Kabanata 30

5.6K 189 7
                                    

Kabanata 30

NGINITNGIT ko ang ngipin ko dahil sa inis.Andito parin si Clyde sa opisina ko,hindi parin umaalis.Matapos naming kumain ay pinakuha niya lang ang mga pinagkainan naming dalawa.

"Wala kabang trabaho?" singhal ko dito.Ngumisi lang siya at pinag cross ang mga bintin niya,nanatili parin siyang naka-upo sa may harapan ko.

"Nag tratrabaho na ako ngayon" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Isinara ko ang sketchpad ko at hinarap siya,ang lapad ng ngiti niya kainis.

"Wala kang trabaho dito" saad ko.

"Ikaw,ikaw ang trabaho ko" kung may kinakain o iniinom lang ako ngayon sigurado akong nabulunan na ako.Inismidan ko siya at inirapan pero tumawa lang siya.

"Kailan huling nagpakita sainyo si,Andrew?" nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi niya dahil sa tanong ko,siguro.Umupo siya ng maayos at binasa ang pang-ibabang labi niya,sinuklay niya din ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.

"Seven year's ago,saktong malaman mo ang lahat tsaka naman hindi nagpakita si Andrew at Sabrina" seryoso na sagot niya.Tumango ako sa sagot niya,may gusto si Andrew kay Sabrina kaya posibleng nagtanan ang dalawa,pero ayaw naman ni Sabrina kay Andrew.

"Oh,bakit ang tagal nilang hindi nagpakita?" tanong ko.Pitong taon silang hindi nagpakita,sa anong dahilan naman.Kung malakas ang pwersa nila ay dapat nagpakita na sila,hindi sa aabutin pa ng pitong taon.

"I don't know" napa-isip ako minsan.Kung hindi nag traydor saamin si Andrew,ano kami ngayon?Siguro kami parin ang Section D na masayahin at parang walang problema sa mundo.

"Sinong totoong mama ni Sabrina?" tanong ko ulit.Hindi ko kilala ang mga magulang ni Sabrina,hindi ko din alam kung bakit magka galit ang Jorgue Org at Vlaider Org.

"Ewan ko,mukha ba akong chismoso?" singhal ni Clyde.

"Matagal ko nang hindi naitanong ito,bakit ba magka galit kayo sa isa't isa?Hindi ko naitatanong sakanila papa dahil lagi kong nakakalimutan,ngayong hindi ko nakalimutan baka pwede mong sagutin" mahaba kong sabi.Tinaasan ko siya ng kilay ng matigilan siya,may mali ba akong sinabi.

"They are the reason why we lost our loved ones. The fight started when, your dad accidentally ran over Sabrina's father.Kasama kami ng papa mo noon,ang akala nila galit ang papa mo sa tatay ni Sabrina dahil siya ang naging asawa ng mama mo noong ipaalaga ka.It was an accident and your dad didn't mean it, we saw it." napanganga ako sa sagot ni Clyde.

"Nasaan ang papa ni Sabrina?" mahina kong tanong.Imposibleng patay na kaya gano'n nalang ang galit nilang lahat saamin.

"Pinsan ni sir Matthew ang papa ni Sabrina" na estatwa ako sa sinabi ni Clyde.Hindi maka paniwala ko siyang tinignan pero nagkibit balikat lang siya,all this time mga impostor lang pala ang nakapalibot saamin.

Kaya naman pala minsan ay nahuhuli kong nakikipag usap si sir Matthew kay Sabrina.Nahuli ko sila noong papasok palang ako ng school,saktong sa may gate ay nakita ko silang nag-uusap.

"Bakit nag tuloy tuloy na ang away niyo?" tanong ko ulit.Gusto kong malaman ang lahat,kung paano nagsimula at kung paano magwawakas ang laban.

"Dahil na din sa negosyo,magaling ang papa mo kaya napabagsak niya sila Sabrina ng walang kahirap hirap.Simula no'n wala na silang tinitigilan,pinapakidnap niya ang mga pamilya namin pero magkasapi ang pamilya namin sa pamilya mo kaya nasa ligtas na lugar na sila ngayon.Pero sila parin ang may hawak ng negosyo nila" sagot niya ulit.

"Paano matatapos ito?"

Bumuntong hininga siya."Kapag nawala na ang papa ni Sabrina sa mundo,o kaya isa sa pamilya mo ang mawala ay titigilan na nila kayo—tayo"

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon