Kabanata 19

6.2K 227 24
                                    

Kabanata 19

"PAHIRAM ballpen" marahas akong bumuntong hininga at pinikit ang aking mata.Nasa classroom kami ngayon at kasalukuyan na gumagawa ng activities na ibinigay ni sir Matthew saamin.

Ilang araw narin ang nakalipas matapos ang nangyari sa bahay,hindi ko parin maiwasang magtaka dahil sa sinabi ni Clyde na 'She remembered'.Gustong-gusto ko silang tanungin kung ano 'yung sinabi ni Clyde pero lagi akong napapangunahan ng kaba.

Feeling ko sa tuwing gusto kong tanungin mayroon akong malalaman na dapat ko na sanang hindi malaman.Siguro ay mas mabuting tatanungin ko nalang sakanila kapag kaya ko na.

Minulat ko ang mata ko at bumaling kay Kyle na gumagawa ng Activities.Wala parin si Clyde hanggang ngayon,hindi siya pumasok kaninang umaga hanggang ngayong tanghali.

"Tatanungin moba kung nasaan si Clyde?" namaismid ako tanong ni Kyle.Nanunuksong ngiti ang nakapaskil sa labi niya habang nakatitig saakin.

"Epal mo ha" singhal ko pero tanging halakhak lamang ang natanggap ko sakanya. "Bakit pala nag-away si Andrew at Clyde?" nakalimutan ko silang tanungin noong mga nakaraang araw,ngayon ko lang ulit naalala na nag-away pala sila.

"Ewan ko" nagkibit balikat pa ito sabay iwas ng tingin.

"Hoy Andrew,pahingi ng papel" umirap si Andrew kay August sabay padabog na ibinigay ni Andrew ang papel kay August.Ngumisi siya  dito sabay punta sa kinauupuan ko.

"Hi bebe Ayesha, hinahanap moba si pareng Clyde?Wala siya eh nambabae,syempre joke lang huwag kang maniwala saakin minsan ha.Joke,maniwala ka saakin nambabae 'yon,kawawa ka naman.Tara sugu—" kinuha ko ang notebook ko at itinampal 'yon sa bibig ni August na siyang ikinatawa ng mga classmate namin.

"Daldal mo,August.Konti nalang talaga pagkakamalan na kitang bakla" usal ni Joey habang naka-upo.Ngumiwi si August at binato ng ballpen si Joey pero naka-ilag siya.

"Ulul" sigaw ni August at itinaas pa neto ang middle niya kay Joey.Nagtawanan lang sila samantalang ako ay umi-iling.

Napabaling kami sa may pintuan ng biglang bumukas ito,pumasok si Clyde sa loob ng classroom na parang hindi nag cutting ng classes.Tumikhim siya nang mapatingin siya saakin.

"Hala,long time no see Clyde.Saan ka galing?Galing kabang America?Tagal mo naman doon,wait saan ka galing?" humawak sa sentido si Clyde na halatang naiinis na kay Felixto.Napatikom ang bibig ni Felixto ng makita niya kung paano mapahilot ng sentido si Clyde.

"Warehouse mamaya" napanganga kaming lahat ng bigla niya siyang lumabas ng classroom matapos 'yong sabihin.



HANGGANG sumapit na ng hapon ay hindi na siya nagpakita pa saamin.Inis kong sinipa ang isang maliit na bato dito sa may parking lot ng school namin,wala na sila malamang nasa warehouse na nila.Blah blah!Mga bwisit hindi manlang ako sinama,kainis!

"Ano ba?!" inis na singhal ko dahil sa may nabangga akong tao.Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya, napa-atras ako ng kaonti ng makita ko si Clyde sa harapan ko na puno ng galos sa katawan.

"H-hoy,anong nangyari sa'yo?" napa-awang ang bibig ko ng ng may sugat ang gilid ng labi niya,may bahid din ng dugo ang polo niya.

Kumurap-kurap muna ako sabay hila sa pulsuhan niya para pumunta sa sasakyan niya.Mabuti nalang alam ko kung anong sasakyan niya,pinaupo ko siya sa may driver seat.

"May first aid kaba d'yan?" nanginginig ang kamay ko habang tinatanong sakaniya 'yon.Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"Nasa likod" nahihirapang sabi niya,tumango ako at kinalkal ang likod ng kotche niya,nakita ko ang isang kulay black na bag kaya kinuha ko kaagad ito.

Kumuha ako ng alcoholat bulak.Naluluha akong naglalagay ng alcohol sa bulak, parang kahit anong sigundo ay mawawalan ako ng malay sa kaba.

"A-ano ba kasing nangyari sa'yo?" dahan-dahan kong dinampi ang bulak sa gilid ng labi niya para tanggalin ang dugo doon,puno din ng pasa ang mukha niya.

"Ayos lang ako" kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang tumawa siya ng mahina.Nanginginig at naluluha akong tinaas ang kamay ng polo niya para gamutin ang sugat niya sa braso.

"Anong a-ayos lang?Saan mo n-nakuha ang mga 'to?Mag-hapon k-kang wala tapos magpapakita kang ganiyan ang mukha mo" napasinghot ako ng tumulo ang luha ko.Pangalawang beses ko na siyang iniyakan,ano bang nangyayari saakin?

Napasinghap siya nang marinig niya akong suminghot."H-hey,why are you crying?"

Umiling ako at pinagpatuloy ang paggamot sa sugat niya habang umiiyak.Nang matapos ko nang linisin ang sugat niya ay inayos ko ang mga gamot at pinunasan ang mata ko.

"Bakit ka umiiyak?Ayos lang ako,hmm" napasinghot nalang ako ng hapitin niya ako papalapit sakaniya.Nakahawak siya sa bewang ko kaya napasubsub ako sa dibdib niya.

"Damn it,i really like you.Shit,I'm falling harder to you" napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Bumilis din ang tibok ng puso ko kagaya ng sakaniya,hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko dahil sa pagkabigla.Nanatiling nakasandal ang mukha ko sa dibdib niya at hawak niya parin ang bewang ko.

"A-ano?" gusto kong batukan ang sarili ko.Binitawan niya ang pagkakawak sa bewang ko kaya lumayo ako at umayos ng upo, napatingin ako sakaniya ng deretcho ng hawakan niya ang kamay ko.

"Gusto kita" mahinang sabi niya na halatang nahihirapan dahil sa sugat sa gilid ng labi niya.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin, pakiramdam ko pulang pula nanamang ang mukha ko dahil sa sinabi niya.Ang hilig niya talagang papulahin ang mukha ko.

"Ganiyan na nga ang mukha mo nagawa mo pang umamin" pinilit kong papatagin ang boses ko.

Tumawa siya ng mahina at pinagsiklop ang palad namin dalawa,nanatiling nakasandal ang likod niya sa may upuan ng kotche niya.Kagaya ng dati kong nararamdaman tuwing lumalapit siya o hindi naman kaya tuwing hinawakan niya ako ay nararamdaman ko nanaman ngayon.

Pinaharap niya ako sakaniya at inalis ang suot kong salamin.Medyo maayos na ang paningin ko dahil madalang nalang naman na ako gumamit ng mga gadgets.

"I want to court you" umalis siya sa pagkakasandal sa upuan at pinaglandas ang mga daliri niya sa pisngi ko.

"Wala akong pake kung ayaw mo,basta ako liligawan kita." napatitig ako sa gwapo niyang mukha,kahit may mga pasa ito gwapo parin. "I will wait,until you say yes to me...."









____________________________________________________________________________________________________

hi

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon