01

66.7K 1.5K 554
                                    

01

Todo hiyaw ako rito sa bleachers dahil konti nalang ay lalamang nanaman ang kalaban! Patapos na ang game kaya intense talaga ang laro lalo na't ang konti lang ng agwat.


Zen passed the ball to Kuya, who promptly took a shot. Excitement got the best of me as I stood up and let out a loud cheer


"BAKA KUYA KO YAN!"


Everyone looked at me because I was the only one who shouted! Konti lang ang audience ngayon dahil hindi naman seryoso ang larong 'to. Parang pangkatuwaan lang. Pustahan ata 'to, eh. Hindi ko alam.


I just flashed a peace sign to the people and smiled. It was so awkward. Maybe they want to pull my hair out because I've been noisy since earlier. huhu.


"Hi! Patapos na ba ang game?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Isa siyang petite na babae. Her hair is long, and her lips have a rosy tint. I was more captivated by her twinkling eyes, adorned with long, curled eyelashes.


"Ah oo, actually fourth quarter na." Sagot ko naman sabay ngiti. She just nodded at my answer.


"Pinapanood mo ba boyfriend mo?" She suddenly asked. Hindi naman kami close? But it's okay. Maybe she's just curious.


I chuckled, then sighed. "I don't have a boyfriend. I'm watching my Kuya," I replied, smiling again. This beautiful girl seems shy. Her hand is at the back, and she speaks very delicately. She's like an angel!


"Ah, ganun ba"


"Yup. How about you? Siguro may boyfriend ka riyan, 'no? Sino ang sinusuportahan mo sa kanila? The red team ba or the green team? Mine is red, eh," I said.


Hindi naman siya nakapagsalita kaagad. Hala! Madaldal na ba ako masiyado?


"Ah, wala akong boyfriend," sagot niya, "wala rin akong sinusuportahan kasi hindi ko naman sila kilala. Palagi lang akong pumupunta rito sa court tuwing may naglalaro since malapit lang naman ang bahay namin dito. "


"Talaga? Buti ka pa. Ako kasi ang layo ng bahay namin dito kaya sobrang boring at wala akong magawa," sagot ko naman, "by the way, I'm Alondra Isabelle, but you can call me Andra or Alondra, whichever you prefer. Just please don't call me Isabelle because I don't like being called by my second name," sambit ko. Ngumiti siya at inilahad ang kaniyang kamay.


"Tiffany," sagot niya naman at agad kong inabot ang kamay niya. Mukhang magkakaroon ako ng bagong kaibigan dito! Mukhang may dahilan na para pumunta ako rito every time na may game sina kuya.


"GO SEAN!" I shouted again when Sean made the shot. He looked at me because of my loud voice, and I immediately covered my mouth. Nakakahiya! We're not even close.


Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos na rin ang game. Paos na ako pagkatapos! Ibang-iba na ang boses ko kanina. Kainis.


"Kuya!" Tawag ko.


He glanced at me, furrowing his brow. "Bakit ganiyan ang boses mo?"  he asked while taking a sip of water.


"Hindi ba obvious? Siyempre nag-cheer lang naman ako. Chineer ko lang naman 'yong pogi kong kuya," sambit ko at umirap siya. Aba!


"Kuya, you're so pogi." Pambobola ko pa. Inirapan niya nanaman ako! Grabe.


"Tigilan mo 'ko, Andeng. Alam kong gusto mo lang mag palibre"


Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon