Kabanata 23

6K 207 9
                                    

Kabanata 23

NAPADAING ako ng biglang sumakit ang likod ko.Dahan dahan kong minulat ang mata ko at kaagad na sumalubong kaagad saakin ang puting kisame,bahagyan pa akong napapikit dahil sa liwanag na dala ng ilaw.

Saan ba ako?

Nilibot ko ang buong paningin ko sa kabuuan ng kwarto,nasa hospital ako.May nakalagay na dextrose sa kanang bahagi ng kamay ko,may prutas din sa lamesa.

Ngumiwi ako ng makita ang itchura ng mga kaklase ko.May nakahiga sa isang sofa,sa sahig meron ding nakatulog sa monoblock na upuan.

Napatawa ako mahina nang makita kong tumulo ang laway ni Xander.Ayos lang gwapo parin naman siya,gumalaw si Clyde na naka tulog sa isang monoblock.Nang iminulat niya ang mata niya ay kaagad nagtama ang mata namin,halos mahulog pa siya sa kinauupuan niya sa kamamadaling makalapit saakin.

"You're awake!Are you alright?May masakit ba sayo?Wait,tatawag lang ako ng doctor" akmang tatalikod na siya saakin ng hawakan ko ang pulsuhan niya,napamura siya sa ginawa ko.

"H-hindi na,ayos lang ako" tumango siya at nilalayan akong umupo.Kinuha niya ang monoblock na pinagtulugan niya kanina at umupo sa may tabi ko,pansin ko rin ang pangingitim ng ilalim ng mata nita,gulo gulo din  ang buhok niya.

"Ikaw?Ayos kalang?" tumikhim siya at inayos ang buhok niya. "Ilang oras akong tulog?"

"Tatlong araw kang tulog,tangek" napaawang ang bibig ko sa sagot niya.Sinimangutan ko siya at inirapan dahil sa lakas ng tawa niya.

"Kadiri ka Xander,yak yung laway mo bwisit tumutulo na kamay ko,kadiri amputa" nilingon ko si Felixto dahil sa bigla niyang pagsigaw.Nagising tuloy ang iba.

"Ay wow talaga ba Felixto?Nag totoothbrush ako tanga" umirap ang iba at kumamot ng batok,halatang inaantok pa sila.

"Gago,gising na si sleeping beauty.Ano beh,maganda ba panaginip mo?" nakatanggap ng batok si Leo dahil sa tanong niya.

Lumapit sila saaming dalawa ni Clyde,kagaya ng itchura ni Clyde ay gano'n din sakanila.Hindi ba sila natulog?

"Ayos kana?Tagal mong natulog amp" sabi ni Felixto at umupo sa paanan niya.

"Ayos na ako,kayo?Para kayong mga zombie,natutulog paba kayo?" inismiran nila ako kaya napatawa ako ng mahina.

Nawala lang ang ngiti ko sa labi ng maalala ko kung anong nangyari.Hinawakan ko ang ulo ko pero wala naman etong benda,anong nangyari saakin?Hindi naman ako nabaril pero bakit andito ako?

Pumasok sa isip ko ang tanong ng isang lalaking tumutok saakin ng baril,kahit tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari 'yon tandang tanda kopa kung ano ang sinabi niya.

Sino bang Sucuano ang tinutukoy niya?'Ikaw ang kaisa-isang anak na babae ni Sucuano',ipinailing ko ang ulo ko ng bigla itong kumirot.Parang may gustong pumasok sa isip ko na ayaw pumasok,ano bang nangyayari?

"Hey,you okay?" tumango lang ako biglang sagot sa tanong ni Clyde.

Napunta lahat ang atensyon namin sa may pintuan ng biglang bumukas ito,inuluwal neto si mama,si kuya Nyx, si Kyle at ang papa nila—anong ginagawa niya dito?

"Jusko,gising kana din.Maayos na ba ang pakiramdam mo anak?May masakit ba sa'yo?" nagtanguan ang ibang kaklase namin at sunod-sunod silang lumabas,yumuko pa sila ng mapadaan sila sa pwesto ng papa ni Kyle.

"Ma,ayos na po ako.Pwede na nga po akong lumabas ng hospital e," ngumiwi ako ng pinitik ni kuya Nyx ang noo ko,inismidan ko siya at inirapan.

Nanatili namang naka-upo si Clyde sa may upuan,andito din si Felixto at Kyle,nasa likod ng papa nila.Umupo si mama sa may tabi,sa may hospital bed.Pinagbalat naman ako ni kuya Nyx ng prutas.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon