Chapter 33

9.2K 684 226
                                    

Tris

"Can you take off your shirt?"

"Po?" Napalunok ako nang ilang ulit ng marinig yung sinabing iyon ng Mommy ni Eris.

Iminuwestra niyon yung suot kong damit. "Take it off."

Bago pa ako makapag-isip nang hindi maganda ay inangat nito yung hawak nitong ice pack. "This will relieve your aching back and shoulder pains. Sinabi ni Grant na tumulong ka daw magbuhat kasi kanina."

Awtomatikong lumipad yung tingin ko kay Tita Grant na kausap si Mommy sa di-kalayuan. Mukhang masinsinan yung pinag-uusapan nila dahil kitang kita ko mula dito sa distansyang ito yung kaseryosohan ni Mommy habang tumatango tango.

Apparently, pagkarating namin ng bahay ay nagpaalam na agad si Eris na maliligo at matutulog na. Kahit si Essex ay ganoon din ang ginawa dahil nga napagod ito kakabantay sa ate nito magdamag.

The Oliviars are no longer here when we came back. Ang sabi ni Tita Jen ay umalis na din daw agad ang mga ito pagkakain ng breakfast dahil may mga aasikasuhin din sa syudad kaya hindi pwede magtagal.

Si Mommy naman ay naabutan ko na kausap nito. They seem too close while they were laughing like some good old friends having a good catching up after a long time that they've not seen each other.

Ang plano ko kanina pagkarating ay maligo na din at ipahinga yung katawan ko na nabigla yata sa pagbubuhat kanina kaya sumasakit ng husto. Pero dahil naalala ko na gusto nga ni Eris ng inihaw na mais ay mas pinili ko na manatiling gising para maipag-ihaw ito maya-maya ng konti. Para pagkagising nito ay kakain na lang ito niyon.

Kukuha nga lang sana ako ng inumin nang kausapin ako ni Tita Jen ngayon at pinapahubad yung damit ko.

"Okay na po ako, Tita. Naglagay po ako ng numbing cream." Mabilis na sagot ko.

That's actually true. I have a stash of high dosage numbing cream for cases like this. Kahit nga makipagsuntukan ako ngayon, tiyak na hindi ko iyon mararamdaman. Ganoon ka-effective.

"Numbing cream?"

I nod my head while readying a steady smile. "Yes po. Hindi naman na masakit."

Ibinaba nito sa mesa yung ice pack. "You sure understand the implications of using those creams right?"

Hindi ako sumagot. Mukha kasing sinesermunan ako nito.

"Numbing creams can shut off your sense of touch to not be able to feel the pain for quite some time." Tumango ito na para bang ina na nagpapaintindi sa anak nito kung bakit mali yung ginagawa niyon. "But the wounds, the swelling, the lumps, it all remains. You need to tend it not just to shut it off. Pain is not meant to torment you, Tris. It's meant to alert you of danger that your body is only capable of."

"Tita Jen.."

Ngumiti ito. "Kaya yan sina Ember, Eris, at Essex?" Tumawa pa ito ng mahina. "Grant allows our kid to freely roam around the island. If they fall and bleed, they should feel how that wounds stung on their skin. They should know the extent of pain that their body is capable of having. And no, hindi namin sila pinapalo pag may nagagawa silang mali. But they know that every action has an equal and opposite reaction. They should be just ready for it's consequences though."

"But they grew up na parang akala mo laging inaaway. Lalo na po si Eris. Laging defensive."

Kumuha ako ng baso sa glass rack. Si Tita Jen naman ay kinuhaan ako ng bote ng tubig.

"Contrary, si Eris yung lumaki na hindi kami binigyan ng sakit ng ulo." Inabot nito sakin yung bote ng tubig.

I silently thank her.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon