Kabanata 25

5.8K 208 26
                                    

Kabanata 25

KINABUKASAN ay muli akong sinundo ni Clyde,sabay kaming pumasok ng school.Na-iilang parin ako kapag naalala ko ang sinabi niya kagabi,matapos niyang sinabi ang salitang 'yon ay hindi niya pinatay ang tawag.

Tsaka niya lang ata pinatay ng mag uumaga na.Na lowbat tuloy ang cellphone ko,mabuti nalang at late akong natulog kaya na charge ko ang cellphone ko.

Dahil tapos na ang exam namin kahapon ay andito kami nakatunganga sa kawalan.May sari-sarili nanaman kaming mundo,parang ewan lang.Parang palengke ang classroom namin ngayon dahil sa sobrang ingay.

"May tatlong bibe akong nakita,mataba mapayat mga bibe" malakas na kanta ni Andrew kasabay ng pagtambol nila sa mga desk nila.

Mga badjao!

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan...." naghiyawan sila nang biglang kumanta si Felixto.Ngumisi si Felixto at tumayo,kumaway kaway pa siya na parang nanalo.

"Kung panalangin ko'y 'di marinig...." pagkanta ni August. "Abutin man ng bawat sandali,kailangan kong isigaw ako'y iyong-iyo.....ang dalangin ng puso'y ikaw" napamaang ako ng kumindat siya saakin,nagtawan naman sila pero si Clyde ay napamura.

"Gago ka August" sabi ni Clyde sabay taas ng middle finger niya,tumawa lang ng malakas si August.



BUONG maghapon ay wala kaming ginawa kundi ang maglaro,magkanta at mag-ingay.Nagtataka ako dahil nagmamadali silang umuwi,hindi din ako naihatid ni Clyde sa bahay.

Bumigat ang dibdib ko dahil sa ginawa niya,ang ayos pa namin kaninang umaga tapos ganito.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingala,siguro busy lang sila kaya may pupuntahan sila.

Nasa waiting shed palang ako ng school ng matanaw ko ang isang kulay white na SUV.Hindi ako nagkakamali 'yon yung sasakyan na sinakyan ko noong pa-uwi na kami galing sa outing.

Pumara ako kaagad ng traysikel para sundan sila.Alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ko maiwasang ma curious dahil sa kilos nila kanina,saan sila pupunta.

Ngumunot ang noo ko habang sinusundan namin ang van.Ilang minuto pa ang nakalipas ay huminto ang van sa isang malaking bahay,bumaba ako ng traysikel at nagtago sa poste.

Bumaba ng van si Andrew kasunod neto ang iba naming classmate kabilang na si Clyde.Si Kyle ang pumindot ng doorbell,bumukas ang gate at lumbas dito ang isang ginang na medyo may katandaan.Kasunod neto ang isang babae—si Sabrina.

Yumakap ang ginang sa mga lalaki na nakangiti,ngumiti si Sabrina at hinalikan sa pisngit si Clyde.Bumigat ang paghinga ko sa nakita ko,napakuyom ang kamao kong nakahawak sa laylayan ng blouse ko.

Kinuha ko cellphone ko at binuksan ang messenger ko.Binuksan ko ang conversation namin ni Clyde at tinawagan siya,kumunot ang noo niya bago niya sagutin ang tawag ko.

"Hi ganda" nakangiti siya.

"S-saan kayo?" nagsalubong ang kilay niya.

"Nasa bahay ako,ewan ko sakanila" tumango ako at pinatay ang tawag kasabay ng pagbagsak ng luha ko.Bumuntong hininga ako nang makita ko silang nakangiti sabay pasok sa bahay nila Sabrina.

I see.Birthday pala ng mama niya,may nalalaman pa silang hindi pupunta,pupunta din naman pala.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumalikod,malas.



SINUOT ko ang headset ko sa may tenga ko,nakalugay ang mahaba kong buhok kaya natatakpan ito.Huwebes ngayon at p.e namin kaya naka jogging pans ako,deretcho lang ang tingin ko sa hallway papuntang building namin.Wala akong pake sa mga nakakasalubong ko,nasasaktan ako.

Huminga muna ako ng mamalim bago binuksan ang pintuan ng classroom namin.Deretcho ang ang paglakad ko hanggang sa makarating ako sa upuan ko,inilagay ko ang bag ko sa upuan ko at inilabas ang cellphone ko.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon