Kabanata 2

11.4K 361 13
                                    

Kabanata:2

Ilang oras na akong naka-upo dito sa may upuan ko pero ni maski anino ng isang guro wala manlang pumasok.ano bang klaseng school ito?bakit ang unfair naman ata,hindi naman porket na ito ang pinaka worst na section hindi na nila kami tuturuan.

Humalukipkip ako at sumubsob sa may lamesa ko,wala kasing balak kumausap sa akin.lahat sila may sarili-sariling mundo,merong nag ce-cellphone,naglalaro at nanonood.parang hangin ako sakanila kung tutu-usin.

"Hindi kapa ba gutom?" umangat ang tingin ko sa nagsalita.umupo siya sa may bakanteng upuan na nasa tabi ko,matangkad siya at maputi itim na itim ang mata niya hindi ko rin ipag-kakaila na gwapo siya.

"Uhh. . .hindi pa." nagulat ako ng ilapag niya ang isang piraso ng burger at c2 sa harap ko,gulat akong nilingon siya pero nginitian niya lang ako.

"Bawal tayong bumili sa canteen,rules 'yon ng school natin,bawal ang section d doon dahil baka magkaroon lang daw ng gulo kapag pupunta tayo doon." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Hindi na,kumain ako kanina bago ako umalis.sa'yo na 'yan." umiling siya at kinuha ang bag ko,doon niya nilagay ang pagkain na binigay niya sa akin.

"Magugutom ka mamaya." tumayo siya. "I'm Kyle." inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Ayesha,yesha nalang." ngumiti siya at tumango.nagulat ako ng may bumato sa akin ng basang papel.

"Ang lalandi niyo,tang'na kabago-bago ang harot na." napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ni Clyde.Siya ang bumato sa akin ng basang papel.

"Bwisit ka din, nanahimik ako dito tapos mamato ka." napatayo ako.Tinanggal ko ang papel na basa na kumapit sa buhok ko.

"Talaga ba nerd?" nakangising sabi ng isa sakanila.

Mas lalong napakuyom ang kamao ko dahil tumawa sila ng malakas maliban kay kyle na nakamasid lang sa amin at halatang hindi alam ang gagawin.

"Nakaka-irita mukha mo." halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Clyde,tumawa ang mga classmate namin dahil sa sinabi niya.

"Edi mas lalo na sayo." singhal ko.

Inayos ko ang salamin ko at hinawi ang ilang hibla ng bangs ko.tinignan ko sila ng nandidiri,bulong si Kyle pero hindi ko siya pinansin.

"Atlis ako walang hikaw sa kilay,wala akong tattoo sa leeg sa braso,atlis wala akong tagtatlong hikaw sa tenga ko,kayo meron." kita ko ang pag-igting ng panga ni Clydede,tumawa naman ang iba sakanila.

"Uso 'yon,tanga lang?"

"Mukha kasing manang kaya hindi alam ang uso"

"Atlis pogi kami"

"Buti nalang cute ka." halos mamasid ako sa sinabi ni Felixto,nakangisi siya sa akin.

"Mukha kayong adik." nagulat ako sa biglaang paglapit sa akin ni Clyde.Hinapit niya ang bewang ko kaya napasubsub ako sa matigas niyang dibdib.

"Tama na yan." hinawi lang ni Clyde ang kamay ni Kyle na sana ay kukunin ako.

"Damn girl, you're so noisy" nagulat ako ng ipasok niya sa likod ng blouse ko ang kamay niya.

Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya,libo libong boltahe ng koryente ang naramdaman ko.

Hinaplos niya sa loob ng blouse ko ang likod ko na siyang nagpatayo ng palahibo ko.

"Bastos ka." naitulak ko siya.

Ngumisi lang siya at umupo na sa upuan niya.nanghihina akong umupo sa upuan ko,ramdam ko parin ang palad niya sa likod ko parang nakadikit na ito.

Nang-gigilid ang luha ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari sa akin noon,bumalik nanaman sa isip ko ang nangyari sa akin noon.

Hindi nila ako ginahasa,but they touch my sensitive part of my body.kaya nagbago ako ng mukha,nagpalagay ako ng bangs.masakit talaga ang mata ko kaya ako nagsalamin at nagpapasalamat ako doon para hindi nila ako makilala,yung mga taong dumukot sa akin noong gabing 'yon.

"Hey,are you okay?" umupo ulit si Kyle sa tabi ko.hinawi ko ang kamay niya na hahawak sana sa braso ko,na trauma ako noon at nadagdagan nanaman ngayon.

"H-huwag mo akong hawakan." nanginginig ang bibig ko habang sinasabi 'yon.Napatigil ang iba sakanilang ginagawa,naka tuon ang pansin nila sa akin.

"Ha?bakit?"

"Huwag mo akong hahawakan." nagsipatakan ang mga luha ko matapos ko 'yong sabihin.Halatang nagulat ang iba sakanila.

"Hoy gago ka clyde,pina-iyak mo." narinig kong sabi ng isa sakanila.

"Are you fine? let's go,i won't hurt..." hindi na ako naka angal ng alalayan ako ni Kyle palabas ng classroom binitbit niya ang bag ko.

Nagulat ako ng bigla nalang itulak ni Valerie ang pinto.tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,kita ko ang galit at inis sa mata niya.

"Mga tarantado kayo,anong ginawa niyo sakanya?sagutin niyo ako o sasagutin niyo ako?" malakas na sigaw ni Valerie.

"Bakit nanliligaw kaba?" halos malaglag ang panga ni valerie dahil sa sinabi ni felixto.

"Aba't—anong ginawa niyo?"

"None of your business." seryoso at maotoridad na sabi ni Clyde.Inirapan niya lang si Clyde at hinila ako palabas ng classroom namin,ramdam ko parin na naka sunod sa amin si Kyle.

Umakyat kami sa taas at alam kong papunta ito sa rooftop ng building na ito.Pina upo ako ni valerie sa isang silya at inabutan ako ng tubig.

"Ayos ka lang ba?" tumango ako ng pilit. "Ikaw,hoy anong ginagawa nyo sakanya?" baling neto kay Kyle.

"Oh?bakit ako nanaman?" singhal ni Kyle

"Malamang kayo lang naman ang andon"

"Wala akong ginawa." usal ni Kyle."Kung si Yesha kaya tanungin mo,tsh." bumaling naman sa akin si Valerie.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin."Y-yung kamay niya,pinasok niya sa likod ng blouse ko." garagal na sabi ko.Nagulat ako ng matumba ang upuan ni Valerie,sinipa.

"Kumalma ka nga." inalalayan ni kyle na umupo si Valerie sa upuan.

"Pasensya na Kyle kanina kung nasigawan kita,muntik na akong magahasa noon kaya tuwing may hahawak sa akin kagaya ng ginawa ni Clyde naalala ko ang dati." nagulat ako ng niyakap ako ni Valerie.

"I'm sorry,Ayesha.Isusumbong ko na talaga siya kay mommy."

Magkapatid sila?







¢•¢•¢•¢•¢•¢•¢•

Sorry for grammatical error and wrong spelling:>
I'm sorry if hindi ko naabot ‘yung expectations niyo dito sa stories ko, I'll do my best po.Thank you!

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon