Chapter 4

8.7K 571 282
                                    

Tris

I completely ignored Lee's message asking where I am. Sigurado naman ako na may kailangan lang ito kaya nagtatanong na naman kung nasaan ako.

Isa pa, masama pa din ang loob ko dito dahil nalaman ko na nauna na pala itong umuwi sa kanila noong nakaraang araw. Nagmamadaling bumalik lang pala ito dahil nalaman nga na napa-auction ako.

Kung hindi pa nagpost ng family dinner nila si Leo ay hindi ko pa malalaman na nandoon pala si Kaylee sa mansyon ng mga Montello kasama si Payne. Samantalang ako, namomroblema kung paano masosolusyunan yung problema nito.

Tapos ngayon na sinabi ko yung problema ko ay mukhang labag pa sa loob nito na tulungan ako.

So Nah. I am done.

I am planning to completely ignore her until she has the money to bail me out. Kung kanino nya man hihiramin yung pera, wala na akong pakialam. Ang tanging nasa isip ko na lang ay matubos yung sarili ko kay Eris.

In-off ko yung phone ko para hindi na ako nito matawagan pa ulit. Mamaya ko na lang bubuhayin ulit yung phone ko pag tatawag na ako kay Elle. Ilang araw ko na nga pala na hindi iyon nakakamusta.

Damn it, Lee. I'm forgetting my duties to Elle just to help you. Tapos ikaw puro yung Payne na yan yung inaatupag mo.

Hindi ba ganoon iyon? Girlfriends can be replaced. But real friends are not.

Si Mommy kasi ay ganoon sa mga kaibigan nya. She will set aside everything just to help them. A hero that's always ready to help. A friend that never say No. Kaya ganoon din ako kay Kaylee.

Saka laging ibinibilin sakin ni Tita Van si Kaylee. Dapat daw ay bantayan ko palagi yung anak nila. Kaylee is like a Royal Princess. In just a snap, she can get everything and anything she wants. A Rockefeller, Montello, and Carriedo blood in a flesh. Her name offers her the world at its finest privilege.

Well, I am just a mere Callaghan. Just a Callaghan.

At ako lang sa pamilya namin yung hindi nalinya sa medisina. That's why Mommy is so disappointed on me.

Mabilis kong hinamig yung sarili ko. I hate feeding myself negative thoughts. Sabi ni Mama, I shouldn't dwell with what I am not. They love me for who I am, so I should just stay being me.

But sometimes the world is too harsh. Too cruel. Too ugly. Especially the people living in it.

Out of any coherent thoughts, I shake my head as I press the doorbell of Eris' hotel room.

I didn't know she is occupying the Penthouse. Such a brag!

Tangay tangay ko na yung mga luggages ko dahil sinabi naman nito na isang linggo akong mag-i-stay kasama ito, hindi ba? So I am expecting that I will be sharing her place until that one intimate week is over.

Hindi lang ako walang pera, pati tutuluyan wala din ako.

The door swung open in no time. Iniluwa niyon yung seryosong mukha ni Eris.

Dwarf na fierce.

Hindi ko tuloy mapigilan na hindi matawa ng bahagya. Lalo pa at mukhang antok na antok na naman ito. If snow white is real, Eris could fit as the sleepy dwarf in it.

"Anong itinatawa tawa mo dyan?" Asik pa nito matapos luwangan ng bukas yung pinto ng unit nito.

"Wala. It's only four thirty in the afternoon tapos antok na antok ka na. Ilang pampatulog ba iniinom mo?"

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon