Chapter 26

24.8K 750 705
                                    

"What is it, Apollo? Trip mo na naman ba ako." Nangigigil na sabi ko habang nasa aking sasakyan. 

Kanina pa siya katok ng katok sa bintana ng sasakyan ko! I've never seen him for a week, I think. I'm not complaining though, nakakairita rin kaya makita ang pagmumukha nito araw-araw. 

"Hatid mo 'ko sa bahay ni pareng Keidon." Sabi niya sabay pasok sa sasakyan ko. Napa-awang ang labi ko. 

"And why would I? Sagot mo ba ang gas ko?" Maarteng sabi ko habang nililiko ang sasakyan. 

"Wow, parang hindi rin doon ang punta mo ah?" 

Natigilan ako sa sinabi niya. How the hell did he know that? I rolled my eyes. He's right, I was planning to go to his house not because of Poseidon. Leigh and I have been texting since morning, and she said she was in his house. 

She didn't know that I would come. Wala lang, gusto ko lang talaga siya puntahan. It's my first time going to that house, so I think Delian will be a good companion. 

Binilisan ko ang pag-andar ng kotse. It's just two days since we met in our house, and here I am, so desperate to see her again. 

"So anong pumasok sa bulok mong utak at gusto mo pumunta sa bahay ni Poseidon?" Mataray kong sabi habang nasa daan ang paningin. 

"We'll discuss something that doesn't concern you?" Sarkastikong sabi nito. 

Napairap ako sa sinabi niya. Parang gusto ko bungguin ang sasakyan sa puno para mabagok ang ulo nito. 

"You?" 

Napatingin ako tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. 

"What?" Asik ko. 

He frowned and smirked at me. 

"Oh come on, tell me. Why do you want to go there, Artemis?" Panunukso sabi niya. Agad ako umiwas ng tingin.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa steering wheel. Pasimple ako tumitingin sa daan at kunwari busy sa pagmamaneho. I purposely ignored his question. Ano sasabihin ko? Tss. 

I'm not even sure if Leigh wanted to reveal what's happening between us. I don't know if she's ready to tell it to anyone or not. So I'll keep my mouth shut na lang.

"Oh? Bakit hindi ka makasagot? Mahirap bang banggitin pangalan niya?" Sumilip ito sa akin. 

My lips parted. I scoffed in disbelief and glared at him. I shook my head.

"I don't know what you're talking about." I said, keeping my tone flat. 

He laughed maniacally. Hinahampas niya pa ang hita niya na akala mo nakakatawa talaga ang sinabi ko!

"Hmm? What's her name again? I'm curious. Is she the person you despise the most-"

Mabilis ako nag preno kaya halos sumubsob ang mukha niya sa harapan. My lips just rose and rolled my eyes. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng sasakyan. 

"Pangit mo ka-bonding!" Sigaw ni Delian sa loob. 

Hindi ko na lang siya pinansin. Nilibot ng paningin ko ang buong bahay ni Lorenz. It's huge, he really looks like he's from an Elite family not gonna lie. 

"Bilisan mo." Naiiritang utos ko kay Apollo habang lumalabas ng sasakyan. 

Napa-awang naman ang labi niya at nanliit ang mga mata niya sa akin. 

"Ay, teka lang naman. Hindi pa ako nakaka-recover sa pag-untog ko oh?" Sarkastikong saad nito. 

Napairap na lang ako. 

The Curse of Limerence ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon