21

27.7K 807 610
                                    

Sabay kami ni Sean na pumuntang rooftop para saluhan ang mga kaibigan namin.



Natatawa ako kay Sean dahil konting kagat lang ng langgam sa akin ay sobrang maingat na siya. Kinabahan ba naman nung sinabi kong 'ouch' kasi naramdaman ko 'yong langgam na kumagat sa likod ko.



When we arrived at the rooftop, we saw Gina and Ate Grace Anne talking. Meanwhile, Zen, Yael, Miguel, and Kuya were talking at a round table with drinks in front of them.



"Sean, punta na muna ako kina ate Grace Anne," sambit ko sabay turo sa gawi nina ate Grace.



"Go, baby," sagot niya.



Tumalikod na ako sa kaniya dahil ayaw kong makita niya ang pagngisi ko.



Tangina, kami na. May label na kami. He can now call me babe, love, baby, or mahal without hesitation!



"Namumula ka!" Agad na bungad sa akin ni Gina. Hindi ko siya pinansin at agad kong niyakap si ate Grace Anne.



"Namiss kita, ate," sambit ko.



"Namiss din kita! Kelan ba kayo mag babakasyon sa Hawaii? Palagi ko kayong hinihintay." Nakasimangot niyang sambit.



"Next vacation siguro, ate" sagot ko naman.



Juice lang ang nakahain sa mini table na nasa harap namin ngayon.



"Alondra," pagtatawag ni mommy.



"Wait lang, ha?" Pagpapa-alam ko kay Gina at kay ate Grace Anne bago umalis.



"Bakit po, mom?" Tanong ko.



"May ibibigay sa'yo 'yong mga ninang mo. Baba ka muna, baby, dali," aniya.



I quickly followed mommy. There were many gifts in the living room now. There were different brands, and some were flowers and large teddy bears.



"Ang ganda naman talaga ng inaanak ko." Bungad ni ninang Divine sa akin, isa sa kaibigan ni mommy.



"Magkamukha talaga kayo! Ganiyang-ganiyan din ang itsura mo noong dalaga ka, Althea!" Sambit naman ni ninang Joanne kay mommy.



"Well, ganiyan talaga," sambit naman ni mommy.



"Eto ang gift ko, hija," sabi ni tita Divine at inilahad ang isang Louis Vuitton na paperbag. Hindi ko alam kung anong laman nito.



Ngumiti ako at tinanggap 'yon. "Thank you po, tita ninang!" Sambit ko at niyakap ko siya.



"Ito naman sa 'kin. Nanggaling pa 'yan ng france," sambit ni tita Joanne.



"Hala! Thank you po." Sambit ko at binigyan ko rin siya ng isang yakap.



Many more people gave me gifts, so it took me a while before I returned to the rooftop. I also entertained many guests and talked to my classmates and friends.


Pagkabalik ko ng rooftop ay biglang nahagip ng tingin ko sina Kuya.



Si Kuya na naka-upo sa couch habang si Zen naman ay nakahalukipkip at may hawak na beer. Si Sean na naka topless at lumalagok sa kaniyang beer habang nakasandal sa pader. Si Miguel naman na naka de kwatro ang upo habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa armchair at ang kanang kamay niya ay may hawak din na beer. Si Yael naman na nakatayo sa tabi ni Zen. They looked so freaking hot with their position.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon