Kabanata 8

8.5K 248 14
                                    

Kabanata:8

MASAMA ang tingin nila sa isa't isa.Nasa harapan ko si Drake at si Clyde naman sa tabi ko,naka upo kami ngayon.Hindi ako pumayag na aalis na kami kaagad ni Clyde kanina,hindi kopa nakakain ang inorder niyang tinapay tapos hindi kopa nauubos ang kape.

"Magkakakilala ba kayo?" tanong ko.

"Hindi"

"Fucking hell,no!"

Napangiwi pa ako ng hampasin ni Clyde ang mesa,ngumisi lang si Drake at kumuha ng tinapay na nasa pinggan.

"Oh kalma,nagtatanong lang ako" singhal ko sakanila.Narinig ko ang mahinang tawa ni Drake habang kumakain ng tinapay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Drake Alvarez,19.Kababata ko siya, magkaibigan na kami simula noong grade 6 palang ako,pero naghiwalay kami ng landas noong may nangyari sa akin na hindi maganda noong gabing 'yon.

Sa totoo niyan ngayon lang nanaman kami nagkita halos tatlong taon din kami na hindi nagkita ni Drake.Simula noong lumipat kami ng bahay dito sa Laguna ay wala na akong contact sakaniya,kaya nagpapasalamat ako dahil nagkita nanaman kami ulit.

"Kung nakakamatay lang ang titig,kaninw pa kayo patay" nilingon nila akong dalawa.Tumawa ng mahina si Drake samantalang si Clyde ay inirapan ako.

"Hmmm.How are you?" tanong ni Drake habang nakangiti parin.Lumabas ang dalawa niyang dimple at bahagyan din na sumingkit ang mata niya,ang cute niya talaga.

"Ayos lang.Ikaw?long time no see ah!"

"I'm doing good" ginulo niya ang buhok ko kaya napanguso ako. "Hindi ka manlang nagpaalam noong gabing 'yon"

"Biglaan eh,hindi ko din naman alam na lilipat kami kaagad.Malay koba kay kuya Nyx" natigilan siya sa sinabi ko.Kita ko ang pag ngitngit ng ngipin niya.

"Magkasama parin kayo ni Nyx?" tumango ako bilang sagot. "I see" nag-igting ang panga niya at umiwas ng tingin sabay tayo.

"Mauna na ako Ayesha,marami pa akong gagawin" tumayo ako sa kinauupuan ko."Nice too see you again Ayesha" bumaling siya kay Clyde. "You too,Clyde"

Nakangisi si Drake habang palabas ng coffee shop,ngising may halong gustong manakit.

"Let's go" naunang lumabas si Clyde ng coffee shop at sumunod naman ako.Kagaya ng kanina ay magkatabi kami sa harap.

"Layuan mo siya" nilingon si Clyde nagtatangis ang ngipin habang mahigpit na hawak ang monobela ng kotse.

"Bakit"

"Basta layuan mo siya"

"Bakit nga?" naiinis na ako ha.

"Layuan mo nga siya" singhal niya sa mukha ko.

"Ayoko nga"

"Tangina,sabing layuan mo" humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko ng biglang sumigaw siya dito sa loob ng kotse.

"Bakit nga?" nanginginig na tanong ko.

"He's part of Jorgue Org,inshort he's our enemy"






NANGINGINIG ang mga kamay ko habang papasok ng bahay namin.Ramdam ko parin ang pagsunod ni Clyde sa likod ko,para akong magihihimatay ng wala sa oras.

"Ayos ka lang?" sinalubong ako ni kuya ng halik sa pisngi at yakap.Tumango ako at dumaretcho na umupo sa may sofa,binagsak ko ang katawaan ko doon.

Hindi parin ako makapaniwala na kabilang si Drake sa Jorgue Org,isa sa mga ka-away ni kuya.Wala naman akong alam sa away nila at Organization na 'yan.Pero hindi ko parin maiwang hindi mangamba,paano kung gagamitin niya ako laban sakanila kuya.

"Gago,anong ginawa mo sa kapatid ko?" narinig kong tanong ni kuya.Nakatitig lang ako sa harapan ko,hindi din maayos ang salamin kong bilog.

"Wala"

"Bakit ganiyan 'yan?Kinulam mo ba?" napangiwi ako sa tanong ni Kuya Nxy.

"Gago"

Ramdam kong may umupo sa tabi ko kaya napalingon ako.Seryosong tumingin sa akin si Kuya Nyx,kaya umatras ako.

"We need to tell you the truth" seryoso na sabi ni Clyde,umupo siya sa may single sofa.

"Huwag,gago kaba?Kung may mangyaring hindi maganda ulit sakaniya ha?" singhal ni kuya.

"Kailangan niyang malaman,kung hindi mas lalo siyang mapapahamak" sumbat naman ni Clyde.

Nagpabalik balik ang tingin ko sakanilang dalawa.Hindi ko sila maintindihan kung anong pinupunto nila,parabg ewan lang.

"Fine" lumingon sa akin si kuya at ibinalik ang tingin kay Clyde. "But,make sure she's always safe,ayaw kong maulit ang dati"

Tumango si Clyde at tumingin sa akin kaya napa-ayos ako ng upo.Lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya napalunok ako.

"Remember,yung sinabi ko kanina tungkol kay Drake?" tumango ako,parang walang boses na lalabas sa bibig ko. "That's the truth,kabilang siya sa Jorgue Org.He's part of Vlaider Org noon,trinaydor niya kami.Sumali pala siya sa grupo namin bilang maging espiya ng Jorgue,malakas siya, matalino at laging seryoso kaya siya natanggap sa grupo.Pero,kami mismo ang nakahuli na nakikipag usap siya kay Rivera isa sa miyembro ng Jorgue."

Nanganga lang ako.

"Yes,siya ang dahilan kung bakit may namatay sa grupo namin.Nang gabing nakita namin siya na nakikipag usap kay Rivera,ay ang gabing may sumugod sa hideout namin.Nagtanim ng bomba si Drake sa hideout,gabing 'yon ay nasa bar ang iba at nagsasaya pero may naiwan na isa sa hideout.Nasabugan siya ng tinanim na bomba"
dugtong ni kuya.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko.Ano nga ba?Dapat ba akong magulat?Matakot o ano?Pero pareho ang nararamdaman ko,nagulat ako at natatakot sa ano mang mangyari sa amin.

"A-Anong kinalaman ko diyan?" tanong ko.

"Malaki ang posibilidad na may kinalaman sila noong gabing may mangyaring hindi maganda sayo" nag igting ang panga ni kuya Nyx.

"Ano bang nangyari sakaniya?" sasagot na sana ako sa tanong ni Clyde pero inunahan ako ni kuya.

"February 14,saktong Valentine's day noon.May pinuntahan ako kaya hindi ko nasundo si Ayesha,mag a-alas syete na noong uwian nila.Sumakay siya ng taxi,pero ang hindi niya alam ay may masamang balak pala sakaniya ang taxi driver.Dinala siya abondonadong gym,sa likod ng mall." Nnag-iinit ang magkabiling dulo ng mata ko habang pinapakinggan 'yon. "She almost got raped,pero hindi.Na track ko ang cellphone niya,pero noong pumunta kami doon puno na ng dugo ang sahig at doon naka higa si Ayesha ng walang malay.Pinalo siya ng malaking kahoy sa noo,kaya ang peklat niya sa noo ang palatandaan na pinalo siya"

Tumulo ang luha ko matapos marinig 'yon.Parang umurong ata lahat ng luha ko ng bigla akong yakapin ni Clyde.

"Putangina nila" hinaplos niya ang buhok ko kaya napahagulgol ako. "Tangina nila,pagbabayaraan nila 'yon.Mga putangina nila"








¢•¢•¢•¢•¢•¢•¢•

Sorry for grammatical error and wrong spelling:>

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon