Kabanata 32

5.3K 184 6
                                    

Kabanata 32

NAGISING ako dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mukha ko.Kinusot ko muna ang mata ko bago tumayo at pumunta sa baba.Nag hilamos muna ako ng mukha at nag toothbrush.

Sabado ngayon kaya wala akong gagawin kundi dito lang sa bahay.Pagkababa ko palang ay narinig ko kaagad ang boses ni kuya Kyle at Felixto na nagbabangayan,tumaas ang kilay ko.

"Sino nag-uwi saatin kagabi?" nanlalaking matang tanong ni kuya Kyle.Tumawa ang asawang niyang si ate Akira habang sinusubuaan ang kaniyang anak.

"Si Ayesha ba?Hindi nga?Gago!" halata sa boses ni Felixto ang nag-aalala.

"Si Clyde ang naghatid saatin kagabi." napalingon sila saakin.Kumalma ang mga mukha nila at nagkibit-balikat habang nagpipigil ng ngiti.

"Saan sila mama,'te?" tanong ko kay ate Akira sabay kuha ng sandwich.

"May pinuntahan sila ng daddy mo,uuwi na pala kami mamaya.Pasukan na sa lunes, kailangan pumasok ng mga bata" ngumiti ako habang tumatango,ako at si Felixto lang nanaman ang matitira dito.

"Mag asawa na kayo,itira mo dito sa papahay na ito ang magiging asawa mo Felixto" inismidan ni Felixto si kuya Kyle sa sinabi niya.

"Ulul,pero sige" ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Ikaw naman,Ayesha.Mayaman naman si Clyde,kayang kaya niyong magpatayo ng bahay" sinamaan ko ng tingin si kuya Kyle sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin na si Clyde ang mapapangasawa ko?Bakit,manghuhula kaba?" tumawa silang tatlo sa reaksyon ko,inis akong inubos ang sandwich na nasa kamay ko.

"Prediction kumbaga" bumuga ako ng hangin at padabog na umakayat sa may hagdan,mas gugustuhin ko nalang mag kulong magdamag sa kwarto kaysa makipag asaran sakanila.

Umupo ako sa study table ko at binuksan ang loptop ko.Kumunot ang noo ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Clyde Ramirez sent message requests.

'Busy ka?' chat niya.Tinap ko ang profile niya para i-stalk siya,ang profile niya ay 'yung naka tuxedo siya tapos ang background niya ay dagat.

Meron din siyang 80k na followers,naka abot din ng 50k ang like ng mga picture niya.Nakita ko din ang picture nila noong grumaduate sila ng high school at college, bumuntong hininga at pumunta sa message niya.

'Bakit?' reply ko.

'Let's go out'

'San?'

'Somewhere'

'Ge,pasundo'

Matapos naming mag-usap ay nag offline na ako.Kumuha ako ng tuwalya at gagamitin kong damit,isang crop top na polo lang ang gamit ko at isang skirt na above the knee.Pinaresan ko din ito ng sneakers.

Matapos kong maligo ay nagpalit na ako,inayos ko lang ang buhok ko ng pa-bun at may nahuhulog sa gilid gilid ng buhok ko.Matapos kong mag-ayos ng ssrili ko ay bumaba na ako,naabutan ko sila sa sala na nag-uusap.

"Alagaan mo si Ayesha,ha?Sasakalin kita pag umiyak nanaman 'yan" ngumiwi ako sa sinabi ni kuya Kyle.

"Tara na nga" sabat ko.Napa 'o' ang bibig ni kuya Kyle at Felixto ng makita niya ako,umiling lang naman si Felixto habang nagpipigil ng tawa,si ate Akira naman ay nakangiti at nag thumbs up.

"The fuck are you wearing?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, inismidan ko siya dahil sa paraan ng paghagod niya sa buong katawan ko.

"Damit,malamang" ilang mura muna ang pinakawalan niya bago ko siya hinila palabas ng bahay,tinatawag pa nila kami sa loob pero hindi ko na sila nilingon.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon