Chapter 10

8.1K 651 253
                                    

Tris

Damn it! Saan ba nagpupupunta yung bubwit na yon?

Kanina pa ako hilong-hilo kakahanap kay Eris. Nung tinawagan ko kasi si Cariette para hingiin yung phone number ni Eris ay sinabihan lang ako nito na pumunta sa building na pag-aari ng mga Silva.

Nag-apply daw kasi yung unggoy na iyon doon dahil kailangan daw nito ng part-time job.

Seriously? Ang dami-dami nyang pera. Nabili nya nga ako ng fifty million tapos ngayon ay naghahanap sya ng part-time job?

Baka naubos na yung pera nito.

At heto ngang nakapasok na ako sa building nila pero ni anino nya ay hindi ko makita. Ang sabi ng receptionist ay nasa top floor lang daw naglalagi ang mga Silva pero wala talaga ito doon nung umakyat ako. In fact, walang tao doon.

Nang bumaba ako ulit sa ground floor at sinabi ko na wala doon si Eris ay tumawag yung receptionist sa linya sa taas. The person that I am looking for, actually answered the phone, confirming she's on the top floor.

Like hell? Nagpunta na ako doon at sigurado ako na wala sya. Alangan naman na may sa lahi din pala silang spiderman at nagagawa nilang magpagapang gapang sa kisame kaya hindi ko sya nakita. O baka naman trip nya pala makipaglaro ng hide and seek? Pwes, wala akong oras para doon.

"Tell that woman to go down here. I need to talk to her." Utos ko sa receptionist na kausap ngayon si Eris sa kabilang linya.

"Ma'am, may I know your name please?"

"Tell her it's Tris. Tris Callaghan."

Narinig ko naman na binanggit ng maayos nung receptionist yung pangalan ko. Sinabi din nito na nanggaling na ako sa taas at bumaba lang ako ulit dahil wala akong nakitang tao doon.

Ilang sandali lang ay ibinaba na nito yung telepono.

"Please have a seat at the lounge area as you wait, Miss Callaghan. Miss Eris will be here shortly."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at hindi na ako pinaakyat ulit sa taas.

"Thank you."

Pagkasabi niyon ay tinungo ko yung lounge area kung saan may mga tao din na nakaupo at naghihintay habang vineverify yung appointment nila.

Pinili ko yung secluded na couch sa dulo paharap sa glass wall ng building para kita ko yung mga dumadaan sa labas at nang hindi ako mainip sa paghihintay. Kumuha na din ako ng magazines sa rack.

I know how women are so tedious in getting themselves ready. Baka abutin pa ito ng isang oras bago bumaba. Si Elle kasi ay ganoon. Pag sinabi nito na sandali na lang, it's probably still an hour or a two. Kahit si Kaylee ay ganoon din. Kaya naman sanay na sanay na ako maghintay.

Pero wala pang sampung minuto ay nagulat na lang ako nang may huminto na sa harapan ko.

A woman with a five four frame. Languid coal eyes. Aristocratic nose. Pale pink lips. She's sporting a chic style of clothing. White long sleeves na itinupi hanggang siko na tinernuhan nito ng light blue fitted denim.

"Ano, titingin ka na lang?" Masungit na tanong nito.

Napatikhim naman ako. "Bakit ang bilis mo?"

Tumingin ako sa orasan ko. Sigurado ako na wala pang sampung minuto mula ng makaupo ako dito.

Itinuro nito yung hilera ng mga elavators. "I used the private elevator. I hate keeping someone waiting."

That really surprise me. Lahat kasi ng babaeng kakilala ko laging matagal kumilos.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon