Kabanata 33

5.7K 168 17
                                    

Kabanata 33

HAPON na ng ihatid ako ni Clyde sa bahay.Buong maghapon kami sa bahay nila,hindi ko nga alam kung anong isasagot ko kanina sa tanong ng mama ni Clyde mabuti nalang naiba ang topic kanina.

"May sumusunod saatin." napatingin ako sa likod ng sasakyan at may isang kulay itim na van.Kinabahan ako ng bumaling ako kay Clyde, seryoso lang siya habang nagmamaneho.

"Bilisan mo." halos mapatalon ako sa gulat ng may magpa-ulan ng bala ng baril sa sasakyan.Sunod sunod naman na mura ang kumawala sa bunganga ni Clyde samantalang ako ay nakayuko.

"Shit,nasundan nila tayo." napahawak ako ng pahigpit sa seatbelt habang nakayuko ng may magpa-ulan ulit ng bala ng baril.Napasinghap ako ng iliko ni Clyde ang sasakyan niya.

"Nakasunod parin sila." kinakabahang saad ko.Wala kami sa mataong lugar para may magligtas saamin,malayo pa kami dahil malayo sa syudad ang bahay nila Clyde.

"Tawagan mo sila Felixto." nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ko ang cellphone ko sa bag ko.Naka dalawang ring palang ay sinagot niya na.

"Hel—FELIXTO!I-track mo kami,may sumusunod saamin pinapaulanan kami ng bala." sunod sunod na kalabog ang narinig ko sa kabilang linya.

"Sige,na track kona kayo.Yumuko kalang Ayesha." halata sa boses neto ang kinakabahan. Napatigalgal ako ng huminto ang sasakyan ni Clyde, nagkatinginan kaming dalawa.

"Na flatan kami,Felixto." mura ang naisagot niya.

"Ganito,huwag kang lalabas ng sasakyan Ayesha.Kayong dalawa ni Clyde,patayin kona ang tawag para hindi ma lowbat ang cellphone mo.Itago mo ang cellphone mo,para ma track namin kayo kung saan man nila kayo dadalhin." hinawakan ni Clyde ang kamay ko at tumango,kinuha niya saakin ang cellphone ko at inilagay 'yon sa sapatos niya.

Lihim akong napasinghap ng pilit nilang binubuksan ang pintuan ng sasakyan ni Clyde.Kahit naka lock 'yon,kayang kaya nilang bukasan.Hindi nga ako nagkakamali dahil nabuksan nila, bumungad kaagad saamin ang mga lalaking naka itim at naka bonet.

"Kunin niyo na sila." sigaw ng isang lalaki sakanila.Hinawakan ako ng lalaking isa sa braso kaya lihim akong napangiwi.

"She can manage her self,huwag niyo siyang hahawakan." nagtangis ang bagang ni Clyde matapos niyang sabihin 'yon.

"Huwag mo akong,inutus-utusan." kasabay no'n ang pagsikmura nila kay Clyde at ang pabalag na paghila nila saamin palabas ng sasakyan.

"Boba,kaya kong maglakad.Huwag mo akong makaladkad d'yan." ngumisi ang lalaking may hawak saakin at sinabunutan ako.Bwisit 'tong lalaking 'to,makawala lang kami ako ang kakatay dito.

Nilagyan nila ng tape ang bunganga namin at nilagyan din nila ng tali ang kamay namin.Sinenyasan ng isang lalaki ang kasama niyang magmaneho na kaya umandar na ang sasakyan.

Marami sila kaya imposibleng kaya naming makatakas ni Clyde dito.Bumuntong hininga nalang ako at isinandal ang ulo ko sa balikat ni Clyde, tiningala ko siya.Inilapit niya ang labi niyang may tape sa noo ko kaya napapikit ako.

I hope this is not the end for us.

Sa haba ng biyahe ay nakatulog ako.Nagising ako dahil sa tumatalon na ang sasakyan dahil sa lubak na daan, minulat ko ang mata ko at pilit na ina-aninag kung nasaan kami.

Nasa likod kami ng mall,sa isang warehouse.Umayos ako ng upo ng magising na si Clyde,naka kunot ang noo niya habang nakatingin sa labas halatang alam niya na kung nasaan kami.

Huminto ang sasakyan sa isang lumang gate pero mataas.Pabalag nila kaming inalaba,sinamaan ko ng tingin ang lalaking humila saakin pero hindi ako pinansin.Anak ka ng inamo!

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon