Chapter 20

7.9K 672 406
                                    

Eris

I woke up laying on a soft white bed inside an all white room. And it wouldn't even take a genius to figure out that I am inside an hospital room lalo pa at amoy na amoy ko yung pinaghalo-halong kemikal na nakakahilo.

Pagbiling ko sa kanan ay nandoon din si Tris at natutulog sa couch. Base sa pagkakahiga nito, nakatulog na lang din ito doon at hindi intensyon na matulog talaga.

Mariin akong napapikit. Pilit na inaalala kung bakit ako nandito.

The memories of what happened last night starts playing on my mind.

The kids.

Malakas akong napaungol sa sakit ng maramdaman yung kirot na sumisigid sa braso kong may benda.

"Ouch! Fuck!"

Tuluyan namang nagising si Tris na napatayo at agad akong dinaluhan. "Goodness, Eris! Saan ang masakit?"

Bumalatay sa mukha nito yung matinding pag-aalala kasabay ng pagpindot sa emergency button sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ko.

Hindi pa nga ito nakuntento dahil kinuha agad nito yung phone nito sa bulsa at marahil ay tinawagan yung Mommy nito dahil narinig ko pa yung pagsasabi nito na, "Hurry up, Mom. Eris is in severe pain."

"Stay put, okay? Parating na si Mommy." Hinaplos nito yung buhok ko habang masuyong hinahalikan yung noo ko. "Everything will be okay. The pain will soon go away." paulit ulit na bulong nito.

Gusto ko sanang sabihin dito na nabigla lang ako sa biglang pagsigid ng kirot sa braso kong napuruhan pero hindi naman talaga iyon ganoon kasakit. Kaya ko naman tiisin.

"What happened to the kids, Tris?" hindi ko mapigilan na mag-usisa. Ito lang naman ang kasama ko kagabi noong magpassed out ako.

"Don't worry about them, sweetheart. They're fine." she said reassuringly.

"How fine is fine?" Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakasiguro.

"I called Elise to turn over those kids sa DSWD or anywhere she could just to keep them safe. I told her that you saved those kids so she better ensure their safety. Kung may mga magulang man iyong mga batang iyon ay dapat managot din dahil sa pagpapabaya sa mga anak nila. Goodness, Eris! Can you please worry about yourself? Kahit ngayon lang?"

Pinilit kong umupo sa hospital bed kahit pa napapangiwi ako. Pakiramdam ko ay nabugbog yung braso ko. "What happened to my arm? Hindi naman ganito kasakit nung natulog ako kagabi, ah?"

Inalalayan ako ni Tris na makaupo ng maayos. "You were burning in fever last night, sweetheart. First aid doesn't always work. Kailangan mo ng antibiotic shots and anti-inflammatory meds. I don't know which ones will work with you that's why I need to bring you here just to be sure. You've got an infection. Buti naagapan agad."

Damn! No! Hindi pwede. Lagot ako pag nalaman ni Mom na nasa hospital na naman ako. Tiyak na mag-aalala si Mommy.

"I need to get out of here, Tris. I'm perfectly fine." inalis ko yung kumot na nakabalot sakin.

"No! No!" Sunod-sunod na umiling si Tris. "Dito ka na muna. You need to rest."

"Hindi pwed-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bumukas yung pintuan ng hospital room. Bumungad yung Mommy ni Tris. May kasama iyon na isa pang babae na gaya nito ay mukhang doktor din.

"Mom! Thank goodness, you're already here!" Tris exclaimed in relief. "Si Eris kanina halos mamilipit sa sakit. Check what's wrong with her please."

I rolled my eyes. Napaka-OA nito. Nagulat lang ako kanina na masakit pala yung braso ko. Hindi ako namimilipit sa sakit. Sarap nitong sapakin sa totoo lang. Ang creepy!

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon