Kabanata 24

6K 225 36
                                    

Kabanata 24

LAST two months nalang ay grade twelve na kami.Balak kong lumipat ng school o hindi kaya hindi na,ewan ko rin sa isip ko pa iba-iba ng desisyon.Pero naisip ko kung lilipat ako ng school paano naman sila,madalang nalang kaming magkita kung nagkataon.

"Goodluck to your exam" nagsiangalan ang iba kong kaklase samantalang ako ay tumango.Exam namin ngayong ng pang fourth grading,napa-aga dahil busy na daw ang mga teacher sa susunod na buwan.

"Sir naman!hindi ako prepared" nagsalubong ang kilay ni sir Matthew sa sinabi ni Mark,napamura nalang ng mahina si Mark at sinimulan na ang exam niya.

"Grabe namang exam 'to ang aga,buti nalang matalino 'tong katabi ko" inismiran ni Kyle si Felixto at inalayo ang test paper sa mesa niya, napaawang naman ang bibig ni Felixto dahil sa ginawa ng kapatid.

Ilang linggo narin ang nakalipas simula noong makalabas ako ng hospital.Noong magising ako sa pagkakatulog ko ng tatlong araw ay nag stay pa ako sa hospital ng dalawang araw pa,lagi ding dumadalaw si Drake at ang papa nila Kyle hanggang sa makalabas ako.

Matapos nang nangyari saamin ni Clyde ay bantay sarado na silang lahat,maski pag c.r ko ay may sumama.Hindi din ako tinigilan ni Clyde,lagi niya parin akong pinapakilig—bwinibwisit pala.

"Share your answers guys" malakas na hiyaw ni Andrew pagkalabas palang ni sir Matthew ng classroom.

Hanggang ngayon ay parang pinapakisamahan nila si Andrew,ayaw nilang sabihin ang sikreto niya dahil kapag sinabi daw nila ito ay masisira na sila.Pero walang lihim na hindi nabubuniyag,kung ako lang ang masusunod sinabi kona kay Andrew.

Pero bakit nga ginawa ni Andrew 'yon sakanila—sa amin?

"Tanga!1,336" singhal ni Leo kay Mars.Umiling si Mark at pinakita niya kay Leo ang solusyon niya,tumawa lang naman ng malakas si Leo.

"Gago,saan mo nakuha ang sagot na 'yon?" tanong ni Mars. "Five hundred lang sagot" humalakhak sila dahil sa bangayan ng dalawa,napadapo ang tingin ko kay Clyde na nakakunot ang noo habang  pinapakinggan sila.

"Ayesha,anong sagot mo sa number ten?" tanong ni Mars.Kinuha ko ang test paper ko para tignan ang sagot,ngumiwi ako ng mapagtanto kong malayo ang sagot nila sa sagot ko.

"Two lang,tangek!" hinampas ni Joey ng notebook si Mars.

"Hayop,paano naging two 'yon?" naguguluhang tanong ni Mars.Umiling lang ako at sumubsob sa mesa,mabuti nalang tapos ko na.Naituro ito ni sir Matthew saamin ewan ko lang sakanila kung nakikinig sila tuwing nagtuturo si sir Matthew.

"Drink this" tumaas ang tingin ko sa nagsalita,nagsalubong kaagad ang tingin namin ni Clyde.Tumikhim si Kyle at tumabi sa bakanteng upuan sa may tabi ni August,kaya umupo naman si Clyde sa upuan ni Kyle.

"Saakin?" tumango siya at inilipag ang isang malaking chukie sa may ibabaw ng desk ko.Napangiti ako sa ginawa niya,mabuti nalang may chukie bawas stress sa mga kaibigan kong siraulo.

"Tapos kana?" tanong ko sakaniya habang umiinom ng chukie.Tumango siya at bahagyan niyang inayos ang salamin ko, napa-atras naman ako sa ginawa niya.

"Gulo mo mag exam" napanguso sa sinabi niya.Ako na mismo ang umayos ng salamin ko at buhok ko,tumawa lang siya at idinikit ang upuan saakin.

"Hoy,sabi mag exam hindi magharutan.Shuta talaga,oh!sa harap ko pa talaga?" biglang bulyaw ni August saamin,sinamaan ko lang siya ng tingin kaya nag peace sign siya saakin.

"Anong plano mo sa bakasyon?" tanong ko sakaniya.Ngumisi siya ng nakakaloko at inilapit ang bunganga sa tenga ko.

"Plano kong,mapa saakin ka" nabulunan ako sa sinabi niya,tumawa ang iba naming kaklase.Tinanggap ko ang panyo na ibinibigay niya saakin at pinunas sa bibig ko 'yon.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon