Kabanata 4

9.8K 287 9
                                    

Kabanata:4

BUONG hapon ay walang nagpakitang guro ni maski isa sa amin.Uwian na namin ng hapon at andito ako sa waiting shed dito sa may tapat ng school namin,maraming estudyante ang napapagawi ang mga tingin nila sa akin.

"Problema nila?" tanong ko sa sarili ko.Nagkibit balikat lang ako at isunuot ko ang earphones ko habang hinihintay ang sundo ko.

"Hindi kapa ba uuwi?" halos malaglag ako sa kina-uupuan ko ng biglang may magtanggal ng earphones sa tenga ko.

Gulat kong nilingon si Felixto,nasa likod niya ang iba naming kaklase."Huwag ka namang manggulat."

Natawa naman si Brayan dahil sa sinabi ko."Kanina kapa namin tinatawag pero mukhang hindi mo kami naririnig."

"Uwi kana." hinila ni August ang kamay ko para patayuin, napa-awang ang bibig ko dahil doon.

"Aray,ano ba!" tinapik ko kamay niya na nasa braso ko."Problema mo ba?"

"Umuwi kana nga kasi." usal naman ni Xander na halos itulak na ako.Tumingin ako kay Clyde at tinaasan niya lang ako ng kilay.

Edi wow!

"Bakit ba?Mamaya pa ako uuwi" umupo ako ulit sa may upuan na semento.

"Ang kulit,babanatan ko na'to." napasinghap ako ng biglang sabihin 'yon ni Mark,nagsitawaan naman silang lahat kaya napatingin samin ang tingin ng mga estudyante.

"Omayghad! Their so handsome"

"Hot as hell"

"Mine papa Clyde, you're so gwapo"

Gusto kong masuka dahil sa mga bulung bulungan ng mga babaeng napapadaan sa pwesto namin.I admit it,gwapo sila pero hell ang papangit ng mga ugali.

"Look nerd, kailangan mo ng umuwi." hinila ni Felixto ang bag ko kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Oo na nga eh!Bakit ba?May hinihintay ako,okay?!" hinawi ko ang bangs ko at nilagay 'yon sa gilid ng tenga ko,inayos ko din ang suot kong salamin.

"So please lang,kung uuwi na kayo umuwi lang kayo,okay?!Kasi ako may hinihintay pa." napalunok ako ng nakatingin lang sila sa akin.Napaawang ang labi ko at tinakpan ang
noo ko.

Dali-dali akong tumayo at kinuha ang bag ko kay Felixto na hindi parin makapaniwala sa nakita niya.

"What happened to your forehead?" hinawi ko kaagad ang kamay ni Clyde na nakahawak sa balikat ko.Niyakap ko ang bag ko.

"W-Wala,uuwi na ako." kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

Nakita nila ang dapat na hindi nila makita,kaya ko binago ang anyo ko dahil may malaking tahi sa noo ko,ang sabi nila may pumalo daw sa aakin noon ng kahoy .

"Hey, hatid kana namin." biglang sabi ni Kyle.

"Hin—Sweetheart . . ."

Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway ng makita ko si kuya papalapit sa pwesto namin.Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa classmate ko.

"Hala may boyfriend si Bebe Ayesha natin." halos mapangiwi ako ng sabihin 'yon ni Joey.

"Hindi sila bagay ng darling Ayesha ko,nooooo!" sabi ni Mark.

"Mas pogi pa ako dyan." singhal naman ni Andrew na siyang kinabatok niya. "Amputa,bat kayo ganyan sa akin?ha?"

"Hindi naman kasi totoo." natatawang sabi naman ni Brayan.

"Let's go." kinuha ni kuya ang bag ko."You look tired?" may nilabas siyang panyo sa bulsa niya at inilagay 'yon sa likod ko.

"H-hoy bakit mo hinawakan siya?" nanlalaking matang sabi ni Mars.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon