Chapter 7

7.1K 571 255
                                    

Eris

"Fuck you!"

Natahimik ako nang makita yung galit sa itsura ni Tris habang hawak pa din yung phone ko.

Bago ko pa ito mapigilan ay gigil na binato nito iyon sa sahig. Pagkatapos ay padabog na tumayo at hinablot ako sa braso.

"Alam mo?!" Nanlilisik yung mga mata nito sa galit. "Alam mo lahat?!"

I stared at her blankly. Totally clueless sa ikinagagalit nito. Is it about Payne and that woman's third party? Of course, I know. I'm one of Lee's hired bodyguard. So malamang talaga na alam ko.

"Yeah?"

Should I know what was coming, I should have had shut my mouth.

So I was bit surprised when Tris forcefully shove me against the wall. Hawak pa din nito ng marahas yung braso ko habang yung isang kamay nito ay nakaangat sa ere at nakaamba na susuntukin ako. And it's too late to dodge that.

Napapikit na lang ako habang hinihintay na dumapo yung kamao nito sa mukha ko.

Pero imbes na sa mukha ay sa pader iyon tumama. Just an inch away from the sides of my left cheek.

"Damn! Damn! Damn!" Tatlong magkakasunod na suntok iyon bago ako tuluyang natauhan. Sinangga ko na iyong pang-apat bago pa ito tuluyang mabalian ng kamay.

"Tris, Calm down. Ano bang kinagagalit mo?"

Nanginginig ito sa sobrang galit nang iyakap ko yung mga braso ko sa bewang nito. Yung luha nito ay patuloy pa din sa pagdaloy sa pisngi habang yung pang-ilalim na labi ay nagdurugo na sa madiin nitong pagkakakagat doon.

She looks like a raging mess.

Tragically beautiful.

"You planned all of this! Mga gago kayo!" Galit na binabaklas nito yung mga kamay ko na nakayakap dito. Pero mas lalo ko lang iyong hinigpitan.

"Fuck you! You knew! You knew that Elle is being forced to marry Harrice! Damn it!"

"Forced?" napakunot yung noo ko. "Wait, you got it wrong, Tris. It is both Harrice and Elle's decision to get marri-"

I felt that hard slap.

Pangalawang beses na nito akong nasasampal ngayong araw. Siguro naman ay may karapatan na din akong magalit?

"Calm down, Tris."

"Calm down?" She exclaimed. Napasabunot pa nga ito sa buhok nito. "How could I? How could I calm down when my girlfriend is already married to that dumbshit piece of stupid, worthless, immatur-"

"To Harrice. Elle's married to Harrice." I grit my teeth as I repeat that. One more insult about my family and I'll make sure she'll be sorry. "C'mon, she has a name Tris. Say her name and stop describing people as if you know her at all."

I can't understand on where she's coming from. Alam naman ng lahat na front lang nila ni Elle yung relasyon nilang dalawa. Elle is long inlove with Harrice. Kaya nga nung bumalik iyon ay walang pag-aatubili na tinanggap lang ito ni Elle. At sa huli nga ay nagpakasal din agad habang wala sa bansa si Tris.

"No!" Umiling ng mariin si Tris. Nanginginig pa din yung kamay sa matinding galit. "Pinilit lang si Elle. Sigurado ako na napilitan lang din si Elle!"

I might have underestimated Tris' strength dahil nagulat na lang ako nang buhatin lang ako nito at saka malakas na inihagis sa sofa.

I winced at the sudden jolt of pain as my back hits the side of the arm rest.

"Gago kayo! Lalo ka na!" malakas na sigaw nito. "Pinlano nyo 'to! Sigurado ako na pinagplanuhan nyo' to! Mga baliw talaga kayo! Manipulative control freaks!"

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon