Kabanata 11

7.1K 241 9
                                    

Kabanata 11

BUMUNTONG hininga ako sabay lagay ng isang contaclence sa kaliwang mata ko.Ibinigay ito ni mama saakin kahapon,mas maganda nalang daw na ito gamitin ko kaysa sa salamin.

Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Clyde kahapon sa may garden.Ano kayang ibig niyang sabihin?Hinatid din nila ako kahapon dito sa may bahay,as usual dito nanaman sila nag dinner.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para tignan ang kabuuan ko sa malaking salamin.Pina suot ako ni mama ng crop top na polo at isang high waist short na kulay black at isang rubber shoes.

Ngumiwi ako ng makita ang pusod ko, parang kinulang sa tela ang damit na ito.Si mama din ang nag-ayos ng mga damit ko,oh diba!parang siya ang pupunta.Sigurado akong ang inilagay niyang mga damit ay ang mga ayaw kong suotin kagaya ngayon.

"Ayesha,baba kana andito na sila" narinig kong sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.Kinuha ko.muna ang isang hairpin at inilagay ito sa may buhok ko.

Nang makababa ako ay naabutan ko silang nagkakagulo sa hapagkainan.Ay sige,dito nalang kaya sila tumira tutal lagi naman silang dito kumakain.

"Morning ma" humalik ako sa pisngi ni mama.Ngumiti siya ng malawak habang hinahagod ang katawan ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Dalaga na ang Ayesha ko" kunwaring naiiyak na sabi ni mama.

"Ma naman eh" napatawa siya.Napaawang ang bibig ko ng guluhin ni kuya ang buhok ko.

"Pangit mo parin" tumawa siya at umupo sa tabi ni Felixto,kinagat ni Felixto ang pang ibabang labi niya sabay kindat saakin.

"Ganda ko naman" si Brayan.

Nakatingin silang lahat saakin,si Kyle na nakangisi,si Andrew na nanganga at si Clyde na naka taas ng kilay.Seryoso lang ang tingin niya habang hinahagod ang kabuuan ko,umirap siya at umiwas ng tingin.

Edi wow!Sino kaba?

Napaismid ako at umupo sa may bakanteng upuan sa may tabi mismo ni Clyde.Naamoy kaagad ang mabango niyang pabango,ang bango hindi kakasawang amuyin—nakakasawang amuyin pala.

"Bakit ganiyan suot mo?" nanigas ako sa kinauupuan ko ng bumulong siya saakin.Mabuti nalang at nagtatawanan sila kaya malamang hindi nila narinig 'yon.

"H-ha?"

"Magpapalit ka nga" doon ako tumingin sakaniya.Matalim ang tingin niya sa may bandang leeg ko pababa ng dibdib ko,ngumiwi ako.

"Pake mo ba?"

"Just change your clothes woman"

Ngumiwi ako sa sinabi ni Clyde,para ko siyang kapatid kung maka-asta.Naka tuon lang ang pansin niya sa pagkain niya at minsan nakikisali siya sa usapan nila kuya.

"Pasulyap sulyap nalang palagi" pagkanta ni Brayan,nagtawanan naman ang iba samantalang ako naka kunot ang noo.

"Hoy,tumigil nga kayo baka iiyak 'yan" bumuntong hininga si Andrew sabay batok kay Leo,imbes na gumanti ay tumawa pa ito ng malakas.

"Tumigil nga kayo,bata pa si Ayesha!kayo?Ang tatanda niyo na" sumama ang timpla ng mga mukha nila kabilang na si Clyde.

"The hell?! I'm just 20 years old" napaawang ang bibig ko dahil sa si sinabi ni August.Twenty year's old na pala siya,pero bakit parang grade one kung maka-asta.

"T-Twenty?!As-in bente?" naghalakhakan sila dahil sa itsura ko, sinimangutan ko sila sabay iwas ng tingin.

"Oo,bata pa'yon"

"Bakit nasa grade Eleven ka?diba collage kana dapat?" natahimik sila.Ang iba ay tumuloy sa pagkain,ngumiwi ako dahil sa inasta nila.

"Hindi naman kasi talaga grade eleven 'yon" biglang sagot ni Joey.Napatabingi ang ulo ko dahil sa sagot niya,hindi grade eleven?Ano bang pinagsasabi nila?Nasobrahan ba sila sa saya.

"Ha?"

"Actually,our section is mixed.Noong wala ka,si Felixto ang pinaka bata, nineteen siya.Noong dumating ka ikaw na ang pinakabata dahil seventeen ka" uminom si Kyle ng tubig matapos sabihin 'yon.

"Anong mixed?"

"Wala talagang grade ang section D,lahat ng basag-ulo,maraming kasalanan,laging naga-guidance doon ang bagsak" tumango tango ang iba sa sinabi ni Felixto.

"Wow,wala kapa sa legal age Ayesha" sabi ni Brayan sabay sulyap kay Clyde at sa katabi netong si Andrew.

"Huwag niyong tataluhin si Ayesha,masasakal ko kayo" napatawa ang iba sa sinabi ni kuya.

"Hindi naman ako nakikipag basag ulo.Bakit ako napunta sa Section niyo?" muli silang napatahimik sa tanong ko.

"Ayaw mo ba?" biglang tanong ni Clyde sa tabi niya.Gusto ko siyang irapan,hindi naman masamang magtanong pero bakit parang mali ang pagkakaintindi niya.

"Hindi naman sa gano'n,curious lang ako.Ang ganda ng records ko sa SHSU,wala din akong matandaan na ginawang mali para ilipat ako sa school niyo ngayon" sumipol sipol si Felixto pero tumigil lang ito ng masama siyang tinignan ni kuya.

"Everything has a reason baby Ayesha" batok ang inabot ni Alex.Humalakhak sila samantalang si Clyde ay tahimik sa gilid ko,kinalabit ko siya at tumingin naman kaagad siya saakin.

"Ayos kalang?" tanong ko.

"Yeah,pero mas magiging maayos ako kung magpapalit ka mg damit"









The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon