15

1.4K 41 5
                                    

This is a work of FICTION. All characters are used in FICTITIOUS manner.

---

Alas onse na nang magising ako at wala na si Greggy sa tabi ko. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos.

Nang makababa ako, nakarinig ako ng mga ingay sa kusina kaya pumunta ako doon. They are having their lunch already, or is it brunch?

"Oh Irene, you're awake already. Come, let's eat. Aalis na tayo mamaya" Mom said.

Nakasanayan na namin na pumunta sa LNMB para bisitahin si daddy mapa-pasko, bagong taon, at kung sino man ang may birthday, taon-taon.

"Asan si Manang?" I asked.

"Tulog pa" si Kuya Tommy ang sumagot.

Tumango na lang ako at umupo na. Nilagyan ni Greggy ng pagkain ang pinggan ko. "Tama na, that's too much"

"Kumain ka ng marami" aniya at bumaling sa pinggan niya.

"Anong oras mommy?" tanong ko dahil inaantok pa ako.

"Probably two or two thirty" she answered.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko. Kaninang kumakain ako ay inaantok ako, ngayon namang nakahiga na ako, hindi na.

I just grabbed my book to let the time pass. Later on, pumasok si Greggy sa kwarto ko.

"Don't you know how to knock?" kunot noo kong tanong.

He didn't answer but instead, he went straight beside me. Humiga siya at isiniksik ang sarili sa leeg ko. "Wake me up when we'll go" sabi niya at niyakap pa ako.

Walang hiyang to, ginawa pa akong unan, nakita na nga na nagbabasa ako. I tried to move him beside me pero ayaw niya.

I sighed before continuing my book. Hinaplos-haplos ko na rin ang may kahabaan niyang buhok hanggang sa nakatulog na siya.

Ang sabi ko kanina, ako ang matutulog, bakit ako ngayon ang nagpapatulog?

Hanggang sa maga-alas dos na, kinatok ako ng isang maid. "Maam pinapasabi po ng mommy niyo na mag-ready na daw po kayo" I heard her saying it on the outside.

Bumaling ako sa lalaking nakahiga at nakadagan sa akin. "Greggy wake up. Maliligo pa ako" tapik ko sa mukha niya.

"Hmmm" paungol niyang sagot.

"Tumayo ka na dali ang bigat mo"

"Five more minutes, I'm enjoying here" I heard him giggled.

"Maliligo pa nga ako" nagsisimula na akong mainis.

I can feel him sniffing me. "Mabango ka naman ah" And damn his hands are now moving from my waist to my hips.

"Isa. Pag di ka pa tumayo itutulak talaga kita."

"Bawal ang mapanakit dit-- aray ko!"

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para maitulak siya, and I succeeded.

"Layo. Yang mga galawan mo ha. Dun ka na nga sa kwarto mo" singhal ko sa kanya.

"Ano ba yan. Penge ako kiss muna"

"Eh kung ikiskis ko yang nguso mo sa dingding, gusto mo? Pag di ka pa lumabas iiwanan ka namin mamaya" pagbabanta ko.

"Damot" I heard him whispered it and marched to the door and then went out.

I sighed in relief. Baka hindi kami makapagpigil at saan pa yun humantong.

I went to the bathroom to take a shower. After that I went to choose what to wear. I ended up picking a white long sleeve polo with a knitted floral vest on top of it. Paired it with a jeans and black boots.

When Love LastsWhere stories live. Discover now