Kabanata 5

9.6K 274 2
                                    

Kabanata:5

"AYESHA" napalunok ako ng tawagin ako ni kuya.Seryoso ang mukha niya na parang may ginawa nanaman akong hindi tama sa paningin niya.

"Oo n-na nga eh,a-aakyat na'ko." natataranta kong sabi.Napangiwi pa ako ng marinig ko ang mga halakhak nila,gusto ko nalang silang suntukin.

"Yesha,bumaba ka din kaagad at kakain na." narinig ko pang sigaw ni kuya.

Umupo ako sa may kama ko at tumulala.Unang araw ko palang sa school ang dami nang nangyari,tapos ang nang bully pa saakin at mga kaibigan ni kuya.

Huminga ako ng malalim at tumayo para kumuha ng pajama.Isinuot ko ito at humarap sa may malaking salamin ko,umupo ako sa may harap neto para mag suklay.

Tinanggal ko ang pusod ko at sinunod ang salamin ko.Hindi naman ga-anong malabo ang paningin ko pero kailangan ko ito para matakasan ang mga taong gumawa sa akin ng bangungot kong nakaraan.

Sinuklay ko ang bagsak kong buhok na hanggang sa dibdib ko.Sinuklay ko rin ang manipis kong bangs,matapos kong magsuklay ay sinuot kona ang salamin ko para makababa na.

"Hoy" dali dali kong kinuha kay Kyle ang picture kong hawak niya.Picture ko 'yon noong kinder ako,naka suot ako ng pang girl'scout na damit.

"Naaayyy . . .Ang cute naman ng bebe Ayesha na 'yan." tumalim ang tingin ko kay Leo dahil sa sinabi niya.

"Tumahimik ka,hindi nakakatuwa." napatawa nang malakas si Brayan at Alex dahil sa reaksyon ko.

"Huwag niyo kasing galitin si darling ko." siniko ko si Felixto ng akma niya akong aakbayan, narinig ko naman ang tawanan nila pero nangunguna si Andrew.

"Bebe Ayesha na mukhang isda." nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Andrew.Nagtawanan silang lahat,parang tanga.

"Epal ka ah,atlis hindi ako mukhang adik." napawi ang ngiti nila dahil sa sinabi ko.

"Mukha ka namang manang." napa-irap ako ng palihim at pumunta nalang sa kusina.Naabutan ko si mama,si kuya at si Clyde.

Nagluluto si mama samantalang si kuya at si Clyde ay naghihiwa ng rekado at mga karne.Tinuon ko ang buong atensyon ko kay Clyde na naghihiwa ng karne, napalunok ako dahil sa pag kilos niya.

Parang kabisado niya ang ginagawa niya,maayos din ang buhok niya at bagay sakaniya ang gulay gray na damit niya.Hindi ko naman itatanggi na gwapo siya,dumgdag pa ang mga tattoo at piercing niya sa tenga at kilay.

Umiwas ako ng tingin at pumunta sa ref para kumuha ulit ng Chuckie.Binuksan ko ito ay sumipsip,nakaka bawas kaba talaga 'tong Chuckie na ito.

"Ay nako kang bata ka,hindi kapa kumakain." binalingan ko si mama nag pupunas na ng kamay.

"Mamaya nalang ma."

"Kumain kana muna,ang payat payat mo na.Baka matangay kana ng hangin niyan." bumaling ako kay kuya ng bigla siyang tumawa.

"Papansin ka nanaman." singhal ko na mas lalo niyang ikinatawa.

"Mauna kanang kumain anak, malapit naman nang maluto ang niluluto nila Clyde." sabi ni mama.

"Ikaw ba ma?Hindi ka po kakain." umupo ako sa upuan.

"Mamaya pa ako, pupunta pa ako sa kumare ko.Hay nako bakit ko nga ba nakalimutan,sige aalis na ako." pagmamadali niya. "Ikaw na ang bahala kay Yesha,Nyx.Malilintikan ka talaga sa akin kapag may ginawa kananamn sakanya."

"Ingat ma." pahabol ko dahil nagmamadali siyang lumabas ng kusina.

"Kamusta first day mo?" tanong ni kuya sabay lapag ng pinggan sa harap ko.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon