan ni mama ang papa nila,nagulat nga ako kaninang niyakap niya ako.Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ginantihan ko nalang ng yakap.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon